The next day...
Gumising na ako, siyempre.
Naligo na ako, kumain tapos nag toothbrush, at pumasok na ako ng school.
Ang araw na ito ay kakaiba, parang walang pumapansin saakin
Pag pasok ko ng Gate, nakita ko Si Czarina, pero hindi siya tulad ng dati, dati kasi pag nakita niya ako, makikipag usap agad siya, pero ngayon, parang hindi niya ako nakita, hindi niya ako pinansin.
Tapos noon, umakyat ako ng hagdan, habang paakyat ako ng hagdan, may nabangga akong babae, nahulog yung libro niya kaya pinulot ko at inabot sakanya, pag tingin ko si Samarah yun, pero, hindi siya yung Samarah na kilala ko, naka smile siya saakin na parang kaibigan ko siya.
Nag lakad na ako, habang nag lalakad ako papunta mini park, nakita ko Si Hermione, kasama niya si Genny, ang Half sister niya, at mukhang masaya sila, pero, hindi ako pinansin ni Hermione.
Nag lakad naman ako papuntang girls CR dahil mag aayos ako ng itsura ko, nakita ko sa loob ng CR si Matilda, Claire, Pearl at Alex.
Mukhang bati na si Matilda at Claire, pero, tulad nila Czarina at Hermione, larang hindi nila ako nakikita.
Nag aayos na ako ng sarili ko, ng biglang mag bell, pag lingon ko, wala na sila Matilda at Claire, wala rin sila Pearls at Alex.
Inisip ko na naka alis na sila, pero pag labas ko ng CR, napaka tahimik, nakita ko si Angelo na nag lalakad papunta saakin, ang bagal lang ng lakad niya, papalapit siya saakin.
Tapos noon ay bigla niya akong hinawakan at tumakbo kami papunta garden. Ang saya saya, nakalimutan ko ang oras dahil sa sobrang saya.
Angelo: dito, dito sa campus na ito tayo nag kakilala, at dito sa campus na ito, naging bestfriend kita, at ngayon, hindi na ikaw Ang Bestfriend kong Feelingera, ikaw na Ang Girlfriend kong Feelingera!
Shayne: angelo, dito, dito tayo nag kakilala, dito tayo nag simula, dito nakilala natin ang mga kaibigan at kaaway natin, at dito, dito ang lugar na hinding hindi ko makakalimutan!
At binuhat ako ni Angelo at nag ikot ikot kami, hanggang sa nag bell na, uwian na pala! Hindi kami umattend ng klase ni Angelo.
Lumabas na kami ng Campus, at hinatid niya ako pauwi.
Nang makauwi na ako ay nag paalam na ako kay mama mag papa check up na ako, at pumayag naman siya.
Sumakay ako ng kotse at nag drive na si Angelo, wala ulit ang driver niya, kaya siya ang nag mamaneho.
Nag da drive siya, patingin tingin siya saakin, kita ko sa mukha niya ang lungkot, ewan ko kung bakit...
Angelo: Shayne,, ayaw ko man pero kailangan kong gawin ito, at sana, kahit na anong mangyari, sana hindi mo ako makalimutan, sana hanapin mo ako, sana mag kita tayong muli, sana maging tayo ulit, wag mong kakalimutan ang mga taong nakilala at naka salamuha mo, wag ka makakalimot, at higit sa lahat.... mahal kita
Hindi pa ako nakakapag salita ay bigka niyang hininto ang kotse, at pag lingon ko sa bintana ng kotse, tatamaan kami ng Truck ni Angelo, ang Liwanag! Tatama na ang Truck saamin!
*Aaaaaaaahhhhh*
At biglang bumukas ang mata ko, nakita ko ang isang babae, nakatingin siya saakin, ang labo ng paningin ko, hindi ko makita kung sino siya.
Hanggang sa nakita ko na kung sino siya, si Mama yun
Mama: anak! Buhay ka anak! Anak! Anak! Buti naman at nagma malay ka na!
Umiiyak si Mama at tuwang tuwa
Doctora: maam, ayos na po ang anak niyom nag ka malay na po siya, kailangan niya nalang pong mag pahinga.
BINABASA MO ANG
Ang Bestfriend kong Feelingera
RomanceShayne Villanueva Hello sa inyo! Ako nga pala ang pinaka magandang 4th year student sa campus namin, ako ang tinatawag nilang dyosa, reyna, diwata at kung ano ano pa, dahil nga sobrang ganda ko.. At dahil sa kagandahan ko, nabighani saakin si Angelo...