Dismissal time na
Paglabas ko ng classroom, nakita ko agad si shayne, naka smile siya sa akin, lumapit ako ng unti unti sakanya, hinahangin pa yung buhok niya, ang ganda niya, pero.... Biglang narinig ko na nagbubulungan yung mga classmates namin, ang bilis daw magpalit ng boyfriend ni shayne, parang damit lang, pero hindi ko yun inintindi, dahil alam kong , ako ang mahal ni Shayne.
Inakbayan ko siya at naglakad na kami pababa at lumabas ng school, wala pa yung driver ko, kaya niyaya ako ni shayne na kumain kuna, at dun niya ako dinala sa tusok tusok, hindi ako marunong kumain nun, at pinilit niya akong subukan yun, at napilit niya naman ako, at tawa siya ng tawa dahil hindi ko nagustuhan ang lasa ng "dugo" halos masuka ako dahil hindi ako sanay.
Kinunan pa nga niya ako ng picture habang kinakain yung mga yun, at tawa siya ng tawa, naglakad kami papunta sa may park, nag selfie kami, tapos nun ay nag request siya, sayaw daw ako ng EXO - Growl, sumayaw naman ako, kinunan niya ako ng video, siyempre para patas, pinasayaw ko siya ng girls generation I got a boy, at ayun, kinunan ko rin siya ng video gamit ang phone ko, bumalik kami sa may school, at kanina pa pala nandoon ang driver ko, nag enjoy kami masyado at hindi namin namalayan na 5;30pm na, at kanina pa nandoon ang driver ko.
Hinatid ko na siya sa bahay niya, nagpaalam na ako at sinabing upload niya ang video kong sumasayaw at i aupload ko din yung video niyo.
Nakauwi na ako, nag online na agad ako, nakita kong nakapost na nga ang video ko, at tinag niya ako, andaming comment na sinabing a cute daw ng sayaw ko.
Nilike ko nalang ang post niya.
Pinost ko na rin ang video niya na sumasayaw ng Girls Generation I Got A Boy at tinag ko siya.
Napakasaya ko ng araw na yun at nalimutan ko ang mga problema ko hanggang sa natulog na ako
Kinabukasan pumasok na ako, sinundo ko si shayne sa bahay niya at hinatid siya sa school, marami ang nakatingin saamin at kasama na roon si James at Claire.
Hindi namin sila pinansin at pumasok na kami sa classroom, pero bago pumasok sa room, nag selfie muna kami at pinost niya yun si fb, at nakalagay, feeling inlove.
Shayne's P.O.V.
Well, sinundo ako ni angelo at hinatid papuntang school, ang sweet niya, at ang gwapo niya, hinding hindi ko siya sasaktan at papakawalan pa.
Well, bumaba kami ng kotse at nakatingin saamin ang mga classmates, ang sama ng tingin saakin ni claire at nakatingin din si James, pero hindi ko iyon pinansin at dumiretso na sa room, pero bago kami pumasok sa room, nagselfie muna kami ni Angelo at pinost ko na sa facebook account ko, at nilagay ko,"feeling inlove"
Pag pasok ko sa room, umupo na ako, then, dahil maaga pa, nilapitan ako ni Matilda Jimenez, isa sa mga classmates ko, hindi ko alam kung bakit lumapit siya saakin, maganda siya, matalino, mistisa , at mukha na,ang mabait, pero ang iniisip ko ay bakit siya lumapit saakin? Ano ang gagawin niya? May kailangan ba siya saakin? Kaibigan ko ba siya? O kakampi siya ni Claire?
To be Continued......
BINABASA MO ANG
Ang Bestfriend kong Feelingera
RomanceShayne Villanueva Hello sa inyo! Ako nga pala ang pinaka magandang 4th year student sa campus namin, ako ang tinatawag nilang dyosa, reyna, diwata at kung ano ano pa, dahil nga sobrang ganda ko.. At dahil sa kagandahan ko, nabighani saakin si Angelo...