Chatmates

1.4K 14 3
                                    

Tawagin niyo nalang akong Angelo,

Ako ay isang 4th year student sa isang pribadong paaralan, hindi naman sa pagmamayabang ay Top 8 ako sa school, sumasali rin ako sa ibat ibang contest.

Isa sa mga nasalihan ko ay ang pagandahan ng barong,

Nangyari ito nuong ipinagdiriwang na,in ang buwan ng wika, napili ako sa mga kandidato at ako ay nanalo, binigyan ako ng isang souvenir, isang cross na nakasulat, I am the vine, itinabi ko iyon, mga 11 am na, kumakain kami, pumunta ako sa kabilang classroom upang humingi ng mga pagkain, ang takaw ko noh?!

Nakita ko si Shayne, ang bestfriend ko, nagkakilala kami nang nangopya ako ng assignment sa english, pumayag siyang kopyahin ko ang gawa niya, at tinuring niya akong bestfriend, nandoon siya, pero, noong panahon na iyon ay magkagalit kami, kaya hindi niya ako pinansin, mga 12:00nn na, uwian na, half day lang kami, tapos nakita ko si shayne, bigla ko siyang hinawakan sa braso at sabi kong, uy, ganda mo naman ngayon, sorry na ha, natawa naman siya, sinundan ko siya papuntang classroom nila, pagpasok ko, nagtilian yung mga girls, ang sabi kasi, crush ako ni shayne, pero hindi ako naniwala, kaya tuloy lang ako, nakita kami ni maam alex, ang adviser niya, kka graduate lang nito sa kursong guro, kayat baa pa ito, natawa ito at kinunan kami ng picture na nagkukulitan ni shayne, kilig na kilig naman ang mga classmates niyang babae.

2:30pm, wala akong magawa, pa ipad ipad lang ako, tapos naisipan kong ichat si shayne,eto ang convo namin

Me: Hi

Shayne: Hello Angelo. Bakit? Nga pala, may sinabi ba yung mga. Classmates ko sayo?

Me: wala naman, bakit? May kailangan ba ako malaman?

Shayne: ah, wala, basta pag may sinabi sila, wag ka maniniwala ha

Me: depende

Biglang may isang nag chat sakin, hindi ko kilala, pero naalala kong eto yung nag pa add sa kin sa fb at inaccept ko dahil mutual friend namin si shayne, ang pangngalan niya bernadeth, ang sabi niya

Bernadeth: Hi po, kilala niyo po si shayne?

Me: Shayne?....villanueva?

Bernadeth: opo, classmates po kayo?

Me: hindi, schoolmate lang, bakit?

Bernadeth: ah, okie, so, ano mo po siya

Me: huh? Bestfriend, bakit?

Bernadeth: ah, hanggang besfriend lang po ba, hindi po ba kayo magiging from bestfriend to crush to ligawan to gf/bf?

Me: bakit naman?

Bernadeth: wag mo sasabihing sinabi ko sayo toh ha! Crush ka ni shayne, lagi ka niyang kinekwento sa akin, matalino ka daw, gwapo, cute, at mabait, nasayo na raw ang lahat

Me: hahahaah, sige kain muna ako

Bernadeth: uy , secret lang toh ha!

Hindi na ako nagreply dun, ichachat ko sana si shayne, kaso biglang nawalan ng internet connection, nagulo ng pinsan ko! Ano bayan, inaayos ko yung wifi, kaso antagal bago maayos uwi, natulog na ako

Pagkagising ko nagshower na agad ako at nag breakfast, pumasok ako, 6:00am palang nun, may 1 hour pa ako gumala sa loob ng campus, mga 6:20 dumating si shayne, as usual, kinausap ko siya, tapos ang saya, pinapatawa ko rin siya, sumsayaw ako ng exo - growl, tawa siya ng tawa, tapos ayon, tumunog na yung tunog ng flag ceremony, kaya pumila na kami. Matapos ang flag ceremony, at kumalat ang rumor na nililigawan ko daw si shayne, sinasabi ko naman na chismis lang yun.

3:20pm na, uwian na, kaso, pag labas, ko, wala na si shayne sa classroom nila, umuwi na siguro agad. Inisip ko na ichachat ko nalang siya, hindi muna ako umuwi ng bahay, tumambay ako sa 7/11 , bumili ako ng slurpee at hotdog, tapos nilabas ko yung Samsung Note 3 ko

Tiningnan ko kung online siya, kaso hindi, uminom ako ng slurpee habang tinitingnan ang news feed ko, birthday pala ng dati kong crush, tinatype ko sa wall niya "happy birthd..." Bigla kong nakitang online si shayne, hindi ko na tinuloy ang pagtatupe ko ng happy birthday at chinat ko agad siya

Me: Hi

Shaine: hello angelo, pasensya na hindi kita machat, gumagawa ako assignment eh, mamaya nalang

Me: sige

Sobrang saya ng pakiramdam ko ng sumagot siya, kasi inisip ko, nag effort siyang itype yun kahit busy siya, pero, hindi ko naman siya crush diba? Bestfriend ko lang siya, pero bakit ganto ang nararamdaman ko, ano ito?

To be continued.....

Ang Bestfriend kong FeelingeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon