Chapter Forty Three (I Love You)

213 4 1
                                    


Kasalukuyan namang nandito sa garden si Erika.

Kasama si Stella.

Nagdidilig at inaayos nila ang mga halaman.

Masaya si Erika habang pinagmamasdan ang mga bulaklak.



"Mommy tignan mo to!" ani Erika.

Sabay pakita doon sa rosas.

"Pwede na siyang pitasin para ilaga doon sa vase." Ani Erika.

Nginitian naman siya ng mommy niya.

"Oo nga." Ani Stella.

Ginunting na siya ni Erika.



Yung rosas.

Pagkatapos ay inabot niya sa mommy niya.

"Ibigay niyo po yan kay daddy mamaya." Ani Erika.

Nagulat naman si Stella.

"Bakit ko naman siya bibigyan ng bulaklak anak? Hindi ba dapat siya ang magbigay ng bulaklak sa akin?" tanong ni Stella.

"Pero marami na pong bulaklak na nabigay sa inyo si daddy. I think it's time na kayo naman ang magbigay ng bulaklak sa kanya." Ani Erika.

Tila nahihiya si Stella.



"Wag na. Baka pagtawanan lang ako ng daddy mo." Ani Stella.

"Sige na mommy. Hindi ka pagtatawanan ni daddy." Ani Erika.

"Papano ka naman nakakkasiguro doon anak?" tanong ni Stella.

"Dahil mahal ka ni daddy mommy. Kaya sigurado ako." Ani Erika.

Alanganing tinanggap iyon ni Stella.



Ng bigla ay dumating si Jeremy.

"Oh Jeremy ikaw pala. Wala pa dito si Eurika." Ani Stella.

"Ah hindi po si Eurika ang sadya ko dito. Si Erika po." Ani Jeremy.

Natigilan naman si Erika.

Wala sa sariling naituro ni Erika ang sarili.



"Ako?" tanong ni Erika.

"Oo ikaw. Gusto lang sana kitang makausap. Pwede kop o bang mahiram sandali si Erika?" tanong ni Jeremy.

Tinignan ni Stella si Erika.

Saka tumangi si Erika.

"Sige pero magi ingat kayo at wag kayong lalayo ah. Jeremy." Ani Stella.

"Opo Tita." Ani Jeremy.



Pagkatapos ay kinuha ni Erika yung bag niya na nasa lamesa saka sumama kay Jeremy.

Naglakad sila papunta sa park.

"Kanin aka pa tahimik. Hindi mo man lang ba tatanungin kung bat kita gustong makausap?" tanong ni Jeremy.

"Bakit ng aba?" tanong ni Erika.

"Ahm, nakalimutan ko na yung sasabihin ko." Ani Jeremy saka ngumiti.

Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon