Shayne's P.O.V.
Nakakaloka naman ang Story na sinabi ni Hermione, pero, sino nga ba yung Samarah na yun!? Mang aagaw ba siya? Hay naku! Andami talagang ahas sa mundo!
Ayan, after a year, natapos ang pag eexplain ni Hermione, nagtataka ako kasi wala namang sinasabi saakin si Angelo na Samarah, at ngayon ko lang narinig ang Pangngalan na yun, pero, naisip ko, taga dito rin sa school na ito si Samarah? Kasi sabi daw dun sa text message ayun kay Hermione, ano ba yun? Yung ano, yung..... Magkita sa School? Basta, may school, ano yun? Dito nag aaral yung Samarah?Hay buhay, parang Life!
Paano kung dito nga sa school na ito nagaaral yung Samarah na yun, hay naku, bahala na nga si Superman, oo si Superman, wala eh, day off si Batman, hahah, dami kong alam noh? HahhaAt ayan, nag usap kami ni Angelo tungkol sa Samarah na yun, todo explain si Angelom eh ang hindi niya alam, wala akong pake sa Samarah nayun, bakit?
Kasi alam kong mas maganda ako kaysa sakanya, diba nga, ako ang pinakamagandang babaeng makikita ni Angelo, promise!Umalis na si Angelo, babalik na kami sa kanya kanya naming Classroom.
Naglalakad ako papunta sa Classroom ko, ng bigla kong mapansin na nasa bulsa ko nga pala yung ibibigay ko sanang Chocolate kay Angelo, binili ko yun, gift ko na rin sakanya, ewan ko ba, biglan ko nalang naisipan kanina na bumili ng chocolate para sakanya, kahit na alam kong marami siyang pera at kaya niyang bumili ng napakarami neto.Kaya ayun, naglakad ako papunta sa daanan papunta sa classroom niya, lakad, lakd, lakad.
Napahinto ako, may kausap na magandang babae si Angelo, akala ko ba ako ang Mahal niya! Eh sino yang babaeng yan! Sino yan!
Lumapit ako sakanya,
Shayne: Angelo, bigay ko nga palang chocolate, sino siya?Biglang napatingin si Angelo dun sa Girl, at sinabi niya na saakin ang name ng girl
Angelo: Shayne, siya si Samarah
Ano! Siya si Samarah! Oo na! Umaamin na ako, PARANG, parang lang ha, parang mas maganda siya sakin! Kainis! Talaga
At eto pa, biglang sumabat ang bruha!Samarah: Hi! Im Samarah! Angelo Hidalgo's Girlfriend
Parang nabingi ako sa nadinig ko, totoo ba yun? O nag sisinungaling lang siya, dahil na nga rin kasagwat siya ni Matilda
Angelo: no shayne, she's just kidding, Right samarah?
Samarah: oh come on angelo, ikinahihiya mo ba akong Girlfriend mo?Nabwisit na talaga ako, hindi ko mapigilan, kaya ayun, sinampal ko siya
*PAK*
At napa hawak siya sa Pisngi niya, nakatayo lang si Angelo, parang walanh nakikita.
Patayo na si Samarah at gaganti na saakin pero uunahan ko siya at Sasampalin ko na sana siya ng biglang dumating si MatildaMatilda: OMG! What are you doing!
Nilayo niya si Samarah saakin, at biglang dumating si Hermione
Hermione: Shayne! Are you okay?
Pero hindi pa ako nakakasagot, eh nakitang kong nakita na niya na nasa harap ko si Matilda kaya lumapit siya dito, alam ko naman na napipilitan lang siya na lumapit kay Matilda.At ayun, lumayo na si Matilda at Samarah, bwisit yan, si Samarah, akala mo prinsesa kung umasta, sino siya sa tingin niya!
Tinawag ako ni Angelo at sinabing halika na, maglalakad na ako ng biglang may nag salitaCzarina: hoy! Anong kadramahan yan! Naku! Tama na kaka teleserye, yan ang epekto ng masyadong Drama eh!
Shayne: ikaw nga puro facebook, twitter, instagram at kung ano ano pa, ano epekto nun? Yang pag ka itim mo? Hahaha
Czarina: hay naku! Tao talaga masyadong mapanghusga, chos! HahahaAt bumalik na kami sa kanya kanyang Classroom.
Kung ako ang Bestfriend ni Angelo Hidalgo na Feelingera, si Czarina naman ang Bestfriend na Echosera, haahha, "Echoserang Frog"
#EchoserangFrogTo be Continued....
BINABASA MO ANG
Ang Bestfriend kong Feelingera
RomanceShayne Villanueva Hello sa inyo! Ako nga pala ang pinaka magandang 4th year student sa campus namin, ako ang tinatawag nilang dyosa, reyna, diwata at kung ano ano pa, dahil nga sobrang ganda ko.. At dahil sa kagandahan ko, nabighani saakin si Angelo...