CHAPTER 21 - FARM [ Part 2 ]

49 14 22
                                    


CHAPTER 21 - FARM ESCAPADE [ Part 2 ]

JIANE

Nahimasmasan ako nang bumalik na kami sa bahay nina Lola Delyn. At naiinis ako ngayon dahil tawa ng tawa sakin si Aussie. Nakita nya pala ang nangyari kanina sa poultry kaya pala pinuntahan nya kami sa pwesto namin para pagtawanan lang ako.

" Could you stop laughing like an idiot?" sita ko sa kanya. Pag ako nagalit tatagalugin ko sya para hindi nya ako maintindihan.

" Kanina pa yan tumatawa sa babuyan." Sabi ni Luke. Hanggang dun din pala.

Inabot nya sakin ang ice pack para sa namamaga kong paa dahil sa pagtuka ng pabo kanina. Nagkaroon ng parang violet sa balat ko, ganun pala sila kalakas tumuka ng tao.

Dumating si Vlad na may dalang palanggana na may lamang malamig na tubig at bimpo. Maya maya ay dumating na rin si Lola Delyn kasama si Summer na kinukusot pa ang mata marahil bagong gising sa pagtulog.

" Nandito na pala kayo. Gusto nyo bang kumain ng meryenda? Ipaghahanda ko kayo." Sabi ni Lola Delyn at sumang ayon kami. Sumama din si Summer kay Lola dahil mabaho parin si Luke dahil sa tae ng baboy na hanggang ngayon ay hindi parin naliligo.

Dumating na din sina Zenon at Mica dahil kakatapos lang siguro nila sa kanilang task.

" Bakit may naamoy akong mabaho?" tanong ni Zenon sabay inamoy ang paligid.

Napatingin kaming lahat kay Luke saka sya tinuro.

" Sya."

" Don't blame me! May baboy kasing sinuntok ako sa sikmura kaya nagpagulong gulong ako sa sahig na may tae nila."

" Nanununtok yung baboy?" tanong ko . Paano yun? Hindi ko alam na kaya pala nilang manuntok ng tao kaya pala ayaw nya sa babuyan. Mas okay pa palang tinuka ako ng pabo kesa sa sinuntok ako ng baboy.

Pero hinabol ako!!! Yun ang hinding hindi ko makakalimutan!

" Oo! Kahit payat naman yung baboy na yun, hindi halatang kaya nyang manuntok". Sabay napatingin sya kay Aussie.

" Ha? Payat na baboy? Paano nangyari yun?" tanong ko ulit pero hindi nya ako sinagot at tinawanan pa nila ako. May nakakatawa ba sa tanong ko? Sorry naman, wala talaga akong alam sa mga hayop. I don't know how they behave.

" Why are they laughing?" bulong ni Aussie sakin. I just shrugged at her dahil hindi ko rin alam. Pareho kaming walang naiintidihan kung bakit sila tumatawa.

Binigay sakin ni Vlad ang palanggana at tinutungan nya akong lagyan ng malamig na towel yung paa ko. Hindi naman sya masakit pero yung maga ay hindi parin nawawala.

" Gusto nyo bang magbonfire mamayang gabi?" tanong ni Zenon.

" That would be great." Sabi ni Mica. Such a supportive girlfriend.

"Tama, gawin natin yun,. Doon malapit sa malaking puno ng mangga. It's the perfect spot for bonfire dahil dun kami madalas dati, di ba Vlad?" tanong ni Luke.

Kahit busy parin sa pagpunas si Vlad sa paa ko ay sinagot nya si Luke na hindi man lang lumilingon. " Yeah. Lolo already prepared some woods. He expected this would happen." Sabi ni Vlad.

Bonfire? This is the first time I'm doing such thing. At hindi ko pa namimeet ang lolo ni Vlad. I would love to meet him.

