CHAPTER 20 - FARM

63 14 28
                                    


CHAPTER 20 - FARM

Nang makarating kami sa farm at sobrang napanganga ako sa laki. Maraming mga hayop kaming nadaanan pero naamaze ako sa bahay na nakatayo sa gitna ng palayan. Yung itsura nya ay farmhouses na madalas kong nakikita sa tv. Simple lang pero ang ganda at hindi naman ganoon kalaki ang bahay pero kakaiba kasi lahat ay gawa sa kahoy ng kawayan.

" Who's farm is this? Bakit sobrang laki?" tanong ko kay Vlad nang makababa kami ng kotse.

" Sa lolo at lola ko. They lived here until now." Sagot nya at sakto namang may lumabas na matanda sa bahay sabay salubong nya kay Vlad ng yakap.

" Vlad anak!"

" Lola, namiss ko kayo." Sabi ni Vlad habang yakap ng mahigpit sa matanda. Yung Vlad na palagi kong nakikitang masungit at cold hearted ay naging maamo nang makita ang Lola nya.

Hala? Miracles do exist?

"Oh, Zenon at Xenon, napadalaw din pala kayo. Naku namiss ko kayong dalawa, kamusta na kayo?"

" Okay lang kami La," sabi nilang dalawa saka yumakap din sa matanda. Nakapunta na pala silang dalawa dito? It means silang tatlo?!

"Sila po pala mga kaibigan ko. Naisipan din kasi nilang sumama." Gusto kong matawa sa sinabi ni Vlad. Friends pala kami. Nakalimutan ko yata.

Tinuro kami ni Vlad kaya nagmano ako sa lola nya. Nakasanayan ko dati kina grandma at grandpa na magnano tuwing magkita kami. Hindi ko napansin na hanggang ngayon dala dala ko parin pala.

Nagulat si Aussie sa ginawa ko pero nagmano din sya.

" Naku, mga butihing bata. Pasok kayo at mag aalmusal tayo. Alam kong napagod kayo sa byahe."

Iginiya nya kami sa loob dala dala ang mga gamit namin. Ako pala ang may pinakamaraming gamit dahil ako lang ang may maleta habang sila ay puro backpack lang. Bakit ang konti ng gamit nila? Hindi ba sila nagbibihis?

Naamaze ako sa loob ng bahay dahil pati ang sahig ay gawa din sa kawayan. How did they do this? Feel ko parang mas mahirap pa to gawin kesa sa semento lang.

Dinala kami sa isang kwarto para maglagay ng gamit namin pero nagtaka ako kung bakit nandito din sa loob nilagay ang gamit ng mga boys.

" Wala bang ibang kwarto dito?" tanong ko kay Vlad.

" Nope. Sa iisang kwarto tayong lahat matutulog. Wether you like it or not."

"WHAAT?" Napatakip ako bigla ng bibig. Okay. I overreacted. " Wala akong sinabing ganun. I'm just asking, duh."

Ayokong sabihin ni Lola na maarte ako. I'm just concerned about our safety pero okay lang pala dahil pwede kong gapangin si Zenon mamaya. * insert evil laugh*

Dumiretso kami sa hapagkainan matapos ilagay ang mga gamit sa loob ng kwarto. Sobrang dami ng pagkain na hindi ko alam ang pangalan. Parang mga exotic dahil bago lahat sa paningin ko. Yung alam ko lang yata dito ay tinolang manok.

" Er, what's this?" tanong ni Aussie sa parang tinola na kulay puti. Hindi lang pala ako, pati din si Aussie ay walang alam sa mga ganitong pagkain. Maarte sya for sure kaya hindi ko alam kung bakit sya sumama dito sa farm.

" That's a bamboo shoot na ginataan." Sagot ni Luke.

"Bamboo??!! As in kawayan? Kinakain pala yun?" Hindi ko ko talaga alam na pwede yung kainin.

"Is this edible?" tanong ni Aussie.

" Oo naman. Watch me." Saka kumuha si Luke ng isang kutsara at kinain ito. Manghang nakatingin sa kanya si Aussie at maging ako rin. " See?"

Mismatched ParamourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon