Natutulog lang naman si Hye Ra.
Katabi niya ang anak niyang sanggol.
Habang natutulog siya aay nananaginip siya.
Parang nakikipag usap siya sa isang diyosa.
"Akin na ang sanggol." Anang diyosa.
"Hinde." Ani Hye Ra.
"Ipinanganak siya sa ilalim ng eklipse. Kaya hindi dapat siya mabuhay." Anito.
"Walang kasalanan ang bata." Ani Hye Ra.
"Kung ganon? Yung isa na lang ba ang kukunin ko?" tanong nito.
"Hindi!"
"Ikaw ang pumili ng kapalarang ito Hye Ra. Kailangan mong pakatandaan na may kapalit ang pinili mong ito." Anito saka naglaho.
Nagising si Hye Ra sa panaginip niya.
Pero ganon na lamang ang gulat niya ng Makita na wala na doon sa tabi niya yung sanggol.
"Anak!"
Lumabas si Hye Ra sa kuweba.
Biglang lumapit yung isang batang gumiho.
"Hye Ra. Si Risan nakikipaglaban sa mga kawal ng hari. Dala dala niya yung anak niya." Anito.
"Ano?!!" ani Hye Ra.
Tumakbo si Hye Ra.
*****
Magkasama sina Jeremy at Eurika.
Kumakain sila ng halo halo.
"Nasan ngayon si Erika?" tanong ni Jeremy.
"Nasa bahay. Nilalagnat yata siya. Napapadalas na nga yung pagkakaroon niya ng lagnat eh. Pero hindi naman niya pinapansin." Ani Eurika.
"Tingin mo ba anong nangyari dun sa dalawa?" tanong ni Jeremy.
"Sino?" tanong ni Eurika.
"Si Erika at si Richard." Ani Jeremy.
"Ah, ewan ko. Pero hindi naman kailangan pang tanungin eh. Obvious naman di ba? hindi sila ok." Ani Eurika.
"Bakit?"
"Hindi ko alam. Pero madalas nagha hallucinate si Richard at tinatawag akong Erika. Tapos nagmamakaawa siya na wag siyang iwan. Kaya nga siya nagpa bugbog eh. Para puntahan siya ni Ate Erika. Kasi ayaw yata makipagkita na sa kanya ni Ate Erika." Ani Eurika.
"Wow ha. Sino naman siraulo ang magpapa bugbog para lang makipag kita. Stupid." Ani Jeremy.
Natahimik si Eurika.
"Kasi ganon niya ka mahal si Ate Erika." Anang ni Eurika.
BINABASA MO ANG
Endless Love
RomanceNiloko si Erika ng boyfriend niya at ipinagpalit sa ibang babae. Worse ay ang babaing ipinalit nito sa kanya ay ang ka kambal niya. Time heals her broken heart at nagkita silang muli ng childhood sweetheart niya na si Richard. After going out with...