CHAPTER 25 - BACK TO SCHOOL

54 13 28
                                    

[ JAINE IS BACK! Sorry sa very looooong update. Advance sorry din sa unedited errors and grammars.  Walang edit edit to guys! Update na agad. Bahala na kayo sa mga echos ko. I hope you enjoy! ] - chibichidii


CHAPTER 25 – BACK TO SCHOOL

Nakasampa ang mukha ko sa mesa habang nakatingin sa whiteboard. Wala akong maintindihan sa nakasulat dahil hindi ko naman sinubukang intindihin. All I know it's about our new experiment na gagawin namin next meeting.

Kakatapos lang nga klase namin sa Science and it's already lunch time. We're back again to our normal state, yung Vlad na studious and Jiane the lazy bitch. One week have passed after that farm escapade, medyo nagkaayos na kami ni Vlad after that. I mean, yung bangayan namin hindi na naging madalas. Hindi nya rin ako pinagsasabihin ng masasamang salita hindi katulad ng dati ay halos isumpa na nya ang existence ko dito sa balat ng lupa.

So far, its good to be peaceful without his grumpy attitude.

" Nandito na ba sila?" tanong nya.

" Hindi pa, I didn't receive any message from Zenon." Sagot ko.

And add the fact na everyday pumupunta dito sa school sina Mica para daw sabay kaming maglunch. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa mga isipan nila at naisipan nila yun. It's not so bad to be with them but it would be nice kung si Aussie ay kasama din. Bakit kasi ang layo ng school nya, two hours pa talaga ang byahe papunta dito.

" Much better kung mauuna na tayo sa cafeteria. " sabi ko.

" Wait a little bit. Tatapusin ko lang yung solving." I frowned at him.

" You don't need to finish that today. The teacher told us na wala tayong klase sa kanya bukas."

" I'm not like you who has a lot of free time. Don't forget I'm Student Council." He said as if stating a fact. Pinaikutan ko lang sya ng mata. Yeah right.

I have no choice kundi hintayin sya hanggang sa matapos. It didn't take him long pero nagulat ako nang makitang nasa cafeteria na pala ang dalawa at hinihintay kami ni Vlad.

" Bakit hindi man lang kayo nag message na nandito na pala kayo?" kunot noo na tanong ko sa kanila. Umupo ako sa kaharap na upuan ni Mica bago tumabi din sakin si Vlad.

" Pareho parin naman. Pupunta parin kayo." Sagot ni Luke.

"Nope. You should have told us first, hindi kami pupunta dito kapag wala kayo. Not all the time kumakain ng lunch si Vlad. At madalas hindi din ako kumakain ng lunch. I'm always on a diet." I told them.

And there's no way na kakain ako ng lunch habang kaming dalawa lang ni Vlad. That's never gonna happen. Never.

" Why are you not eating your lunch Vlad? I know you're busy but take care of your health first." Malambing na sabi ni Mica. Tumaas ang isa kong kilay sa sinabi nya. She sound so innocent but I don't find it innocent. Ganito na ba talaga ako kasama na pati pagiging mabait ni Mica pinagdududahan ko?

" I'm perfectly healthy. Don't worry." Sagot ni Vlad.

Si Luke na ang nag order ng pagkain para sa aming lahat. Lahat kami nag order lang ng monggo at fried chicken. Hindi ko alam pero parang lahat yata kami namiss ang luto ni Lola Delyn. Pagbalik namin dito galing sa farm ay halos ayaw kong kumain ng mga pagkain dito sa city. Hinahanap hanap ng kalamnan ko ang lutong bahay ni lola.

" By the way, where's Zenon? Bakit hindi mo kasama?" tanong ko kay Mica.

" I'm with Zenon. Can't you tell?" sagot nya.

Mismatched ParamourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon