Well, Sunday na, kaya naman nagsimba kami ni Mama at kasama namin si Bernadeth, hindi ko alam kung bakit hindi nag tetext si Angelo saakin, imposible namang walang load, eh punong puno ng lera yung wallet nun, at meron pa sa banko, o baka naman......walang barya kaya hindi siya masuklian ng tindera?....ay teka, naka plan nga pala siya, plan ba yun? Yung pang 1 month na load, may internet, call and text na, pero,bakit di siya nag tetext? Walang time? Hahahaha, andami ko namang iniisip haha, makapag ayos na nga ng makapag simba na!
Nakapagsimba na kami ni Mama at Bernadeth, kumain kami sa Mang Inasal, oh ayan! Special mention, Mang Inasal, ang sarap kasi doon eh, unli rice pa! Ang takaw ko pa naman! Kaya siguradong maluluginyung may ari nun kung araw araw akong kumakain doon, ahahha, sulit saakin yung unli rice.
Gabi na, tulog time na, pero hindi parin nag tetext si Angelo, ano kaya nangyari? Anyare? Kabanas naman! Ayoko namang ako ang unang magtext, hayaan mo nga siya! Makatulog na!
Ng biglang narinig kong sumisigaw si Bernadeth,
Bernadeth:Aaaaahhhhhaaahhh!!Bumaba ako, ano kaya ang nangyari! Kinakabahan naman ako! Kung makasigaw siya pang horror movie eh
Shayne: bakit ka sumisigaw bernadeth, para ka namang nakakita ng multo
Ng biglang napansin kong may kausap siya sa phone, kaya nanahimik muna ako, kakahiya naman noh!
Natapos na ang pakikipagusap niya after 500 years, oh yan!
Daig ko pa si Do Min Joon/Matteo Do. Ako 500 years old na! Chos!Shayne: oh! Anyare? Sino yun?
Bernadeth: Oh My God!! Shayne! Tawagin mo na si Tita!
Shayne:bakit ba? Kalma ka nga muna, sino ba yung tumawag? Boyfriend mo? Eh bakit kailan ko pang tawagin si mama?
Bernadeth:hindi, sabihin mo kay tita magbihis na yung pang shopping, nagpadala yung bestfriend ng mama ko, advance christmas gift daw niya sakin, 12,000 pesos! Halika na! Bilis! Mag sha shopping pa tayo!
Shayne: eh, paano yan? Gabi na, may pasok pa ako bukas.
Bernadeth: nako! Wag ka na muna pumasok, sabihin mo may sakit ka, ganun lang naman yun eh
Shayne: okay, fine, tawagin ko na si mama ha! ^_^At tinawag ko na si mama at umalis na kami at nagshopping....
At, hindi nga ako pumasok kinabukasan.Meanwhile....
Angelo's P.O.V.
Argh! Sunday! Gusto kong lumabas ng bahay!Kaya nagbihis na ako at umalis, hindi ko na sinama anh driver ko dahil ang weird ng feeling pag may kasama kang pwedeng magsumbong sa larents ko, kaya umalis na ako.
Isang bag lang ang dala ko, dun nakalagay yung wallet ko na may laman na 10,000 pesos, panggastos ko yun para ngayong araw na ito.
Lumabas na ako ng bahay at lumabas ng mall, 11:30am palang kaya makakapagikot ikot ako ng matagal, habang naglalakad ako sa mall, parang may nakita akong babae, tama, si Matilda yun, pero hindi ko pinansin dahil mukhang hindi niya naman ako nakita.
Lakad dito, lakad doon, kumain narin ako sa isang fast food chain, nag ice cream din ako. Pag katapos ko kumain tumayo na ako at nag ikot ikot ulit sa mall, habang naglalakad ako naisipan kong itext si Shayne.....kaso
Lowbat na pala ang phone ko! Paano ko siya itetext! Hayaan mo na nga! Busy naman yun kasama mommy niya, ang alam ko every sunday nag sisimba sila.Naglalakad ako at may nakita akong magandang case, para sa phone ko, tinanong ko kung magkano, 4,500 pesos, ibang klase daw kasi iyon, ewan ko ba kung bakit ganoon kamahal yun, oo, namamahalan din ako, siyempre, hindi porket marami akong pera eh bili lang ako ng bili, nag iisip din ako.
So, kahit na mahal yun, binili ko parin kasi maganda, kinabit ko na siya sa Samsung Note3 ko, ang ganda.
Naglalakad ako sa mall, nang biglang may humablot ng bag ko, siyempre dahil nagulat ako, bigla ko siyang sinapak, sapul naman sa mukha niya, pero nakatakbo agad siya, pero habang tumatakbo siya, may babaeng pumigil sakanya, maganda yun, sexy, chix kung baga, kinuha niya yung bag ko at. Ibinigay yun saakin, sabay sigaw niya sa snatcher na wag na ulit gagawin yun kung hindi ipappulis na siya.
Tumakbo na ang snatcher at ewan ko kung nakalabas siya ng mall.
Hindi ko maisip na kahit nasa loob ng mall, may snatcher na.Kinausap ako ng babae, at nalaman kong sa school ko rin siya pumapasok, at mag ka year lang kami, at ayun sabi ko friends na kami, tinanong ko kung anong name siya, sabi niya, Samarah Anderson inikot namin ang mall at nagpaalam na kami, sabi ko, see you tommorow at nice to meet you,
At ayon, umuwi na ako, mga 10:30pm na, rin, pag uwi ko, chinarge ko ang phone ko at natulog na, hindi ko makalimutan yung itsura ni Samarah, ang ganda niya, Love at First Sight? Eh teka, paano na si Shayne? Nako, makatulog na nga lang, may pasok pa bukas.
Naisip ko lang, sino ang snatcher sa mall? Eh parang, ini-snatch din ni Samarah ang puso ko, dapat ba siyang makulong sa piling ko?To be Continued.....
BINABASA MO ANG
Ang Bestfriend kong Feelingera
RomanceShayne Villanueva Hello sa inyo! Ako nga pala ang pinaka magandang 4th year student sa campus namin, ako ang tinatawag nilang dyosa, reyna, diwata at kung ano ano pa, dahil nga sobrang ganda ko.. At dahil sa kagandahan ko, nabighani saakin si Angelo...