Ang Tanga ko Talaga!

168 6 2
                                    

Angelo's P.O.V.
Well, bumaba na kami ng Kotse ni Czarina at Shayne, nagtaka ako kasi hindi bumaba si kuya Alberto, pero naalala ko na Driver nga pala siya, pero niyaya ko narin siyang sumama, ano naman gagawin niya sa parking, tutunganga, kawawa naman siya kung nandun lang siya, at atleast, makapag relax naman siya kahit minsan.

Lakad dito lakad doon, hindi ko namalayan na nawawala si Czarina sa Tabi namin, hinanap namin siya pero di namin makita, at ayun! Sa wakas, nakita na an,in, may kausap siyang Saleslady.

Dahan dahan kami nag lakad papunta sa kanya, hindi ko napigilang tumawa ng makitang Whitening Products ang tinitingnan niya, inisip ko, tatalab kaya yung mga Whitening Products na yun? Kung tumalab yun kay Czarina, naku, ieendorse ko yun sainyo.

At ayun, bumili siya nun, dalawang pack at naglakad na kami.
Habang nag lalakad kami, nagugutom ako, mag yaya sana ako kumain ng biglang makita kong napahinto si Alberto.

Nakatingin siya sa isang figurine, tinanong ko kung anong problema.
Sabi niya, may naalala daw siya, at ayun, kinwento niya saamin ang nangyari sakanila ng Girlfriend niya.

Natulala ako ng narinig ko ang istorya niya, naalala ko si Samarah, kinilabutan ako, kasi, pag nalaman ni Shayne na nafo fall na ako Kay Samarah, baka makipag break na siya saakin, pero, alam ko naman na mas mahal ko Si Shayne, kaay hindi ko iiwan si Shayne.

Biglang nagyaya si Czarina na umuwi na daw kami kasi may gagawin pa daw siya, kaya sumunod nalang ako, speechless parin ako dahil natatakot akong makilala si Shayne si Samarah, pero teka, ano bang dapat kong katakutan, eh , mas mahal ko nga si Shayne diba, at hindi ko siya iiwan, pero bakit ganito ang pakiramdam ko, kinakabahan akong makita ni Shayne si Samarah, hindi ko alam ang gagawin ko pag nangyari yun.

Dumating na kami sa bahay ni Czarina, nag babye na siya, hindi na ako gaanong nakatingin sakanya dahil nag iisip pa ako.

Ang gulo talaga ng isip ko, iniisip ko kung paano na ang feelings ko kay samarah, paano naman si Shayne, Mas mahal ko Si Shayne! , pero.... Ano yung feelings ko kay Samarah? Ang ganda niya, cute, mabait. Pero parang mas matimbang parin ang pagmamahal ko kay Shayne, pero, basta! Ang gulo talaga! Di ko alam kung anong nararamdaman ko!

At kakaisip ko ng kung ano ano eh hindi ko na namalayan na nandito na pala kami sa Bahay ni Shayne, bumaba na siya, hindi ko siya napag buksan. Ng pinto, bumaba ako at nag paalam na sakanya, kiniss ko siya sa pisngi.

Pero napansin niya yata na may iniisip ako
Shayne: ok ka lang?

Kinabahan ako sakanya, kasi, parang may kutob na siya, pero pinilit kong wag mag pahalata.
Angelo: Okay lang ako.

Tapos nun ay nagpaalam na ako sakanya, umalis na kami ng Driver ko, tiningnan ko kung pumasok na si Shayne sa bahay niya, nakita ko siayng kumakaway, tapos nun, pumasok na siya sa Loob ng bahay niya.

Pag uwi ko ng bahay, didiretso na ako sa kwarto ko, pero biglang nagsalita si Alberto.
Alberto: sir, may problema po ba?
Angelo: ah, may naalala lang ako dahil sa kwento mo
Alberto: ah, pasensya na ho sir ha
Angelo: hindi, hindi, ayos lang yun, sige, pahinga ka na
Alberto: sige po sir

Dumiretso na ako sa kwarto ko, hindi ako makatulog, hanggang sa naalala kong nagugutom nga pala ako, kaya tumayo ako at bumaba, pero , tulog na ang mga maids, kaya naman ayun, ako nalang ang magluluto
Tiningnan ko ang laman ng ref.
Mayroong beef, pork, fish, liver kaso lahat yun....paano ko lulutuin?
Kaya ayun, chineck ko lalagyanan ng groceries, then nakita kong may instant noodles, ang alam ko naman eh pinapakuluan yun sa tubig, dahil ng nakikita ko yun ang ginagawa ng isa kong maid, kaya ayun, nag lagay ako ng tubig tapos nialagay ko yung noodles.

After 5 minutes, yes! Success yata ang gawa ko, at naalala kong dini-drain yun, kaya kinuha ko yung drainer at nilagay dun ang noodles.
At ayun, walang halong tubig yung noodles, kaya, tama na yata yun.
Tulad ng nakikita ko sa maid, nilagay ko na sa Plate ko ang Noodles.

Kinain ko ang noodles, pero...hmmm, parang may kulang, something is missing, pero dahil gutom ako, kinain ko nalang yun hanggang sa naubos ko na.
Naubos ko na ang Noodles! Iniwan ko nalang sa table yung Plate ko.
Pag tayo ko, naalala kong hindi ko pa natatapon yung lalagyanan ng noodles, pag kuha ko ng pack, may nakapa akong laman, nandun yung mga mixtures! Kainis! Naalala kong may hinahalo nga pala sa noodles! At doon nagkakaroon ng lasa ang instant noodles! Kaya naman pala walang lasa yung noodles na kinain ko! Kasi hindi ko nilagay yun! Ang Tanga ko Talaga!

At ayun, sa katangahan ko, tinabi ko nalang yung mixtures para idagdag nalang kapag nagpaluto ulit ng noodles, at ayun, natulog na ako! Hay! Atleast nakalimutan kona ang Problema ko.
Makatulog na nga!

To be Continued.....

Ang Bestfriend kong FeelingeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon