Nakita kong nagpropose si james kay shayne at sinagot siya ni Shayne, pagkatapos noon ay tumingin sa akin si James na tila natatawa dahil nakuha na niya si Shayne saakin.
Nag walk out ako at umuwi na, dire-diretso lang ako palabas ng school, hindi ko pinansin ang guard, pero, hindi niya na rin ako sinita dahil kilala ako dito sa school.
Pag ka uwi ko, natulog nalang ako, sobrang lungkot ko
Pag dilat ng mata ko, nakita ko si Shayne, nasa bahay ko, kasama si James, nandoon sila at sinasabi saakin ni Shayne na si James ang boyfriend niya, nagulat ako ng bigla niyang sinabing, buksan mo yung pinto.....
Bigla akong nagising, panaginip lang pala, si yaya kumakatok, buksan ko daw yung pinto, may dala siyang pagkain, kumain naman ako, kinuha ko yung ipad ko at nag online, pag bukas na pag bukas ko ng facebook account ko, unang lumabas sa news feed ko ang video ng proposal ng video ni James kay Shayne, nabwisit ako at hindi ko na yun pinanood pa, pag scroll ko naman , nakita ko na nag add ng life event si James, at ang nakalagay "James Panganiban is in a Relationship with Shayne Villanueva"
Nadurog ang puso ko, hindi lang dahil nakalagay nayun, kung hindi, dahil inaccept ni shayne ang request na iyon, at, sila na nga, halos lahat ng status na nababasa ko ay tungkol sa kanila, at ang iba, kahit na hindi binabanggit ang pangngalan ko, alam kong ako iyon, ang sabi nila," bakit kaya pinagpalit ni Shayne si Ano, ano kaya ang meron kay James? Hahahaha, siguro mas sweet si James! <3 <3 hart hart"
Ayoko na talaga! Gusto ko na ideactivate ang account ko, pero, hindi ko kaya, dahil ito nalang ang paraan para makita ko ang mga nangyayari kay Shayne, kung ayos lang siya, kung inaaway pa ba siya nila Claire.
Pero, kahit na anong gawin ko, mukhang ayaw na talaga sakin ni Shayne, siguro, dapat tumigil na ako sa pagmamahal sa kanya, sabi nga nila, hindi dapat puro puso ang sinusunod, minsan, kapag nasasaktan ka na, itigil mo na.
To be Continued.....
BINABASA MO ANG
Ang Bestfriend kong Feelingera
RomanceShayne Villanueva Hello sa inyo! Ako nga pala ang pinaka magandang 4th year student sa campus namin, ako ang tinatawag nilang dyosa, reyna, diwata at kung ano ano pa, dahil nga sobrang ganda ko.. At dahil sa kagandahan ko, nabighani saakin si Angelo...