Nag punta kami ni Angelo sa Mall para manood ng movie,
3:40pm ang start ng movie na pinili namin, 3:00pm palang ngayon kaya nag ikot ikot muna kami sa mall.
May nakita akong relos, maganda, ang tatak niya anne klein.
Tiningnan ko ang price niya, 12,000 pesos!!!! Nagulat ako sa price, kaya naman pala nakadisplay pa talaga, at ang mas nakakagulat, ang nakalagay pa, SALE!!!
Hindi ko kayang bilin yun kahit na sale na siya.
Kaya tutuloy na ako sa paglalakad ng mapansin kong wala si Angelo sa tabi ko,
OMG!! Ngayon lang ako nakapunta sa Mall na toh!! I'm lost!
Nasaan ako! Hindi ko alam ang daan pabalik, feeling ko nasa bundok ako, pero maraming tao, hindi ko alam gagawin ko, naghahanap ako ng guard pero wala akong makita, nahihiya naman akong magtanong sa mga tao dahil lahat sila sosyal
Nang biglang narinig ko ang boses ni Angelo
Angelo: Shayne!!
Lumapit ako sakanya ng nakasimangot
Shayne: Walanghiya ka! Bakit mo ako iniwan! Hindi ko pa naman alam toh!
Angelo: galit ka? Ok, ipapa exchange ko nalang itong relos, bibilin ko yung panlalaki para ako nalang ang gumamit.
Pagtingin ko sakanya, nakita kong may hawak siyang paperbag
Shayne: Ano yan! *_*
Angelo: eh nakita kitang tinititigan yung relos doon sa stante, kaya eto, binili ko, ayaw mo ba?
Shayne: ahhh! Thank you! Thank you talaga!
Hinug ko si Angelo at kinuha yung Paperbag
Angelo: hindi sayo yan! Para yan sa mama ko!
Shayne: ay! Akala ko naman binili mo para saakin
Angelo: Feelingera ka talaga! Hahha, ayan tuloy, disappointed ka
Pagbukas ko ng box, ibang relo ang nakalagay, iba ang design, hindi yon ang tiningnan ko sa stante kanina
Angelo: hindi naman kasi yan ang binili ko sayo, etong isa yung binili ko sayo oh, kinuha mo kasi yung para sa mama ko.
Shayne: ah, ganun ba
Sabay tili ko, tuwang tuwa ako! Ang mahal kaya ng relong yun, 12,000pesos! Saan ako kukuha ng 12,000 pesos, eh tuition ko palang hindi ko pa mabayaran
Kinuha ko yung paperbag at tiningnan ang relos, ang ganda, nahawakan ko rin ang relos na mamahalin!
Shayne: uy! Libre mo toh saakin ha! Wag mo sabihing utang! Wala naman ako sinabing bilin mo eh!
Angelo: oo, libre ko yan, pano bayan? Ano libre mo saakin
Shayne: edi Hug!
Sabay hug ko sakanya tawa kami ng tawa
Angelo: ano susuotin mo na ba yung Bagong Relo mo?
Shayne: ayoko, baka mawala ko pa or magasgasan, susuotin ko nalang yun pag may special occasion, speaking of relo, anong oras na ba?
Angelo: 3:30 na pala! Halika na, mag i-start na yung movie
Naglakad na kami papuntang cinema at nanuod ng movie...
To be Continued.....
BINABASA MO ANG
Ang Bestfriend kong Feelingera
RomanceShayne Villanueva Hello sa inyo! Ako nga pala ang pinaka magandang 4th year student sa campus namin, ako ang tinatawag nilang dyosa, reyna, diwata at kung ano ano pa, dahil nga sobrang ganda ko.. At dahil sa kagandahan ko, nabighani saakin si Angelo...