CHAPTER 23 – FARM ESCAPADE [ Part 4 ]
Habang kumakain ay hindi ko maiwasang mapatitig kay Zenon at Luke. Halos mawindang ako sa nangyari kanina. Paano nagawa ni Zenon na magpanggap na Luke, I really can't believe what he did. Magkamukhang magamukha sila ngayon lalo na't magkapreho sila ng suot na damit. Pag ako nainis baka pati si Luke magustuhan ko na rin.
Pabalikbalik ang tingin ko sa kanilang dalawa habang sinusubuan ni Luke ng pagkain si Summer. He's on my right side habang si Aussie ang nasa left ko.
" Bakit parang nawiwierduhan ka sakin at pati ako nawiwierduhan na rin sayo." Sabi nya.
" Ikaw ba talaga si Luke?" Parang wala sa katinuan ang tanong ko dahil obvious naman na sya si Luke dahil nasa harapan namin si Mica at Zenon na nagsusubuan ng pagkain.
Kani-kanina lang hawak hawak pa ni Zenon ang kamay ko at parang hindi parin ako makapaniwala sa ginawa nya. I know it's just a friendly touch but I think he knows that I like him kahit hindi ko pa sinasabi.
Kung madaling nalaman ng iba, paano pa kaya sya. Kaonting sweet gesture lang nya sakin ay pwede akong umasa. And I hate it because I sound so desprerate. Bakit parang ang sama pakinggan na nagkakagusto ako sa kanya kahit may girlfriend na yung tao?
Is it wrong if I like someone who has a girlfriend?
Alam ko nang hindi sya ang tumulong sakin but what can I do? I'm already attached to him. I don't need to question my feelings dahil alam ko sa sarili ko na gusto ko sya.
I just like him, period.
" May ginawa na naman bang kalokohan si twin bro sayo?" tanong ni Luke. Napatingin ako sa kanya at tumango.
" Oo. He lied and pretended he's you." I answered.
I heard him chuckled. " Palagi nyang ginagawa yan. He can imitates me perfectly pero hindi ko kayang gawin sa kanya. Hindi ko alam kung paano nya nagagawa and when he does that, kaya nyang lokohin lahat."
" Really? Even to Vlad?"
" Yep, kahit si Vlad. But of course, except my parents. "
Well, lahat naman ng mga magulang alam ang pinagkaiba ng mga anak nila kahit kambal pa yan. As if they can recognize any slight difference kahit magpalit pa sila ng kaanyuan. That's how awesome our parents are.
Kailangan ko ring mag ingat sa mga ginagawa ko kay Luke katulad ng pagbatok ko kanina dahil hindi ko alam na si Zenon pala yun. A major turn off kay crush.
After dinner ay tinulungan namin si Vlad na kumuha ng mga kahoy na gagamitin namin sa bonfire. Pinatulog din muna ni Luke si Summer sa kubo bago sya sumali sa ginagawa namin. Kanya kanya kaming dala ng mga kahoy sa ilalim ng mangga para igatong sa bonfire.
" Weakling. " sabi ni Vlad sa likuran ko kaya tinignan ko sya ng masama. Hindi kasi ako nagdadala ng marami, mga tatlo o apat na piraso ng biak na kahoy lang habang sila umaabot ng sampo dahil hindi naman malalaki ang piraso ng mga kahoy.
" Whatever Vlad." I told him. Baka gusto nyang ihampas ko sa kanya to nang malaman nya kung weakling ako. Paki nya ba eh sa ayaw kong magbuhat ng mabigat.
Dumating ang lolo ni Vlad at sya ang nagsimulang magsunog ng mga kahoy. As I looked at him, hindi nya totally kamukha si Vlad pero may portion parin na kamukha nya. Napatingin sya sakin nang makita akong nakatitig sa kanya. He really reminds me of my granpa kaya tuloy parang gusto ko syang yakapin.
" Ija, ngayon ko lang napansin na mayroon kang kahawig. Ikaw ba ang anak ni Juhnen Chen?" tanong nya.
" Ako nga po." Sagot ko. Kilala nya si mom?
BINABASA MO ANG
Mismatched Paramour
RomanceJiane the ungrateful bitch even though she has everything she wants. And there is Vlad, the so-called genius of their school. He is the exact opposite of Jiane. He hates partying, drinking and flirting. He also has everything he needs. But there i...