CHAPTER 33 – OFFICIAL
" Luke, may ipapaayos ako sayo." sabi ko, bitbit ang laptop na puno ng lectures ko.
"Anong ipapaayos mo? Relasyon? Naku hindi na maaayos yan." Sabi nya kaya binatukan ko nga, napaaray sya bigla. "Ang sadista mo talaga Jiane! Vlad oh, si babes mo nananakit – Aray!" daing nya dahil binatukan ko ulit.
"Yung laptop ko ayaw gumana. Alam ko magaling ka sa computer kaya ayusin mo."
"Bakit parang inuutusan mo ako? Di ba dapat humihingi ka ng pabor?" napabuntong hininga ako ng malalim dahil sa sinabi nya.
"Please?" kahit masakit sa kalooban ay binigyan ko pa sya ng puppy eyed look. Nakita ko syang ngumisi, hindi lang ngisi kundi isang pilyong ngiti.
"That's better. So stay there." Kahit naguguluhan at ako itong si tanga sumunod din na manatiling nakaganto.
"LOOK VLAD! SI JIANE MUKHANG TUTA!" sigaw nya kaya napatingin talaga silang lahat sakin, sa sobrang inis ko ay binatukan ko sya ko ulit. This time mas malakas na kaysa kanina. Humalaklak sya na parang baliw bago lumapit ulit sakin.
"I saw Vlad kissed you." Bulong ni Luke sa tainga ko. My cheeks felt hot kaya agad ko syang binato ng unan sa sofa namin. Buti na lang hindi yung laptop ang hawak at baka ito pa yung nahagis ko sa kanya.
"SHUT UP LUKE!" Ang sarap nyang bugbugin!
Kakabalik lang namin galing sa dating school. At tutulungan daw nila akong magreview para sa exam na hindi ko nagawa noong nakaraang araw. Kinausap pala ni Vlad ang mga teachers na hindi daw tamang ipaexam ako sa harap ng buong school para lang malaman kung nagcheat ba talaga ko.
'If something happens to her, you'll gonna lose your job.' Yan daw ang saktong sinabi nya sa teacher nang mawalan ako ng malay. Hindi ko lubos maisip na kaya nyang bantaan ang teacher.
Nagalit sya dahil hindi nya pala alam na magti-take ako ng exam na sa harap pa mismo ng buong school. He knows about my trauma at iniisip nyang kasalanan nyang hindi nya pinigilan ang school dahil sa nangyari.
"You only need to take the exam in front of a teacher. She changed the arrangement but the same content. " sabi ni Vlad.
Kumakain si Luke ng hilaw na carrot. Trip nya yata ngayon maging kuneho. "You know what, bakit hindi mo na lang hayaan ang gustong gawin ng teacher kay Jiane?" suhestiyon ni Luke.
I saw Vlad glared at him. Maging ako ay halos matakot sa paraan ng pagtingin nya kay Luke, parang nakakamatay. "Gusto mo bang maulit ang nangyari sa kanya?"
"Woah easy bro." Sabi ni Luke habang nakataas ng dalawang kamay na parang sumusuko. "What I mean is, what if she will try to face her fear."
"Psychologically, it's not a normal fear. It's severe kaya hindi dapat mangyari ulit iyon."
"Ganun? Oh, well." Nagkibit balikat si Luke at bigla akong niyakap. "I'm glad you know everything Jiane. Ang tagal naming hinintay ang pagkakataong ito. Ang malaman mo ang lahat at makilala kaming mga dating kaibigan mo." I was about to hugged Luke too nang bigla syang hinila ni Vlad palayo sakin.
BINABASA MO ANG
Mismatched Paramour
RomanceJiane the ungrateful bitch even though she has everything she wants. And there is Vlad, the so-called genius of their school. He is the exact opposite of Jiane. He hates partying, drinking and flirting. He also has everything he needs. But there i...