Natapos na ang araw na ito, tapos na ako sa part time job ko online.
Matutulog na sana ako ng biglang tumunog ang Cellphone ko
Nagtext pla si Angelo, susunduin niya daw ako bukas ng 11:00am para mag shopping daw kami, hindi naman ako nakapag reply dahil wala akong load,
Pero nagready naman ako para bukas.
Natulog na ako, pag gising ko mga 8:00am, gising na si mama at nagluto na siya na breakfast ko.
Mga 8:45am tapos na ako kumain kaya nag facebook muna ako,
Nakita kong nag status si Angelo
"Preparing for my Date"
OMG! Akala ko Shopping lang! Date na ! Hahahaha, hindi ko nilike para kunwari hindi ko alam, ayoko namang isipin ng iba na napaka feelingera ko talaga, malay mo, may iba palang kadate si Angelo, hahaha, bahala na
10:20am umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis, alam na ng mama ko na may pupuntahan kami ni Angelo, wala pa nga akong sinasabing Date yun eh kilig na kilig na siya.
Sinuot ko ang paborito kong damit at pants na Red and Black
Maya maya pa dumating na si Angelo, bumaba ako at nagpaalam kay mama.
Bumaba si Angelo ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse niya.
Ang gwapo niya, bago yata yung damit niya.
Sumakay na ako ng kotse at sumakay na rin siya,
Nagpunta kami sa isang Restaurant, ngayon lang ako nakapunta dito, mukhang pang mayaman.
Tumawag si Angelo ng waiter at lumapit ang isang waiter, binigyan kami Menu, at imbes na tingnan ko kung ano ang Food nila eh mas nagfocus ako sa pagtingin sa presyo.
Nakakagulat ang presyo, ewan ko kung may halong ginto ba ang pagkain nila.
Bigla akong tinawag ni Angelo, ano daw ang order ko, sabi ko siya nalang ang pumili dahil wala akong mapili dahil lahat ay masarap, pero ang totoo, wala akong mapili dahil lahat ay may halo yatang ginto.
Habang inaantay namin ang inorder namin eh nagkwentuhan muna kami,
Kung ano ano ang pinagkwentuhan namin.
Maya maya pa dumating na ang pag kain namin, nilagay na yun sa table namin at kumain na kami, habang kumakain kami ay may nag piplay nh biolin sa tabi namin, ang romantic ng tugtog.
Pero may biglang nagsalita sa likod ko, si Claire! Kasama niya si James Panganiban
Claire: what are you two doing here? Are you two having a date?
Angelo: claire, its none of your business ok, so stop bothering us
Claire: well im just asking, if you two are having a date, bakit hindi tayo mag double date
Napalingon ako sa sinabi niya, sila na pala ni James?! Or sinabi niya kang yun
Pero nagalit si Angelo
Angelo: No, ayaw namin mag dobule date so Please lumayo ka na
Claire: Okay, fine, pero gusto ko lang sabihin sa kasama mo na hindi siya bagay dito, at mabuti pang umalis na siya dito!!
Sabay kuha niya ng lemonade ko at binuhos saakin iyon
Nagulat ang mga staff ng Restaurant sa ginawa ni Shayne, pero mukhang kilala siya ng mga ito kaya lumapit lang ito saakin at binigyan ako ng tuwalya,
Bigla namang may dumating na babae at tinawag si Claire
Pag lingon ko, nakita ko na si Hermione iyon, hindi ko alam kung bakit siya nandito,
Hermione: Claire! Ang lakas naman ng loob mo na mang-gulo dito sa Restaurant namin!
Claire: So what kung mang gulo ako dito! Wala namang kwenta ito eh!
Hermione: Guards! Ilabas ninyo ang babaeng ito!
Dumating ang guards at hinawakan si Claire at ilalabas nila ito, pero sumigaw si Claire
Claire: dont touch me!
At binitawan siya ng Guards
Claire: Let's Get out of this stupid place James!
Sumunod naman si James at umalis na sila
Bigla akong kinausap ni Hermione
Hermione: pasensya na ha.
Shayne: ok lang Hermione, ikaw ba ang may ari nito?
Hermione: ah, ako ang taga pag mana nitong restaurant, nag tatrabaho ako dito every Saturday.
Shayne: ah, ang yaman niyo naman pala, ang ganda ng Restaurant niyo
Hermione: Salamat, at pasensya ulit, first time mo pa naman kumain dito tapos ganoon pa ang nangyari
Angelo: shayne, gusto mo pa bang kumain or umuwi nalang muna tayo para makapagpalit ka ng damit?
Shayne: sige umuwi muna tayo, Hermione, salamat ha, ang bait mo pala
Hermione: siyempre, kaibigan nga kita diba, at yung sinabi ko sayo dati, hindi totoo yun ha, pinilit lang ako ni Matilda, kaya kapag kasama ko siya, nag kukunwari akong kagalit ka, kasi, siya naman ang magagalit saakin kung hindi ko siya susundin
Shayne: sige, mauna na kami ni Angelo, basang basa ako ng Lemonade eh
Hermione: sige, paalam!
Umalis na kami ni Angelo at hinatid ako ni Angelo sa bahay ko.
Hindi ako makapaniwalang napaka yaman din ni Hermione, at mabait siya, akala ko niloko niya ako tulad ng ginawa ni Matilda at James, yun pala ay napilitan lang siyang gawin yun.
Umuwi na ako at nag palit ng damit, niyaya ako ni Angelo na manood ng movie dahil maaga pa naman daw, at sumakay na ako ng kotse
To Be Continued......
BINABASA MO ANG
Ang Bestfriend kong Feelingera
RomanceShayne Villanueva Hello sa inyo! Ako nga pala ang pinaka magandang 4th year student sa campus namin, ako ang tinatawag nilang dyosa, reyna, diwata at kung ano ano pa, dahil nga sobrang ganda ko.. At dahil sa kagandahan ko, nabighani saakin si Angelo...