Pagsapit ng hapunan ay naisipan nilang kumain sa labas ng bahay duon sa mini kubo na tinatawag daw nilang 'payag'. Medyo malapit lang sa puno na sinasabi ni Luke na puno ng mangga kung saan kami magbobonfire.

Lumabas ako sa payag at pumunts sa gilid ng palayan na malapit lang dito. Ramdam ko yung sariwa ng hangin at kahit madilim ay tanaw ko parin ang palayan dahil sa kaonting sinag ng buwan at mga bituin.

"Omg. What a view." Rinig kong sabi ni Aussie sa tabi ko.

" It's not that great." Sabi ko. Hindi naman talaga sya maganda sa paningin dahil wala kang masyadong makikita dahil madilim sa palayan maliban sa konting sinag ng buwan.

" Yeah. But the serenity of the ambiance and alluring feeling from the moon and the stars. That's what makes it great. " Medyo hindi ko gets ang sinabi nya kaya inisip ko pa ito ng mabuti.

Serenity..

The night is so peaceful at mssarap sa feeling na manood ng stars at moon. Now I get it. So this is what she means 'what a view'.

" Why can't you be greatful about anything around you?" tanong ng kararating na Vlad. Pansin ko lang madalas syang sumusulpot sa likuran ko at palagi na lang may sinasabi. Napatingin ako sa kanya dahil bigla kong naalala si Grandpa sa tanong nya.

Be greatful in anything Jiane. Madalas na sinasabi ni Lolo.

So this is what he means to be grateful.

Grandpa has been showing it to me since I was a child at ngayon ko lang narealize ang mga sinabi nya.

I need to be grateful even to small things like this dahil hindi ko ito nararanasan palagi. I need to be grateful even to little things like watching the stars with my friends. But what the hell am I doing all along? I've never been grateful to anyone, to my parents, to my friends and

to him.

Nakatingin parin ako kay Vlad at alam kong napapansin nya ang pagtitig ko.

This is why he said that I took everything for granted. He said I was being ungrateful. From the very first start, he knew what kind of person I am.

How?

Narinig kong napatikhim si Aussie. " I better get going?" sabi nya saka iniwan kami ni Vlad. Hindi ko naalis ang titig ko sa kanya. Kahit medyo madilim ay nakikita ko parin ang mukha nya. Naibuka ko ang aking bibig dahil gusto kong magtanong kung marami pa syang alam sakin pero walang salitang lumabas sa bibig ko.

I can't seem to find the right words to say kaya hindi na lang ako nagtanong. Marami akong gustong malaman pero hindi ko na siguro kailangan pang tanungin yun.

Being grateful isn't something I should ask, it's something I should feel. Right?

" You'll gonna love this." Sabi nya at kumuha sya ng bato saka binato sa mga talahib sa gilid ng palayan na medyo malapit din sa gubat.

Mayroong lumitaw na munting liwanag doon at lumilipad sila kahit saan.

" Fireflies!" napatalon ako sa tuwa ng makita ang mga alitaptap. Wah! Ngayon lang ako nakakita ng fireflies sa personal and they are literally beautiful! Lumapit din ako sa mga ito para mahawakan sila. I tried grasping one in my hand at hinayaan ko ulit na lumipad sa palad ko ang isang alitaptap. Ang ganda!

They are like the stars of land.

While looking at them, I seem to forget that I am here because I was being punished. I should suffer and not enjoying this. Pero bakit hindi punishment ang binibigay sakin ni Vlad. He's giving me the experience every girl would get jealous.

Should I be grateful?


Always be grateful Jiane.


I think I should, now.


I will be grateful Grandpa. I now always will.


~♥~


CHIBICHIDII ♥ 

WALA. MAS INUNA KO TALAGA UPDATE KAHIT SHORTIE LANG. I HOPE YOU ENJOYED GUYS! ♥ 

[ Starting from now, under heavy editing na sya. Marami akong naiwang details eh. hihi! ♥ ]

Mismatched ParamourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon