Figurine

232 5 0
                                    

Shayne's P.O.V.

Hay naku, hindi ko talaga expected na ganyan pala kakulit si Czarina, akala mo nakawala ng kulungan niya, hahahaha, sobrang saya niya, tapos nakakahawa yung mga tawa niya, kaya lahat kaming nasa kotse tawa ng tawa...AT, pati yung driver natatawa, ganyan katindi magpatawa si Czarina, hahaha.

At sa wakas, makakababa na ako sa kotse at matitigil na siguro ang kakatawa namin,
Bumaba na kami ng kotse ni Angelo, bumaba narin si Czarina, nagpaalam na ang driver ni Angelo kay Angelo

Driver: sige po sir, enjoy po kayo..
Angelo: anong enjoy, sumama ka saamin,..para naman may ka-Date narin tong si Czarina

Sabay tawa naming lahat, bumaba naman ang driver at sumunod saamin papasok sa mall.

Habang tumitingin tingin kami sa mga Products nila, lakad dito, lakad doon, di namin namalayan na wala na pala si Czarina sa tabi namin.

Tumingin kami sa paligid namin wala siya, hindi takaag namin siya makita, tingin sa kaliwa, tingin sa kanan, wala, pero nakita siya ng driver at tinuro, nandun pala, may kausap na sales lady ng isang beauty product, lumapit kami kay Czarina ng walang ingay na ginagawa para hindi niya mamalayan na nasa likod na niya kami.

Sinilip namin kung ano ang tinitingnan na product ni Czarina, hindi namin napigilang tumawa ng malakas, kasi ang tinitingnan niyang product, ay, isang set ng whitening products, may lotion, soap, marami lang iba....AT, dalawa yata ang gustong bilin dahil dalawa ang hawak niya.

Dahil nga tumawa kami ng pagkalakas lakas, nagulat si Czarina at napatingin saamin
Czarina: oh! Anong tinatawa tawa niyo diyan, what's so funny?
Driver: kasi, whitening.....hahahahahaha!
Czarina: I hate you talaga! Tandaan mo, driver ka lang! Hahaha
Driver: ay, sorry po maam, hahaha
Angelo: oh, baka mag katuluyan na kayo niyan

Biglang umubo yung driver, at tumigil sa pag tawa, tumigil din sa pagtawa si Czarina
At kami namang dalawa ni Angelo ang nagtawanan

Angelo: halika na nga, mag sashopping tayo diba? 6:45pm na oh!
Czarina: sige, halika na nga naku
Shayne: let's go
Czarina: ay wait! Bibilin ko pa to, wait lang ha

Nakipag chikahan pa si Czarina sa Saleslady
Czarina: effective ba ito?
Saleslady: opo maam, sure na sure pong effective yan, proven and tested, tingnan niyo nga po ang skin ko, patunay po yan na effective ang product namin.
Czarina: ah, ganun ba, sige, pag hindi ako pumuti babalik ako dito, babalatan kita sige ka, tapos itatapal ko sakin ang balat mo para maputi na ako!

At nagtawanan silang dalawa ng Saleslady, at aba, mukhang tiwalang tiwala ang saleslady sa product nila, tumawa lang kahit babalatan siya ni Czarina eh, hahahaha

So ayun, sa wakas, nabayaran na ni Czarina, dalawa ang binili niya, lakad dito lakad doon, habang naglalakad kami, biglang napahinto ang driver no Angelo sa isang stall sa mall, may nakita yata siya, lumapit kami ni Angelo sakanya.

Nakatingin ang driver ni Angelo sa isang ... Figurine, isang simpleng couple ang magka holding hands, at sa harap naman nila, isang babae ang super sosyal at isang lalaking super astig.

Tinanong namin ang Driver kung bakit siya nakatingin doon.
Shayne: kuya, bakit po?
Angelo: bakit , ano pong problema?
Czarina: naku! Wala yan, iniisip niya kang siya yung lalaking ang ganda ng damit, hoy , gising nga! Hahaha

Driver: wala po sir, may naalala lang po ako..
Czarina: sige nga, kwento mo..
Angelo: sige, kwento mo nga

Driver: kasi po, yan po ang biggest challenge na natapos namin ng Girlfriend ko, nung naging kami po, may nagustuhan po akong babae, at siya naman po, may nagustuhan rin na ibang lalaki, pero, naging kami parin, kasi nga po, nagmamahalan kami.

Czarina: haaaay, ang sweet niyo naman!
Shayne: oh, ano inggit ka Czarina?!
Czarina: hindi noh!

Habang si Angelo naman, walang imik, hindi nag sasalita, parang may iniisip, pero pinabayaan ko yun, hanggang nag yaya na si Czarina na umuwi na daw kami kasi 8:000pm na at may gagawin pa siya.

Bumalik na kami sa Parking at umalis na kami, hinatid muna namin si Czarina, pag baba niya, nag flying kiss pa siya, feeling talaga siya, ay, oo nga pala, feelingera rin ako, hahaha, pantay lang kami, hahaha, ayan , umamin na ako, Feelingera ako, hahahaha.

Tapos nun, hinatid na rin ako ni Angelo sa bahay ko, pag baba ko, bumaba rin siya at nag babye saakin, tahimik lang rin siya, hindi tulad ng Angelo dati na kalag nag hahatid saakin pauwi eh energetic, nag kiss siya sa pisngi ko at nagbabye, pero tinanong ko siya kung anong problema, sabi niya wala naman daw, sabi ko ingat, pumasok na ako ng pinto at kumaway kay Angelo, at nakaalis na rin ang Kotse niya, tapos sinara ko na rin yung pinto, pag uwi ko ng bahay, kumain ako ng Hapunan, kainis! Dapat yata nag yaya ako na sa labas nalang kumain, bakit kaya nakalimutan ni Angelo mag yaya ng dinner, hay, pabayaan mo na nga, kumain na ako, kasabay ko si Mama, at wala si Bernadeth, umuwi daw muna sa kanila, ng matapos na ako kumain, umakyat na ako sa kwarto at tinapos ang assignments at hindi na ako nakapag part time job, pero ayus lang yun.

Natulog na rin ako, remember, kailangan ko ng Beauty Rest para maging pinaka magandang babae sa paningin ni Angelo, hahahaha

To be Continued.....

Ang Bestfriend kong FeelingeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon