Mayabang kasi

151 5 0
                                    

Paglabas ko ng bahay, nakita ko si Angelo, nakaupo sa tabi, tapos yung driver niya, nakatayo sa Tabi ng kotse ni Angelo.

Lumapit ako kay Angelo, tumayo siya agad ng Makita ako, tapos ngumiti ako ng parang aso, kasi nga, marami akong pera! Ngayon, ipapa mukha ko sakanya na hindi ako mahirap, na mayaman din ako tulad niya!

Shayne: Angelo, naaalala mo nung ikaw yung nagbayad ng Tuition fee ko?
Angelo: oo, bakit?
Shayne: Salama ha! Kasi dahil sayo, nakapag aral pa ako, kasi naman ayaw pa nila pumayag na gamitin na yung discount eh, pero, diba sabi mo utang yun? Magkano ba yun? Babayaran ko na

Sabay labas ko ng pera ko, binilang ko pa yung 15,000 pesos sa harap niya para ipakita sakanya na may pera ako....

Angelo: ano ka ba, itabi mo na yang pera mo, baka manakaw pa yan dito, atsaka, wag mo nang bayaran yun, libre ko na sayo yun, itabi mo nalang yan para makapag ipon ka, kayo ng mama mo

Nagulat ako sa narinig ko! Ano ba naman yan! Akala ko mapagmamayabang ko na na mayaman ako, pero, dahil sa sinabi niya, parang sinabi niya na rin na mas mayaman siya, hindi nag tagumpay yung plano ko! Kainis! Hayaan mo na nga...

Shayne: ah, ganun ba, ikaw may sabi niyan ha! LIBRE, LIBRE! Libre ha!
Angelo: oo nga, so... May sasabihin ka pa? Aalis na ba ako?
Shayne: sige, ba bye, ingat ha, Thank You ulit!
Angelo: sige, bye!

Tapos sumakay na siya sa kotse niya, kumaway din saakin yung driver niya, tapos sumakay na yung driver niya at umalis na sila, hinatid ko pa sila ng tanaw.

Papasok na sana ako ng bahay ng biglang may humawak saakin...
Pag lingon ko, nakita ko yung humawak saakin, may hawak siyang kutsilyo!

Lalaki: amina yung pera mo, kung ayaw mo masaktan!

OMG! Patay! Lagot ako nito! Antagal kong inantay itong perang ito! Tapos makukuha lang ng ganito! Hindi ako papayag! At dahil nga nabigla ako sa sinabi niya, napa sigaw ako..

Shayne: aaaaaaaah!

Pero naalala ko na may hawak siyang kutsilyo, at kung sisigaw ako ng tulong, siguradong saksak ang aabutin ko, kaya naisip ko na ibigay ko nalang yung pera

Iaabot ko na sana yung pera na inantay ko at pinaghirapan ko, ng bigla akong may narinig na tunog ng Kaldero
*PAK*
Napadapa yung lalaki at nakatulog

Si mama pala yun! May hawak na kaldero at pinukpok yun sa ulo nung lalaki!
Natuwa ako dahil hawak ko parin ang pera at wala akong sugat!

Hindi ako nasaksak!
Dahil medyo nababaliw pa ako, inasar ko pa yung lalaki

Shayne: Beh! (Sabay labas ng dila) butinga sayo! Dapat yan sayo, ikaw! Ang sam sama mo!

Tapos bigla akong kinurot ni Mama

Mama: ikaw naman kasi eh, alam mo namang delikado sa labas, dinala mo pa yung pera, edi muntik pang mawala yung pera, at muntik ka pang masaktan

Shayne: sorry na nay....

Mama: hay naku! Mabuti pa, pumunta ka sa may kapitbahay, sabihin mo tumawag sa baranggay ng makulong tong mokong na toh.

Tumawag na ako ng isa naming kapit bahay, at pumunta na siya sa baranggay, tapos sinamahan ko naman si nanay na bantayan yung mokong na walang hiyang yun!

Maya-maya pa, dumating na yung mga taga baranggay, at ayun, hinuli na nila yung lalaki, binuhat nila yung lalaki papuntang baranggay, at tulog parin yung lalaking yun, siguro sobrang lakas ng palo ni mama, tulog pa eh! Hahaha, dalat kang sakanya yun..

Pinaubaya na namin sa baranggay kung ano ang dapat gawin dun sa lalaking yun.... Pero, paano kung nalaman ni Angelo na muntik nang mawala yung pera at muntik na akong masaktan! Siguradong magagalit yun pag nalaman niya, sigruo dapat hindi ko na sabihin noh? Tama, hindi ko nalang sasabihin!

To be Continued....

Ang Bestfriend kong FeelingeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon