Hindi ako makatulog, ang gulo, andami kong iniisip , hindi ko maintindihan, gusto kong pigilan pero ayaw, hindi tuloy ako makatulog, nakakainis, napaka gulo ng utak ko, sumasakit tuloy, Samarah, Shayne, Samarah, Shayne, Samarah, Shayne!
Hay naku! Ang gulo! Kahit na anong pikit ko, di ako dakawin ng antok, at laging pumapasok sa isip ko si Samarah at Shayne, ano ba naman yan! Sana dalawa ang puso ko! Hahaha, joke lang, mas mahal ko Shayne, alam ko yun, pero ewan ko takaga, laging bumubulabog saakin si Samarah.Habang nakahiga ako sa Kama, biglang tumunog ang pinto
"Creeeeeeeek"
Tiningnan ko ang pinto , wala naman akong nakita, pero nag taka ako kasi nakabukas ang ilaw, eh, pinatay ko naman yun, at ang iniwan ko lang na ilaw sa labas eh yung mga lamps, para hindi masyadong madilim, pero bakit parang nakabukas lahat ng ilaw?Kaya tumayo ako, tiningnan ko kung may nagising bang maid at binuksan ang lahat ng ilaw, habang papunta ako sa switch ng ilaw eh nakita kong yung mga lamps na bukas sa gabi eh nakapatay, kaya habang naglalakad ako, isa isa kong binuksan yun.
dalawang lamp nalang ang natitira at malapit na ako sa switch ng mga ilaw, ng biglang namatay lahat ng ilaw, as in lahat!
Nagulat ako! Pero hindi naman ako napasigaw, tapos noon eh biglang bumukas ang mga lamp na binuksan ko, pero yung mga maliwanag na ilaw, nakapatay na, dahil nagtataka ako, binuksan ko ang mga ilaw, pag bukas ko, maayos naman ang mga gamit.
Pinatay ko ang ilaw, naglalakad na ako papunta sa kwarto ko, ng biglang bumukas ulit ang lahat ng ilaw, kaya nagtaka ako kung bakit bumukas, kaya lumingon ako, pag lingon ko, nakita ko si Shayne , may hawak na kutsilyo.
Shayne: walanghiya ka Angelo Hidalgo! Papatayin kita! Pinagpalit mo pa ako sa Samarah na yun ha! Eto sayo!
Bigla siyang tumakbo papunta saakin, papalapit na siya, gusto kong tumakbo, pero hindi ako makatakbo, may narinig ako, boses yun ni Hermione, nakita ko siya, parang nahihirapan siya magsalita, sabi niya
Hermione: Kring!! Kring! Kring! Kring!!!
At biglang namatay ang lahat ng ilaw.....
Kring!! Kring! kring!!!
Tunog pala yun ng alarm clock ko, 5:00am na, kailangan ko na mag ayos para sa Klase, hay! Salamat at Panaginip lang yun, ano kayang ibig sabihin nun! Hay! Katakot naman! Ayan kasi! Kumain pa ako ng gabi, dapat yata natulog nalang agad ako kesa nagluto ng noodles na yun, haaay!Ayan, at nag bihis na ako, kinakabahan parin ako dahil sa panaginip ko, pero hindi narin ako masyado natakot dahil gising na ang lahat ng tao sa bahay, pati na rin si Kuya alberto, natapos na ako mag shower, nag breakfast na at nag toothbrush.
Bumaba na ako at nagpunta sa Driver ko, sabi ko alis na kami, at umalis na nga kami.
Pumasok na ako ng Campus, nakita ko si Hermione, at ayun! Naalala ko yung panaginip ko, kinabahan ako sakanya.
Lumapit siya saakin
Hermione: kailangan kitang makausap, may sasabihin ako sayo.
Lumapit siya saakin at mag sasalita na sana siya ng biglang dumating si ShayneHermione: shayne, buti at nandito ka, may kailangan kayo malaman ni Angelo
Shayne: ano yun?
Hermione: si Samarah, yung nakilala mo Angelo, inutusan siya ni Matilda na pag hiwalayin kayo?
Shayne: paano niya naman gagawin yun! And, sino si Samarah
Angelo: mahabang kwento, pero, paano ka nakasisiguro
Hermione: kasi, ganito yun,....*Flashback*
Hermione's P.O.V.
Hay naku! Eto nanaman si Matilda! Bakit kaya siya tumatawag saakin?Akala ko naman makakapag pahinga ako ngayon, andaming pa namang homeworks, ano nanamay kaya ito.
Sinagot ko na ang video call niya.
Hermione: Hi Matilda!
Matilda: Hermione! Let's have a Sleep Over! Come at my house, now, i mean, right now, mag sleep over tayo!
Hermione: sure, sige, punta na akoNagpunta na ako sa bahay ni Matilda at ayun, pumasok ako, andaming foods sa bahay niya, lagi naman yun eh.
May dala akong pizza, para naman hindi ako nakakahiya, kumain kami at nag kwentuhan , hanggang sa sabi niya bibili daw siya ng Pasta sa Restaurant ko, sabi ko magpa deliver nalang siya, pero, gusto niya daw mag drive at may dadaanan pa siya.
Kaya ayun, umalis siya, hindi ako sumama dahil ayaw niyang pumayag, nagmamadali siyang umalis, kaya ako, andun sa bahay niya, nanunood lang ako ng TV, hanggang sa may nag ring, yung Phone ni Matilda, tiningnan ko iyon, nakalagay, Samarah.
Hindi ko iyon sinagot dahil baka magalit saakin si Matilda, pero dahil curious ako, eh, ng tumigil na ang ring ng phone niya, tiningnan ko ang Text Messages nila, eto ang conversation nila.
Samarah: Matilda, nagawa ko na ang inuutos mo, success, inakala niya na niligtas ko siya sa snatcher, buti nalang at magaling itong friend ko at hindi siya nahuli ng police sa mall, at nag bonding kami, kaunti nalang, sigurado akong mahuhulog na ang loob niya saakin.Matilda: good, ibibigay ko sayo bukas ang bayad ko sayo, 120,000 pesos cash ha, magkita tayo sa school.
At ayun nga, marami pa silang conversation, at lahat yun, tungkol sa plano nila, kaya eto, umalis na ako, nagiwan lang ako ng note para kay matilda na aalis na ako at marami pa pala akong gagawin.
*End of Flashback*
Hermione: at eto nga ako, kinikwento ko ito sainyo, baka kasi magtagumpay sila Matilda at Samarah. Kaya andito ako para malaman niyo ang plano nila.
Angelo: sige, salamat Hermione
Hermione: sige, mauna na ako, marami pa akong gagawin eh
Shayne: sige, salamat!Nagusap kami ni Shayne tungkol kay Samarah, ipinaliwananag ko sakanya na magkaibigan lang kami ni Samarah, at hinding hindi masisira ang relasyon namin, lalo na at alam namin na lahat iyon ay Plano ni Matilda
To be Continued.....
Text Messages
BINABASA MO ANG
Ang Bestfriend kong Feelingera
RomanceShayne Villanueva Hello sa inyo! Ako nga pala ang pinaka magandang 4th year student sa campus namin, ako ang tinatawag nilang dyosa, reyna, diwata at kung ano ano pa, dahil nga sobrang ganda ko.. At dahil sa kagandahan ko, nabighani saakin si Angelo...