1 Day Absent = Angelo Falls Again

208 7 2
                                    

Kriiiing!!!! Kriiiing!!!! Kriiiing!!!!
Gising na! 5:00am na, tumayo na ako, nag breakfast, naligo at nag toothbrush sabay labas ng bahay at tinawag ko na ang driver ko, diretso na ako sa school, pagpasok ko, hinahanap ko si Shayne.

Pumasok ako ng Gate, naglakad ako papunta sa hagdan at umaakyat na habang hinahanap ko kung nasaan si Shayne, pero hindi ko siya makita, habang naglalakad ako paakyat ng hagdan may nabunggo ako dahil nga hindi ako nakatingin sa daanan ko dahil nga hinahanap ko si Shayne.

Pag harap ko, nakita ko si Samarah, yung nameet ko sa Mall kahapon, ang cute niya, naka suot siya ng salamin , bagay yun sakanya, ewan ko kung may grado yun o pang porma niya lang, ewan, tapos kinausap niya ako.

Samarah: ikaw si Angelo diba?
Angelo: oo, ikaw yung .... Kahapon sa mall?...
Samarah: oo ako yun, hehehe
Angelo: salamat ulit sa tulong mo kahapon ha, thank you talaga, kung hindi, malamang natangay na yung mga gamit ko.
Samarah: wala yun, eto naman! Sanay lang talaga akong tumulong aa kapwa
Angelo: haha, sige, so... San ka pupunta?
Samarah: wala naman, lalakad lakad lang, maaga pa eh, samahan mo ako?
Angelo: sige!

Naglakad lakad kami sa Campus, nag selfie rin kami, ang cute niya sa lahat ng picture,
Nagulat nalang ako na habang nag seselfie kami eh bigla niyang dinikit yung labi niya sa pisngi ko sabay kuha ng picture.

Nagulat ako sa ginawa niya, pero di ko yun pinansin dahil ayoko naman isipin niya na binigyan ko ng malisya.

Biglang nagring ang bell, mag sisimula na ang flag ceremony, nag paalam na saakin si Samarah na babalik na daw siya sa classroom niya, bigla kong naalalaang hinahanap ko si Shayne.

Natapos na ang Flag Ceremony pero hindi ko nakita si Shayne, naisip ko na baka nag absent siya, di ko naman alam kung bakit siya nag absent.

Reccess na, nakita ko ang mga kaibigan niya, tinanong ko ang mga kaibigan niya kung alam nila kung bakit absent si Shayne....
Friend 1: hindi ko alam eh
Friend 2: di siya nag rereply sa text ko...
Friend 3: ay naku angelo!.. May kadate yun! Pinagpalit ka na!
Sabay tawanan nilang tatlo, natawa naman ako dahil alam ko na,an na nagbibiro lang siya....nang biglang may tumawag saakin, si Samarah

Friend 2: or, si Angelo ang may pinalit kay Shayne! Hay naku Angelo! Susumbong ka namin! Hahahaha

Samarah: wait, who's Shayne?
Friend 1: Girlfriend yun ni Angelo
Friend 3: eh ikaw? Sino ka? (Sabay irap)
Samarah: oh, hi! Im Samarah Anderson ^_^ nice to meet you!
Friend 2: ah! Ok, nice to meet you too, I'm......

Biglang nag ring ang bell, so ibig sabihin, tapos na ang reccess, hindi na inanay ni Samarah kung ano ang sasabihin ng Friend ni Shayne

Samarah: Bye! See yah!

Sabay kindat niya sa mga ito.
Nakakatawa yung mga itsura ng friend ni Shayne dahil nag me-makeface sila kay Samarah habang naglalakad kami , hindi naman yun nakita ni Samarah

Nagpaalam na saakin si Samarah, aalis na daw siya, pag kaalis ni Samarah, biglang lumitaw mula sa kung saan si Czarina

Czarina: Uyyy! Sino yun! Pinagpalit mo na ba si Shayne?
Angelo: Hindi ah!
Sabay tawa naming dalawa, sabi ko rin sakanya na pumasok na kami sa room at baka malate pa kami.

Pumasok na ako ng room, hindi ako makapag concentrate sa lesson dahil tanong ng tanong saakin si Czarina kung sino si Samarah, sinasagot ko naman yung mga tanong niya.

Nag lunch na, bumaba ako at nakita ko si Samarah, niyaya ko siyang sabay kami mag lunch, at pumayag siya, sabi ko sakanya , itreat ko siya ng lunch, bilang thank you narin dahil sa pagtulong niya sakin kahapon sa mall.

Nag lunch kami at nag kwentuhan, ang cute niya talaga, tawa siya ng tawa habang nag kekwento siya ng kung ano ano, ang hilig niya mag kwento, tapos habang naka smile siya, naka smile din yung mata niya, ang cute niya talaga! Nakaka inlove, kahit siguro babae magiging tomboy kapag nakita siya, hahaha.... Teka, paano na si Shayne? Mawala lang siya, may pumalit na sa puso ko? Parang ang sama ko naman, isang araw lang siya nag-absent, na fall na agad ako, dapat hindi ako tuluyang mafall kay Samarah kung hindi.... Patay!

To be Continued....

Ang Bestfriend kong FeelingeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon