Four Months Later
Kakatapos lang ng chemotherapy ni Erika.
Masakit nanaman ang buong katawan niya.
Para siyang nabugbog ng isang buong gang.
At para siyang nasagasaan ng apat na kabayo.
Nakasilip siya sa labas ng bintana habang nakasandal siya sa headboard ng kama niya.
Pagkatapos ay napatingin siya sa notebook na pinagsusulatan niya.
Muli siyang nagsulat.
Isinusulat niya ang mga naging pangyayari sa buhay niya.
Kausap naman ng mga magulang ni Erika si Doctor Serrano.
"I'm really sorry. Pero as expected. Walang nagiging improvement sa kondisyon niya." Ani Doctor Serrano.
Napaiyak naman si Stella at napayakap sa asawa niya.
Nakatulala lang naman si Red.
"Ano hong dapat naming gawin Doc?" tanong naman ni Red.
"It's all up to you. I'm really sorry." Anito.
Iyak ng iyak si Stella.
"Anong gagawin natin Red? Hindi ko pa kayang mawala ang anak natin. Madami pa akong hindi nagagawa para sa kanya." Ani Stella.
Hindi naman makasagot si Red na hindi alam kung anong sasabihin sa asawa niya.
Samantala si Erika naman ay nakaupo ditto sa hospital bed niya.
Malungkot siyang tumutugtog ng kanyang violin.
Habang tumutugtog siya ay bumabalik sa kanya ang mga masasayang alaala.
Bagamat masaya ang mga ala alang iyon.
Malungkot siya.
Dahil kailanman ay hindi na mauulit pa ang mga alaalang iyon.
Ng bigla ay pumasok na sina Stella at Red.
Kaya ibinaba niya ang violin niya.
"Mommy, daddy. Kayo po pala." Ani Erika.
Mahahalata sa mukha ng mga ito na kakatapos lang nilang umiyak.
"Erika anak. Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Red.
"Ok lang naman po daddy. Masakit pa rin yung katawan ko. Pero sa tingin ko nasanay na ako." Ani Erika.
"Alright." Anang naman ni Stella.
"Ano pong sabi ni Doctor Serrano?" tanong ni Erika.
Matagal bago sila nakasagot.
Nagkatinginan na muna sina Stella at Red.
"Ahm ayos naman ang mga test results mo anak. Basta ipagpatuloy mo lang yung pagpapalakas mo at magiging ok na rin ang lahat." Ani Stella.
BINABASA MO ANG
Endless Love
RomantikNiloko si Erika ng boyfriend niya at ipinagpalit sa ibang babae. Worse ay ang babaing ipinalit nito sa kanya ay ang ka kambal niya. Time heals her broken heart at nagkita silang muli ng childhood sweetheart niya na si Richard. After going out with...
