CHAPTER 38 - FAREWELL

13 4 3
                                    

CHAPTER 38 – FAREWELL

Mahigit isang linggo na ang lumipas nang matapos ang camp. Mas lalo naging busy si Vlad dahil malapit na ang foundation week ng school. Sumakto pa sa Valentines day ang last day ng foundation week kaya nagmimeeting sila ngayon kung ano ang pwede gawin na event sa araw na iyon.

Hinihintay ko lang sya sa labas ng office, nakasandal sa pader habang nakapikit mata at nakasalpak ang headset ko. Nakayakap pa ako sa aking sarili dahil medyo malamig. Hindi na ako pumasok dahil ayokong makaistorbo pa ako sa meeting nila.

"Bakit hindi ka pumasok sa loob?"

Napamulat ako at nakita si Claud na may dalang mga documents saka kape na galing pa sa 7/11.

"Ayokong maistorbo ang meeting." Sabi ko.

"Mayroon namang visitor's chair sa loob. Halika pasok ka muna."

"Huwag na. Dito ko na lang hihintayin si Vlad sa labas."

"I insist. At saka malamig dito sa labas." He really sound so worried.

"Sorry, ayoko talagang pumasok. Huwag mo ng sabihin kay Vlad na nandito ako." Nagawa ko pang ngumiti kay Claud. Ayoko talagang makaabala.

"Sigurado kang okay ka lang dito sa labas?.

Tumango ako. "No worries. Pumasok ka na sa loob. Baka kailangan nila ang dala mo."

"Sige hindi na kita pipilitin, basta sayo na itong chocolate drink. Hindi ko pa naman nababawasan iyan. Malamig pa naman ngayon dahil maulan." Inabot nya sakin ang drink na galing pa sa 7/11.

Ayoko sanang tanggapin pero marahil ay pipilitin nya pa ako at matagalan pa sya dito sa labas. Kaya tinanggap ko na.

"And here." Inabot nya rin sakin ang kanyang jacket. "Alam kong malamig dito sa labas. Kaya gamitin mo muna."

Napatingin ako sa hawak nyang jacket. My heart skipped a beat. The heck? Bakit?! Bakit tumibok ng isang beses?! Should I accept this? Pero medyo giniginaw na rin ako kaya tinanggap ko na rin.

"Salamat." Ani ko.

At pumasok na sya sa loob. Nang matapos ang meeting ay isa isa silang lumabas ng office. Huling lumabas sina Vlad at Claud.

Nagulat si Vlad nang makita ako. "Jiane? Bakit hindi mo sinabing nandito ka pa?"

"Ayoko lang makaabala." Binalik ko na rin kay Claud ang pinahiram nyang jacket. "Thank you. This helps a lot."

"Don't mention it. Nga pala Vlad, I'll check tommorow the possible venue. Sino ang pwede kong isama?"

"Isama mo si Bren. Marami din syang alam last year, at sa kanya ang list ng mga VIPs."

"Noted. Sige mauna na ako Vlad. Bye Jiane."

"Bye."

Umuulan pa pero tumakbo na si Claud, ginamit nya ang jacket bilang payong. At ngayon ay kami na lang ni Vlad ang natitira. Without warning he suddenly went under the rain. Naglakad sya paalis na hindi man lang ako kinakausap.

"Vlad!? Anong ginagawa mo?!" agad ko syang hinila pabalik sa silong. Kumuha ako ng maliit na towel sa aking bag saka pinunasan sya. Buti mayroon ako sa bag. "What are you thinking?! Bakit ka nagpapaulan?"

"Bakit hindi mo sinabing nandito ka pala naghihintay?" he sounded so angry.

Tumigil ako sa pagpunas. "Alam kong busy ka kaya ayokong makaabala sa meeting ninyo. I don't mind waiting. I just want to see you."

"Hindi ka nakakaabala, Jiane. Do you think matatahimik ako lalo na't nalaman kong naghihintay ka sa labas habang umuulan at giniginaw? Kahit sa loob ka maghintay ay wala namang problema."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mismatched ParamourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon