Matilda is Maldita

1.9K 8 1
                                    

Well, sa wakas, natapos na ang lahat ng klase, sobrang saya ng araw na toh, may bagong friends, halos lahat ng subjects freetime, at marami pang positive vibes!

Lumabas na ako ng room, at as expected, nandoon na si Angelo, inaantay ako, inakbayan niya ako at naglalakad na kami palabas ng school, ng bigkang sumigaw si Matilda

Matilda: Shayne! Bye! Ingat sa pag uwi! See yah!

Hermione: bye Shayne! Ingat!

Napansin kong marami ang nakatingin sa kanila at may oinag bubulungan , sa palagay ko may pinag uusapan lang sila, lumabas na kami ni Angelo ng school, sumakay kami ng kotse at hinatid niya ako sa bahay.

Nag online na ako at nagpost ng mga selfie namin ni Angelo,

Nag comment agad si Matilda

Matilda: Shayne, ingat ka, gwapo ang boyfriend mo, maraming chicks sa paligid.

Sinagot ko naman ang comment niya

Shayne: alam ko namang ako lang ang mahal niya eh, diba Angelo Hidalgo?

Yup, minention ko siya sa comment, kaya nag comments din siya

Angelo: oo shayne, ikaw lang ang nagiisang laman ng puso ko

Matilda: Sweet naman niyan! Ayieee!

Kilig na kilig naman ako sa comment ni Matilda hahahaa

Angelo's P.O.V.

May bagong friends si shayne? Well, ok naman sila, sila sina Matilda at Hermione,

Nagkwentuhan kami ni shayne at nag selfie, nag bell na kaya bumalik na ako sa classroom ko.

Napakahirap ng mga tests, halos lahat ba nman ng subject namin may test, kahit na top 8 ako, napapagod din naman ang utak ko noh!

Pero, na survive ko naman yung torture na yun, hahahaha, at sure naman akong pasado ako, uwian na, inaantay ko si Shayne lumabas ng room niya, at sa wakas, lumabas na siya, nakita ko si Matilda na nasa likod niya, may pinag bubulungan sila ng mga girls. Well, lumabas si shayne, ang ganda niya, hinahangin hangin pa yung buhok niya, naglakad na kami palabas ng campus, pero napahinto kami dahil biglang may sumigaw, pamilyar saakin yung boses, si Marilda pala

Nag babye siya kay Shayne at umalis na kami. Pero napansin kong ang daming girls na nakatingin at nag bubulungan, binaliwala ko lang yun.

Umuwi na ako, pagod na pagod ako kaya naman pag uwi ko ay naghapunan ako at nagpasyang umiglip muna, pero, hindi na ako nagising, tuloy tuloy Ang tulog ko at pag gising ko, tama lang ang oras para mag ayos na at pumasok ng school.

Sabi saakin ni shayne ay wag ko muna siya sunduin kaya diretso na ako sa campus

Pumasok na ako ng school, at pag pasok ko, halos lahat sila nakatingin saakin

Nagtataka ako pero binaliwala ko yun, pag pasok ko ng room, nandoon si czarina, tinawag niya ako at may sasabihin daw siya, andami daw nagkakalat ng rumor/tsismis na negative tungkol kay shayne, hindi naman daw siya naniwala dahil kilala naman niya si shayne at mukha naman hindi totoo yung mga sinasabi nila.

Nag start ang klase at natapos na rin, reccess na, hindi ko nanaman nakita si shayne, siguro ay may project, sinabi niya naman saakin na busy siya dahil may gagawin pa siyang project na kailangan niyang maipasa, natapos na ang reccess at umakyat na ako, pag pasok ko ng room, dinig na dinig ko na pinag uusapan nila si shayne, hindi ko yun pinansin dahil alam ko naman na hindi totoo ang jga rumor na yun basta wag kang nila sasaktan ang mahal ko

Nag bell na at lunch na...

Paglabas ko ng room, nakita ko si shayne na umiiyak, hindi ko alam kung bakit, lalapitan ko na siya at kakausapin upang tanungin kung anong oroblema

Shayne's P.O.V.

Excited na ako pumasok bukas!

Lalo na at alam kong may bago akong friends na nag aantay saakin, ang sweet nila saakin, ewan ko kung bakit, pero, napa kabait nila saakin, kaya nagdala ako ng dalawang cupcakes para sa kanilang dalawa.

Pagpasok ko ng school, nakatingin sila saaking lahat, tahimik lang sila, hindi ko yun pinansin at dumiretso na sa room.

Pagpasok ko, narinig kong pinaguusapan nila ako, kung ano ano, at narinig ko na feelingera daw ako, ambisyosa, maldita at iba pang negative, pumasok ako, nag tinginan sila lahat saakin, sabi ko

Shayne: sino nag sabi sainyong ganyan ako, wala naman akong ginagawa sa inyo ha, may problema ba kayo? Please, wag niyo naman ako pag tsismisan lalo na at negative.

Bigkang sumagot si Matilda

Matilda: bakit? Totoo naman diba! Kahapon, kinausap ka namin pero di mo kami pinansin , tapos feel na feel mo yung pagiging kayo ni angelo! Napaka ambisyosa mo!

Nabigla ako sa sinabi niya, hindi ko akalain na sakanya manggagaling iyon, at siguradong akong siya ang nagkalat ng false rumor na yun

Shayne: anong ginawa ko sayo Matilda!? Bakit ka nag ka ganyan! Akala ko ba friends tayo nila Hermione! May dala pa nga akong cupcakes para sainyong dalawa, tapos ganto pala ang gagawin mo saakin, Hermione! Asan ko, ipag tanggol mo ako!

Alam mo namang mabait ako diba? Hermione! Please

Hermione: hindi ka mabait! Ambisyosa ka! Napaka feelingera mo!

Hindi ko na kayang marinig pa ang susunod nilang. Sasabihin kaya lumabas na ako ng room, nag tago ako sa isang cubicle sa girls restroom.

Nag time na at pumasok na ako ng room, nananahimik nalang ako, at nag reccess na, nag tago lang ako, malayo sa mga classmates ko, hindi rin ako nagpakita kay angelo, ayokong makita niya ulit akong umiiyak.

Nag bell na, at nag simula ang klase, at agad namang natapos, tahimik lang ako, nag lunch na, at lumabas ako, naupo ako sa mini park dahil walang tayo at doon na ako umiyak, nilabas ko lahat ng sama ng loob, hindi ko alam kung bakit nila nagawa saakin yun, ano bang kasalanan ang nagawa ko!? Bakit sila ganito saakin!

To be continued....

Ang Bestfriend kong FeelingeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon