Mama is the Best?

228 6 0
                                    

Natapos na ang movie, 5:30pm palang, maaga pa, marami pa kaming magagawa para sa araw na ito, nag shopping kami ni Angelo....Window Shopping, ayoko naman kasing magmukhang Prinsesa at inaalila siya, kahit kunti may hiya parin ako noh!

Lakad dito lakad doon, selfie dito, selfie doon, ang sarap ng feeling na palakad lakad ka lang at paselfie selfie.

Hanggang sa 8:20pm na, sabi ko kay Angelo ay umuwi na kami at baka lalo pa kaming gabihin, kaya naglakad na kami papunta sa parking ng mall.

8:45pm nandito na ako sa bahay, umalis na si Angelo at pag uwi ko, nakatitig si mama sa dala kong Paper bag

Mama: ano yang dala mong Paper bag? Ano binili mo? Patingin nga! Saan ka nakakuha ng Pera? Magkano yan?

Yun ang sunod sunod na tanong ni Mama

Shayne: binili saakin ni Angelo iyon, gift niya saakin, mahal yan mama, 12,000 pesos, at sale pa yun

Mama: so, magkano? 12,000 magkano pag nag sale?

Shayne: hindi mama, yung 12,000 pesos, naka sale na yun

Mama: ano!! Ang mahal naman! Binili sayo ito ni Angelo? Patingin nga!

Sabay bukas ng paper bag at kinuha ang lalagyan ng Relo

Binuksan ni mama ang box at nakita ang Relo, kumikinang pa yun, nag rereflect sa ilaw namin

Mama: Wow! Ang ganda! Shayne, alam mo, hindi bagay saiyo ang ganito, mabuti pa, magpabili ka nalang ng bago kay angelo, yung bagay saiyo, mas bagay kasi ito saakin eh

Shayne: ehem ehem, hindi mo ako maloloko mama! Besides,hindi po makapal ang mukha ko noh! Hahahha

Mama: okay, fine, ako nalang ang magpapabili kay Angelo, akala mo ba ikaw lang ang maganda!

Shayne: ikaw talaga mama! Akala ko pa naman stick to one ka, akala ko kay papa ka na, sino po mas mahal niyo, si Papa or si Angelo? Hahahahha

Mama: sa Love,kailangan ng isip, kung Love lang, edi papa mo, pero kung Love at isip, edi malamang, doon ako sa may pera, kay Angelo, kaso, Ewan ko ba kung bakit itong papa mo ang pinili ko, wala talagang pinipili ang Love

Biglang may Kumatok saamin, 9:50pm na at wala naman kaming inaantay na bisita kaya nagtaka kami kung bakit may kumakatok...binuksan ni mama ang pinto

Mama: Ano po ang kailangan niyo?

Si Claire ang kumatok! Hindi ko alam kung. Bakit siya nandito, pero para walang gulo, hindi muna ako nag salita at inantay ang sasabihin niya.

Claire: Can I come in?

Sabay pasok sa bahay namin kahit hindi pa sumasagot si Mama

Mama: ano pong kailangan ninyo?
Claire: have a seat, kailangan ko lang pong makipag deal sainyo

Umupo si Mama, tumabi naman ako kay mama

Mama: ano po iyon?
Claire: I will give you, 200,000 pesos, lumayo lang po kayo dito sa lugar namin
Mama: ano ?
Claire: I said, I will give you 200,000 pesos, lumayo lang po ang anak niyo dito, kay Angelo
Mama: bakit mo siya gustong lumayo kay Angelo

Biglang tumayo si Claire
Claire: dahil mang aagaw yang anak niyo!

Hindi na nakapag pigil si mama, tumayo siya at sumigaw
Mama: sino ka para sabihin yan! Napaka kapal ng mukha mo! Anong tingin mo saamin! Mukhang pera! Hindi ko kailangan yang pera mo, isaksak mo sa baga mo! Lumabas ka dito walang hiya ka

Sabay hila kay Claire palabas ng bahay namin
Claire: Don't Touch me! Ang dumi dumi niyo kaya! Mga pulubi! Mga walang modo
Mama: aba! Sinong mas walang modo, pumasok ka sa bahay at nang gulo! Tapos sasabihan mo kaming pulubi , walang hiya kang babae ka!

Sabay sampal kay Claire
Claire: What the Heck!

Sabay tulak ni mama kay Claire palabas

Shayne: mama, okay lang po ba kayo!
Mama: ok anak, ok lang ako, walang modo iyong babaeng iyon! Anong tingin niya saatin! Walang pera!?
Shayne: nay, proud na proud po ako sa inyo! Hindi po kayo pumayag sa gusto niya kahit na may kapalit na 200,000 pesos
Mama: siyempre naman noh! Anak, mag isip ka, kung kukunin natin yung 200,000 pesos at lalayo ka kay Angelo, edi nasaktan ang puso mo diba?
Shayne: opo mama, thank you po

Sabay hug ko kay mama

Mama: at isa pa, 200,000 pesos lang yun, isipin mo, kung ikakasal kayo ni Angelo, edi magiging milyonarya ka, diba mayaman si Angelo, kaya hindi ko iyon ipagpapalit sa 200,000 pesos lang

Shayne: akala ko naman po dahil sa love, pera parin po pala!

Mama: siyempre, isip isip din pag may time anak

Shayne: eh paano po kung hindi po naging kami ni Angelo? Edi hindi po ako Milyonarya, eh yung 200,000 pesos, sure money na po iyon, ano po pipiliin niyo?

Mama: oo nga noh! Dali, tawagin mo yung babae, sabihin mo payag na tayo, bilis, tawagin mo, habulin mo, mag iimpake na ako

Shayne: mama naman eh!

Mama: siyempre joke lang! Sure naman akong magiging kayo ni angelo eh!

Tawa kami ng tawa ni Mama, hanggang sa umakyat na ako sa Kwarto ko at natulog

To Be Continued....

Ang Bestfriend kong FeelingeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon