The Truth

307 8 0
                                    

Natapos ang buong araw na masaya ako, dahil iyon kay czarina, napaka bait niya.

Uwian na at umuwi na ako,ang saya saya ko dahil hindi nasira ang araw ko, pag uwi ko nag online agad ako sa facebook, at doon, doon na nasira ang araw ko, pag bukas na pagbukas ko ng facebook account ko, si James at Shayne agad ang nakita ko, kaka upload lang ni Shayne, at tinag niya si James, siya pa talaga ang nag post ha! Parang pinapamukha niya saaking kinalimutan niya na ako, ang sakit talaga, iniscroll ko ang news feed ko, at lahat ay pictures nila, kuha ng mga classmates namin, meron nakaakbay si james sakanya, holding hands, sabay kumakain, lahat yun kinunan ng mga classmates namin.

Naisipan kong magpahinga nalang muna, nanood ako ng TV sa sala at naglaro sa ipad ko. Wala akong magawa kaya naglaro nalang ako ng naglaro kaysa buksan ulit ang fb account ko dahil sigurado akong, si shayne at james nanaman ang makikita ko.

Shayne's P.O.V.

Kanina, kasama ni Angelo yung friend niyang maliit, buti nalang nadoon yung friend niya, dahil nakita ko kanina na noong kasama niya si Czarina, lagi siyang masaya, buti nalang at may nagpapasaya sakanya, kahit na nilayuan ko na siya, dahil sa friend niya, sana madali siyang maka move on, hindi ko lang talaga kaya na dahil saakin ay masisira ang pangngalan niya sa buong campus, kaya, lalayuan ko na siya, kahit na masakit, kailangan ko gawin ito, para naman ito sa ikabubuti namin eh, sana maintindihan niya

Hay naku, makapag online na nga lang, naupload ko na lahat ng pics namin ni James, maraming nag comment, tinatanong din nila kung kamusta na kami si Angelo, sabi ko nalang okay naman.

Napatingin ako sa chat namin ni angelo, hindi siya nakaonline, nagtaka ako dahil dati ay lagi siyang online, kinlick ko iyon at nakita ko ang messages namin, ang huli niyang message ay yung miss na niya ako at mahal na mahal niya ako, naiiyak ako nung nabasa ko yun, kinlose ko na muna ang facebook ko.

Lumapit ako sa picture namin ni angelo na nakadisplay sa kwarto ko, oo, may picture siya sa kwarto ko, hindi ko kayang layuan siya, ano ang gagawin ko!? Hindi ko kaya ito. Biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko

Mama: anak! Umiiyak ka ba? Papasok ako ha.

Binuksan ni mama ang pinto at nakita niya akong umiiyak

Mama: oh! Anak, bakit ka umiiyak? Halika dito, sabihin mo saakin, may nangaaway ba sayo?

Hindi ako nakasagot, kinuha niya ang hawak kong picture frame, nakita niya ang picture namin ni Angelo

Mama: bakit anak? May nangyari ba? Sinaktan ka ba ng mokong na toh!? Hindi porket gwapo siya eh pwede ka na niyang saktan ha! Halika, sabihin mo saakin, ano ginawa niya sayo

Shayne: wala po siyang ginawa mama. Mama, mahal na mahl ko po si Angelo, pero, kung ipagpapatuloy ko po ang pagmamahal ko sakanya, malalagay kami sa alanganin, ano pong gagawin ko?

Mama: anak, sundin mo lang ang sinasambit ng puso mo.

Shayne: hindi ko po kaya

Mama: shayne, mag isip ka, kung lalayuan mo siya kahit mahal mo siya, lalo ka lang masasaktan, wag kang magpa apekto sa nasa paligid mo, sundin mo lang kung ano ang nasa puso mo, sige, lalabas na ako at magluluto pa ako ng hapunan, mag isip ka, isang malaking desisyon ang gagawin mo

Shayne: opo mama

Nag hapunan na kami, at natulog na ako

The next day....

Pumasok ako ng school , maaga pa, 5:50am palang, balak ko kasing dito nalang sa school gawin ang mga assignments.

Padaan ako sa mini park at nakita ko si claire at james na naguusap

James: so, magaling ba akong mag panggap?

Claire: oo naman, paniwalang paniwala mo nga siya eh, napaka feelingera talaga

James: kailan ako titigil sa pagpapanggap?

Claire: kung kailan tuluyan na silang nag kahiwalay ni Angelo

James: sige, sisiguraduhin kong masasaktan siya ng husto pag nalaman niya ito, hahahaha, napaka tanga niya

Alam kong ako ang pinag uusapan nila.

Aalis na si james sa mini park ng bigla ko siyang hinawakan at sinampal

Nagulat siya, bigla namang nagsalita si claire

Claire: who do you think you are para saktan si James

Sabay sampal niya saakin

Napakalakas ng sampal niya

Kanina pa pala nasa likod namin ang ibang classmates na maaga pumasok, at binidyuhan nila mula nung pagsampal ko kay james hanggang sa pagsampal saakin ni claire

Umalis na si claire, sumunod naman si James

Ang sakit ng naramdaman ko, bakit ako nag pauto kay james, paano na si Angelo, tiyak na galit yun saakin, ano ang gagawin ko

Angelo's P.O.V.

Pumasok ako ng school, 6:20am palang naman ng pumasok ako,

Nagkakagulo sila, may pinapanood silang video, nakita ako ng isang classmate namin na nanonood din ng video, at tinawag niya ako, lumapit ako at binigay saakin ang phone niya na may video, pinlay niya ito.

Sinampal ni shayne si james at biglang sinampal ni claire si Shayne

Claire: Who do you think you are para sampalin si James!

Umalis si claire at sinundan siya ni james

Nagtaka ako kung bakit, umalis na ako at pumunta sa classroom, nakita ko si Shayne na umiiyak, nilapitan ko siya

Angelo: Are you okay?

Tumingin si Shayne saakin

Shayne: angelo. Im so sorry, sorry talaga!

Angelo: bakit? Anong nangyari

Shayne: si claire, may video siya nung nag uusap tayo na magpapanggap tayong bf/gf, binantaan niya ako na kung hindi kita lalayuan, ikakalat niya yung videong yun

Angelo: so what kung ikalat niya yun, wala na akong pakielam, ano naman ang iisipin nila kung kumalat yun, isipin mo nga, kung kakalat yung videong yun, ano mangyayari? Kakalat lang diba, malalaman lang nila na nagpanggap tayo, pero, papatunayan naman natin na tayo na diba? Pero, pinapagpalit mo na ako kay James

Shayne: angelo, sorry, pero, si james, niloko niya ako, inutisan lang siya ni claire na magpanggap na mahal niya ako, at, sinagot ko lang si james para isipin ni claire na tuluyan na kitang nilayuan, para hindi kumalat ang video.

Angelo: its ok. Wag kang mag alala, pero, kung hindi na kayo ni james, tayo na?

Bigla akong niyakap ni shayne, ang sarap ng pakiramdam, ang saya ko, nalimutan ko ang problema namin, besides, hindi naman talaga yun problema, dahil wala na akong pakielam kung ano man ang isipin nila.......

To be continued.....

Ang Bestfriend kong FeelingeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon