CHAPTER 34 - SURPRISE

25 6 3
                                    

CHAPTER 34 – SURPRISE

The next day ay hindi ako pinapasok sa school. Kailangan ko daw munang magpahinga dahil sa paspasang pagrereview ko ng ilang araw. Pero instead na magstay sa bahay ay naisipan kong dalawin sina Aussie sa kanilang school. Tutal wala naman akong iba pang gagawin ay naisipan ko na ring bumili ng 'thank you gift' para sa pagtulong nila sakin. Dumungaw ako sa pintuan ng office ni mommy para magpaalam.

"Mom! I'm gonna visit Zenon and Mica."

Imbes na makita si Mom ay si kuya Justin ang nadatnan kong nakaupo sa swivel chair ni mom. He's carresing his temple na parang napakalaki ng kanyang problema. Hindi nya man lang ako narinig.

Nilapitan ko sya sa kanyang table. "Are you okay?" tanong ko. He's stressing over our company again. Doon lang sya napaangat ng tingin nang pumasok ako.

"Oh, Jiane. May problema ba?"

"Maybe I should ask you that. May problema ba?"

"It's nothing."

"Base on your facial expression kanina ay mayroon ka ngang problema. So spill it, maybe I can help."

"Hindi kita pwedeng idamay sa ganitong problema, you're too young for this."

Napacross lang ako ng dalawang kamay. "I'm not a Chen for nothing. So spill it, baka makatulong ako."

"Don't mind me."

"I do mind kuya. Ayoko makitang nahihirapan ka para sa companya. If it's not your field, then why not back out?"

Napabuga sya ng isang malalim na hininga. "Hindi naman kasi ganoon kadali iyon. I'm the eldest and I'm a guy. Nasa rules na ng family na lalaki ang mamahala sa kompanya."

"Pero wala naman sa rules na hindi kita pwedeng tulungan, right?"

He smiled at me. "You're so stubborn Jiane. Fine. Just don't tell Mom na pinakita ko sayo ito. Or malilintikan ulit ako. " He said handing me the reports of our stocks.

Binasa ko naman ang mga nakasulat and base in my own understanding, "Nalulugi tayo sa isang product?"

Nakita kong nagulat sya. "How can you read the report so easily?"

"We're a family of businessmen, it's so impossible na wala akong alam sa ganito." At simula pagkabata ay madalas akong nakakaencounter ng mga reports galing sa kompanya.

"The Panning Team failed this time. Akala nila magiging bestseller ang product. Kaya halos binuhos na nila lahat ng pera dito at marami kaming pinalabas sa market para dagsain ng lahat. But we end up na maraming nagpupull-out ng kanilang order at hindi na daw sila kukuha nito."

Napaisip ako sandali. Ito din ang product na ginagamit ko. "It's really a high quality so bakit sila nagpupull out?"

"Yan din nga ang tinatanong ko. Limang store na ang nagpull out ng ilang dosenang packages."

"Maybe that's the main reason. It's too available for everyone. They took it for granted dahil marami pang stock sa market."

"What do you mean?" tanong ni Kuya.

"Make it a limited edition. Sell it to limited buyers, only to beauty salons at ilang grocery stores lang. At doon nila hahanap hanapin ang product."

I saw his face lit up. "You know what, you have a knack for this." Sabi nya.

I just shrugged. "I'm not sure if it will work."

"But it's a good idea. I'll give it a shot. So anong pakay mo bakit mo hinahanap si Mom?"

Mismatched ParamourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon