Sumakay na ako ng kotse ni Angelo, ihahatis na niya ako sa bahay dahil nga walang kasama sa bahay si mama, at gabi na, at hindi na rin muna kami pupunta sa ospital, sabi ni Angelo bukas nalang, kaya bukas nalang, pag uwi ko ng bahay, naalala kong hindi ako naka pasok sa coffee shop, baka malagot ako sa amo ko! Hay naku! Ano gagawin ko, pero sabagay, may 20,000 pesos nanaman akong nakuha, este, 15,000 pesos kasi na kay mama na yung 5,000 pesos.
Hindi narin ako nag online job kasi hindi ko na kailangan, pero hindi ako makatulog ng gabing ito, kaya bumangon ako at pumunta sa kwarto ni mama, ginising ko si amma at kinausap ko siya
Shayne: mama, gising po kayo, hindi ako makatulog eh
Mama: bakit? May problema ba? Masama ba pakiramdam mo?
Shayne: hindi naman po masama pakiramdam ko, wala naman po akong problema, parang gusto ko lang pong may makausapMama: ah, sige, ganyan din ako nung bata pa ako, pupunta ako sa lola mo at makikipag kwentuhan ng kung ano ano, sige, bakit anak? Ano gusto mo pag kwentuhan?
Shayne: nay, mahal na mahal ko po kayo, tulad po ng sinabi niyo saakin kanina na hinding hindi niyo ako iiwan, hinding hindi ko din po kayo iiwan mama, mahal na mahal ko po kayo
Mama: ang sweet mo naman anak, mahal na mahal din kita!
Tapos niyakap niya ako, nag yakapan kami ni Mama, halos tumulo rin ang luha ko, hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, oarang sobrang lungkot ko, malungkot pero masaya, ewan ko ba, ang gulo
Tapos noon eh binitiwan na ako ni Mama sa oag kakayakap
Mama: anak, mahal na mahal kita ha, tandaan mo yan! Mahal na mahal kita!
Shayne: opo mama, mahal ko din po kayo, tsaka mama, sainyo na po yung 15,000 pesos na natitira saakin.
Mama: ha? Edi wala kang pang gastos?
Shayne: ok lang po yun mama, basta pag may kailangan nalang po akong bilin o bayaran, hihingi nalang po ako sainyo.
Mama: sige anak
Sabay abot ko kay mama ng 15,000 pesos
Shayne: sige po mama, balik na po ako sa kwarto ko, matutulog na po ako
Mama: sige anak, goodnight ha
Sabay halik niya sa pisngi ko
Shayne: Goodnight din mama!
Umakyat na ako sa kwarto ko at natulog...
To be continued.....
BINABASA MO ANG
Ang Bestfriend kong Feelingera
RomanceShayne Villanueva Hello sa inyo! Ako nga pala ang pinaka magandang 4th year student sa campus namin, ako ang tinatawag nilang dyosa, reyna, diwata at kung ano ano pa, dahil nga sobrang ganda ko.. At dahil sa kagandahan ko, nabighani saakin si Angelo...