Late

139 4 0
                                    

5:00am

Shayne: Gising na Shayne! Oras na para bumangon!

Yan ang sabi ko sa sarili ko, ewan ko ba pero nakatulala parin ako, hindi ako makakilos, iniisip ko parin yung 20,000 pesos na mamaya na dadating! Excited na ako!

Hindi ako makapag antay, ayaw ko na ngang pumasok at aanatayin ko nalang yung 20,000 pesos, kaso mahirap naman humabol sa lesson kung aabsent ako.

Hay naku, ayaw ko parin bumangon, ang saya saya ko talaga! May 20,000 pesos na darating mamaya, saan naman ako makakakuha ng ganoon kalaking pera noh! Excited na ako.

Biglang may tumunog...

"Bog"

Parang may nahulog, galing yun dito sa kwarto ko, parang galing sa ceiling, kaso paano naman mangyayari yun, eh ceiling nga, bakit naman may mahuhulog doon, kaya tiningnan ko ang pinanggalingan ng tunog, may nakita akong isang bundle ng tig-1,000 pesos, isang bundle yun, gusto kong kunin, pero tinatamad ako, tapos may tumunog sa kabila, pag tingin ko, may isang bundle ulit, tapos napatingin ako sa ceiling, nahuhulog ang napakaraming 1,000 pesos! Ang saya saya, mahuhulog yung mga pera sa buong katawan ko, nahulog nga, at ayun, napapalibutan ako ng pera, ang saya, para akong nag siswimming sa pera, napakarami.

Biglang huminto yung pag hulog ng mga pera, tumingin ako sa paligid ko, nandun parin yung mga pera, babangon na sana ako ng kama ng mapatingin ako sa Ceiling, may mga black na suit case na babagsak saakin! Yung lalagyan ng pera! Ang una kong naisip eh, MABIGAT yun! Masakit yun pag nabagsakan ako.

Malapit na, malapit ng mahulog sa buong katawan ko yung mga suit case, mahuhulog na!

*AAAAAAAaaaaaaahhhh*

Ng biglang napabangon ako sa kama ko, wala yung mga suit case, at tiningnan ko ang paligid ko, wala din yung mga pera, at yung kama ko ang gulo, parang dinaanan ng bagyo yung kama ko, lukot lukot yung kumot, tapos yung unan naman nasa sahog na, ewan ko kung paano nangyari yun...

Napatingin ako sa Orasan ko, 6:23am na! 7:00am ang pasok ko! Sure na malelate ako! Paano na yan! Lagot ako, dapat makahabol ako, kung hindi, mapupunta nanaman ako sa Discipline Office niyan!

Naligo na ako, nag toothbrush at nakapag breakfast pa ako, 6:45am eh palabas na ako ng bahay, makakahabol pa kaya ako? Sana naman makahabol ako! At naalala kong wala akong I.D. Na suot, buti nalang naalala ko, kung hindi, dalawa pa ang kaso ko, Late at No ID, hay naku, binilisan ko ang lakad ko at Tricycle na ang sinakyan ko imbes na jeep, late na ako eh, kung mag ji jeep ako, mas matagal, kaya ayun, sabi ko kay manong bilisan, halos lumipad na yung Tricycle, at sa wakas, nakarating ako ng school.

6:55am palang, abot pa ako, hindi pa ako late!

HOORAY!!

Bumaba ako ng Tricycle, nagbayad ako, PERO, si manong Trycicle driver, ayaw tanggapin yung bayad ko, kulang daw yun kasi nagmadali daw siya, at dahil wala na akong paanahon na makipag usap sa driver na wag na siyang magreklamo eh, bingyan ko nalang ng 20 pesos na dag dag, ouch, ang sakit din sa bulsa nun, pero naalala kong may 20,000 pesos na dadating mamaya sa bahay, kaya, ayos lang yun!

Pag pasok ko, nakapila na silang lahat, mag sisimula na ang Flag Ceremony, at ang mag li lead eh si Samarah at Angelo.

Nakakainis talaga yung pagmumukha ng babaeng yun!

Nag simula ang flag ceremony, at agad din namang natapos, tapos may announcement pa, pero hindi kami nakinig, wala naman akong pakielam sa announcement, dahil sure naman na hindi ako related dun, tungkol lang siguro yun sa school activity, at nakipag usap lang ako kay Angelo, kwentuhan kami, kung ano ano, pero hindi kami makapag selfie dahil makikita ng eacher na nag a-announce na hindi kami nakikinig ni Angelo.

Natapos ang nabakahabang kasing haba ng bangs ni Dora na announcement mh teacher na yun at umakyat na kami sa kanya kanya naming classroom.

Normal day, may Reccess , may Lunch, at siyempre, may uwian, nag uwian na at nakita ko si angelo, sumakay ako ng kotse, hinatid niya na ako sa bahay ko.

Bumaba ako ng kotse, sabi ko sakanya, lalabas ulit ako, antayin niya lang ako.

Pumasok ako ng bahay, tinanong ko agad si Mama kung dumating na yung 20,000 pesos na hinihintay ko, at sabi niya

Mama: Oh! Yes dear, sweety , your 20,000 pesos waiting for is here

At nagtaka ako dahil nag english si mama, kaso nga lang, wrong grammar! Hahha

Shayne: mama naman, may pa english english pa kayo! Wrong grammar naman

Mama: syempre anak, mayaman na tayo! Hahaha! At anong wrong grammar! Tingnan mo oh! Ginoogle translate ko pa yan oh!

Shayne: lagi namang mali grammar niyan eh!

Mama: ah! Ganun pa, sige na nga, hindi ko na gagamitin yan, napahiya pa ako!

Shayne: asan na po yung pera mama?

Mama: oh! Eto...

Sabay abot niya sakin ng sobre, binilang ko yun, 17,000 pesos lang

Shayne: mama! Bakit kulang ito?

Mama: siyempre, inutusan mo akong antayin yan diba? May bayad yun, wala nang libre ngayon noh!

Shayne: sus! Sige na nga mama, labas lang po ako..

Palabas na sana ako ng biglang nagsalita si Mama

Mama: uy, anak, balato ko?

Shayne: ha! Akala ko ba kumuha ka na?

Mama: bayad yun sa pag hihintay ko, wala pa yun sa balato

Hay naku! Si Mama talaga! Binigay ko na sakanya yung 2,000 pesos, bale 15,000 pesos yung natitira saakin at lumabas ako ng bahay.....

To be Continued....

Feelingera at Ambisyosa kasi kaya siya na Late, hahaha

At , oo nga pala, sa Nov 14, 2014

1 MONTH na ang "Ang Bestfriend kong Feelingera"

Kaya 1 Month nang Feelingera si Shayne Villanueva

Kaya ihashtag natin sa Nov 14 , 2014 ang

#1MonthnaFeelingera

Ang Bestfriend kong FeelingeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon