CHAPTER 22 - FARM [ part 3 ]

67 11 40
                                    

CHAPTER 22 – FARM ESCAPADE [ Part 3 ]

Pansin kong nakatingin sakin si Vlad habang nakatulala ako sa mga alitaptap, I didn't mind him dahil baka iniisip nya baliw akong naaliw sa mga fireflies. Totoo naman, gusto kong mabaliw dahil sa ganda nilang pagmasdan. Sobrang gusto ko silang hawakan at ilagay sa hawla saka alagaan.

" Pwede ba akong mag alaga ng fireflies?" tanong ko sa kanya. Mangha parin akong nakatingin sa mga kulisap habang lumilipad. Ang ganda talaga, hindi ako magsasawang manood ng ganto tuwing gabi kahit madilim.

" You can't."

" Bakit?"

" Akala ko ba matalino ka? Use your brain, brainy." Now he's back for being grumpy. Bipolar talaga sya dahil bigla bigla na lang nagbabago ng mood.

"Bakit nga? I never read about fireflies kaya anong malay ko sa kanila."

" Tss. They have a short life span. Hindi sila tatagal sa bahay nyo."

" Kahit may conservatory kami?"

" Yep. They have high maintenance. They need to have high-level mechanism to feed them and temperatures need to be consistent for their environment. Yung parang gubat yung atmosphere."

Gosh, I can't afford those. Hanggang succulents lang ang laman ng conservatory namin. But I badly wanted to have one!

" I can give you a container." Sabi nya.

" Anong gagawin ko sa container?"

" You said you badly wanted to have one."

" I didn't." Nasa utak ko lang yun kaya paano nya narinig?!

" You just did."

I did? But I swear sa utak ko lang yun!

" K, fine. Whatever if I did. I badly wanted to have one but I don't want to kill a single firefly just because I wanted it." Ayoko sa mga hayop but fireflies are now an exception.

" I told you, I can give you a container of them. But you need to release them bago tayo umuwi bukas."

" Really?" biglang nagningning ang mata ko.

" Yeah. Feast your eyes with the fireflies this whole night. Just don't kill them."

YES! Napatalon talaga ako sa tuwa at akmang yayakapin sana sya pero buti na lang narealize ko agad ang gagawin ko kaya hindi ko na tinuloy. Fudge. I need to stop this habit of hugging everyone everytime I'm happy.

" I'll go get a container." Sabi nya saka umalis muna at pumasok sa loob ng bahay nina Lola Delyn. 

 Naiwan akong mag isa habang nakatingin parin sa mga alitaptap.

Kahit ilang beses kong sabihin na sobrang ganda talaga ay hindi rin ako magsasawa. Kahit magdamag ako ngayon gabi dito ay kaya kong gawin dahil minsan lang mangyari sakin to.

Nakarinig ako ng kaluskos sa likuran kaya napalingon ako. Nakita kong papalapit sakin si Zenon at hindi nya kasama si Mica kaya automatic na lumapad ang ngiti ko. Gosh! We're going to watch the fireflies alone. Kya!

"Bakit ka iniwan ni Vlad na mag isa dito?" tanong nya. Kahit madilim ay kitang kita ko parin ang nakangiting mukha nya.

" May kinuha lang sa loob, pero babalik din naman agad." Pero sana naman huwag kang bumalik agad!

" I know that look. Pupusta ako, iniisip mong ako si Zenon no?" tanong nya. Biglang nanlaki ang mata ko. The fudge, hindi pala sya si Zenon?

" L-Luke?"

Mismatched ParamourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon