Ano! Si Hermione, HALF SISTER si Genny, parehas sila ng tatay ni Genny, hay naku!, nauuso ngayon ang Half sister Half sister na yan ha! Mga lalaki kasi eh, hindi makuntento sa isa, akala nila madali sa mga nanay na may kaagaw, hahaha, feelingera talaga ako, feeling nanay na....
Hermione: At yun, nag punta siya korea, at eto , bumalik na siya, at dito pa siya sa school mag aaral...
Czarina: naku! Magandang Chika yan, ititweet ko na!Biglang nag ring ang bell, time na, nag start ang klase, wala masyadong ginawa, at dahil wala kaming ginagawa, eto, tumabi saakin si Hermione, at nag uusap kami, tungkol sa kung ano ano, aba, chismosa rin pala etong si Hermione, hahaha......
Ng biglang dumating sa tapat namin si Genny at MatildaMatilda: Hermione! Why are you spending time with that witch!
Genny: come on Hermione, let's spend some time together, hindi mo ba ako namiss?At nag paalam na saakin si Hermione at umalis na siya, umupo siya malapit siya sa upuan ni Matilda at Genny, nandun din yung iba naming classmates.
Natapos na ang Klase, uwian na, paglabas ko ng school, nakita ko ang kotse ni Angelo, sumakay na ako doon, dahil alam ko naman na sasakay din ako doon, naupo agad ako sa back seat, inaantay ko si Angelo, kahit yung driver wala pa, pero nakabukas ang pinto ng pumasok ako, kaya ayan, nakapasok ako...
Antagal ni Angelo, kaya nagbasa muna ako ng libro, ang ganda ng story ng libro, kaso malapit na sa ending, ayiee! Kinikilig ako! Magkakatuluyan kaya sila? Hay! Sana mag katuluyan sila, ayoko pa naman ng Sad na Ending...
Biglang may pumasok, umupo sa Drivers seat, si Kuya Driver yata yun, kaya ayun, naupo ako ng maayos at tinuloy ang pagbabasa, ng hindi ko namalayan na umaandar na pala ang kotse.... Ewan ko kung nasaan na kami, at nagtaka ako dahil wala si Angelo sa loob ng kotse, kaya tinanong ko yung driver
Shayne: kuya, asan po Si Angelo?
Di siya sumagot, kaya tinuloy ko nalang ang pag babasa, aba! Snobbero si kuya ha..
Napansin kong hindi pamilyar saakin ang lugar na dinadaanan namin, kaya nag tanong ako,Shayne: kuya, saan po tayo pupunta? Nasaan po si Angelo?!
Kuya! Nasaan si Angelo! Ibaba mo na ako!Pero ayaw niya tumigil, kaya ayon, hinawakan ko ang braso niya, hindi niya maigalaw ang braso niya kaya sabi niya saakin
Driver: Hey! Hey! What are you doing! Hey!
Nang biglang napatingin ako sa dinadaanan namin, tatama na kami sa Pader!!
Nang biglang nakita kong tumakbo si Angelo palapit saamin, OMG! Tatamaan namin siya! Napa bitaw ako sa braso ng Driver at sumigaw si Angelo nhAngelo: Shayne!!!
Nakita ko si Angelo, nasa harap ko, ginigising niya ako, nasa kotse parin ako , at nakita ko si Samarah sa kotse
Samarah: Hey! hey! What are you doing! hey! Why are you sleeping at my Car!?
Hindi ako nakapag salita, nananaginip lang pala ako....
Angelo: sorry samarah, nagkamali lang siguro siya ng napasukan na kotse, parehas kasi tayo ng kotse ehAt lumabas na kami ni Angelo ng Kotse, kinuha ko ang Mga gamit ko sa kotse at dumiretso ako sa kotse ni Angelom nagaantay ang driver niya....oo, hindi ko pinansin si Samarah, siynepre, hindi ko siya papansinin, at bakit ko siya papansinin , diba?
Angelo: pasensya na Samarah ha!
At pumasok na si Angelo sa kotse, at nag usap kami ng kung ano ano, pati na yung
Angelo: bakit ka nakatulog sa kotse, ang bilis mo makatulog, lumabas lang yung driver ng kotse dahil tinawag siya ni Samarah, pag balik daw nila eh nandun ka na at natutulog ka na, nakatakip pa nga yang libro sa mukha mo, hahahaha
Shayne: Che, ikaw kasi, di mo ako sinalubong sa may gate
Angelo: sorry na Ms.Sweet
Shayne: oo na Mr.Humble!At nagtawanan kami, at nakarating na kami sa bahay ko, bumaba na ako at nagpaalam sa kanya, pumasok ako ng bahay at nag bihis, nag punta na ako sa coffee shop... Natapos ang trabaho ko sa coffee shop at pag uwi, gumawa ako ng assignment at sinimulan ko na ang trabaho ko online, OMG! Ang ganda daw ng gawa ko, may nag email saakin mula sa office na meron daw akong 20,000 pesos, prize daw yun dahil may hinahanap daw sila na masipag mag trabaho, at ako ang napili nila, atlast hindi ko na kailangan magtrabaho sa coffee shop at mag online buong gabi! Sure naman ako na totoo ito dahil marunong akong tumingin ng information kung totoo iyon!
Yaay! Bukas na daw darating yung 20,000 pesos, ipapadala daw yun, door-to-door! Aantayin ko nalang, sinabihan ko na rin si Mama na may 20,000 pesos akong pera na darating dahil may part time job ako, at last! Hindi ko na kailangan mag trabaho!
Aaaaah! Ayieee! Matutulog na nga ako, pero teka, baka nanaman nananaginip lang ako, kaya inuntog ko ang ulo ko sa pader, it's real! May 20,000 pesos talagang ipaapdala saakin at no need sa part time job na!! Yay! Makatulog na nga!
Tingnan lang natin kung ano ang masasabi ni Angelo king mababayaran ko na ang utang ko sakanya! Hahaha, akala niya siya lang ang mayaman ha! Hahahahah, nagkakamali siya!
Feelingera ko talaga noh! 20,000 pesos, feeling ko milyonarya na ako hahaha!
Sige na nga, matutulog na ako!To be Continued.....
BINABASA MO ANG
Ang Bestfriend kong Feelingera
RomanceShayne Villanueva Hello sa inyo! Ako nga pala ang pinaka magandang 4th year student sa campus namin, ako ang tinatawag nilang dyosa, reyna, diwata at kung ano ano pa, dahil nga sobrang ganda ko.. At dahil sa kagandahan ko, nabighani saakin si Angelo...