CHAPTER 16

52 13 16
                                    


CHAPTER 16  - THEY DID


" HOY!" sigaw ko kay Vlad habang naglalakad sya sa hallway. Hinintay ko talagang matapos ang meeting ng Student Council para pestehin sya sa ginawa nya kanina.

Napatingin ang mga Student Council officer sa pagsigaw ko pero kumunot lang ang noo ni Vlad.

" Bakit mo yun ginawa kanina ha? Baliw ka ba?!"

Sobrang dami na nga ang nagagalit sakin dahil sa pagsampal ko sa kanya tapos dinagdagan nya rin. Tinalikuran nya lang ang tanong ko at hindi ako pinansin. Abat, umiiwas ang kumag?

"HOY!" hinila ko ang dala nyang bag kaya napaatras sya.

" Let go." He said in a serious tone.

" I won't kung hindi mo sasabihin! Why did you kiss me in the forehead, you asshole! At sa harap pa ng maraming tao! " My forehead isn't a virgin anymore! Nakakaiyak!

" Don't you get it? That's my revenge for slapping me in public."

Revenge? Marunong din pala syang maghiganti? Pero bakit halik? DI ba dapat suntok, sipa, kurot mga ganun? By why kiss?!

" That's your fault asshole! You tricked my mom in that punishment!"

At kung hindi sana sya nakangisi ng time na yun hindi ko na sana sya sinampal. Try nyo kayang nagagalit na kayo tapos yung taong nasa harap nyo ay nakangisi ng nakakaloko. Tignan natin kung hindi kayo mainis ng sobra.

" Who told you that those punishments are real? Did you see what's written in the paper? Kasalanan ko bang naniwala ka?"

Biglang bumagsak ang balikat ko sa sinabi nya. So gawa gawa nya lang yung punishment na kunyari binabasa nya?

"Hindi totoo lahat ng sinabi mo?"

" That was a joke. Hindi ka kayang tiisin ng mom mo na bigyan ng punishment for a year. Sino kaya ang mabubuhay sa ganoong kalagayan."

We? Hindi ako kayang tiisin ng nanay ko? At nagjoke pa sya sa lagay na yun?

" Your joke isn't funny." kaya pinaikutan ko sya ng mata. Kaya pala ang exaggerated ng mga punishment pero alam kong magagawa ni mom yung kung gugustuhin nya. She's evil, I know.

"I'm not joking." sabi nya at nakangisi.

Mas lalo akong nainis sa kanya kaya hinampas ko sya sa dibdib. " You're still an asshole!" sabi ko at tinalikuran ang kumag.

Takte sya. Naniwala talaga ako sa punishment. Kaimbyerna.

Habang naglalakad papuntang gate, natanaw ko agad ang pigura ni Ausie na patalon-talon habang kumakaway sakin kahit hindi pa ako tuluyang nakakalabas. Tumakbo ako para salubungin sya pero biglang may malagkit na dumapo sa ulo ko kaya napahawak ako dito.

" Shit!" mura ko. Someone just throws an egg in my head.

Lumingon ako sa paligid at hinanap agad kung sino ang nagbato ng itlog. Unlucky, it came from above in the 3rd floor kaya tumingin ako sa taas only finding myself getting hit again. But this time hindi na itlog, it's a golf ball. Tumama sa itaas ng ilong ko kaya napahawak ako dito at napasigaw dahil sa sobrang sakit.

It freaking hurts like hell! Sobrang sakit na halos ayoko ng gumalaw sa kinatatayuan ko.

" WHO THE HELL THREW THAT DAMN EGG!" Rinig kong sigaw ni Ausie sa tabi ko. Hindi ko na sya namalayang lumapit sakin.

Tumingin kaming dalawa sa taas at nakitang tumatawa ang tatlong babae saka binigyan kami ng middle finger. Hindi nagpaawat si Ausie at binigyan nya rin sila ng middle finger sabay mabilis na tumakbo papasok ng building.

Mismatched ParamourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon