Janel

106 2 0
                                    

Ayan uwian na! Oras na para mag punta sa bahay ni Hermione! Pero sabi ko kay Hermione na uuwi muna ako dahil gusto kong icheck kung ayos lang si mama para narin makapag paalam ako ng maayos kay mama.

Hinatid na ako ni Angelo sa bahay ko, nag tataka ako dahil pag pasok ko ng bahay ay wala si Mama, hinanap ko siya sa kusina, wala siya doon, hinanap ko siya sa sala, pero wala din siya doon, pero nang pumasok ako sa kwarto niya, nakita ko siyang nakaluhod, at taimtim na nag darasal, at nakita kong may mga poon na naka ayos sa harap niya, aba! Maka Diyos na si mama, dati kasi ay hindi naman siya gaanong nag darasal, pero mabuti na rin na nagiging maka Diyos na siya.

Kumatok ako sa pinto, at napatingin siya, tinapos niya na ang dasal niya at kumapit siya saakin,

Mama: bakit anak?

Shayne: mama, aalis po ako ngayon, pupunta po ako sa bahay ng classmate ko

Mama: sige, mag iingat ka ha! Eto, dalhin mo itong rosaryo

Shayne: sige po mama

Sabay abot niya ng rosaryo saakin, tinabi ko naman iyon at nag pa aalam ulit ako kay mama at umalis na kami ni Angelo.

Sumakay ako ng kotse, pero bago pa man kami makapunta sa bahay ni Hermione, naisipan kong pumunta muna sa coffee shop para pormal na makapag resign na.

Dumating kami sa coffee shop, at nakita ko doon ang amo ko, masaya naman siya, at mukhang hindi siya galit ha absent ako kahapon, at ngayon, mag re resign na ako.

Pumayag naman siya na mag resign na ko, at nag paalam na ako.
Kinausap ko na rin si Janel

Janel: shayne, ma mimiss kita, minsan naman bisitahin mo ako dito ha! Wag mo ako kakalimutan, wag mo kakalimutan ang kaibigan mong napaka ganda, chos! Pero, shayne, wag mo ako kakalimutan ha! Kahit anong mangyari,,mangako ka!

Shayne: oo naman janel! Hinding hindi kita makakalimutan, ikaw kaya ang tumulong saakin na masanay dito aa coffee shop!

At nag paalam na ako sakanya, ewan ko pero, malungkot siya, kita sa mga mata niya ang lungkot, at sa nakikita ko sa mata niya, ay hindi niya ako nakikita, ang gulo! Ewan ko! Pero yung reflection sa mata niya, wala ako, ewan ko, baka na malikmata lang ako.

Sumakay na ako ng kotse at pumunta na kami sa Bahay ni Hermione

To be Continued......

Ang Bestfriend kong FeelingeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon