First Day

243 6 0
                                    

The next day......

Ayan na, tinext ko si Angelo na sunduin na ako dahil maaga ako nagising at ready na ako pumasok sa school.

Dahil nga inaantay ko pa si Angelo eh nag facebook muna ako, scroll dito, scroll doon.

Naaliw ang mata ko dahil nga sa mga status ng classmates ko, may mga naglagay ng

"Followed - yan yung sinasabi kapag magpapaload ka sa tindera

To waiter - social networking site yan tulad ng facebook, jan ka pede mag to wait

To wait - yan ang tawag pag nag status ka sa To Waiter"

At maraming pang iba, nag e fb pa ako ng biglang may kumatok, si Angelo iyon, kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng bahay, sumakay na kami ni kotse ni Angelo.

Nakarating na kami sa school, maaga pa kaya as usual, nag selfie kami, habang nag seselfie kami, nagulat ako dahil may babae sa likod ni angelo, isang, matiitim na babae, kaya naman napatingin ako sa likod namin, si Czarina pala iyon!

Tawa kami ng tawa ni Angelo dahil akala talaga namin ay may nakunan kaming multo

Natatawa rin si Czarina dahil sa reaction namin nung nakita namin yung picture.

Nag bell na at pumasok na kami sa classroom, natapos lahat ng subject, nag reccess na at pag labas ko, nakatitig saakin si Claire, ewan ko kung bakit pero halatang galit siya saakin, di ko yun pinansin.

Nag simula na ulit ang klase at marami kaming ginawa ngayon.

Natapos ang klase at lunch na, sabay kami nag lunch ni Angelo, at, sumama si Czarina sa amin.

Nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan, at sino ang bida sa pag kekwento? Si czarina!

Ang dami niyang kwento saamin at tawa kami ng tawa dahil inaacting niya ang kinekwento niya.

Natapos na ang lunch, natapos na rin ang mga klase, lumabas na ako ng school, nagpaalam ako kay Angelo na hindi muna ako sasabay, ayaw kong ipaalam sakanya na nag papart-time job ako.

Naglakad na ako papunta sa coffee shop, maaga pa naman at hindi pa oras ng trabaho ko, pero gusto kong maaga ako dahil nga first day ko ngayon.

Pag dating ko nag taka ang amo ko dahil maaga pa, sabi ko naman, tutulong na ako sa mga gawain sa coffee shop.

Wala la gaanong customer noong dumating ako, pero maya maya konti ay nagsidatingan na ang mga customer, halos mapuno ang coffee shop, siguro dahil masarap ang coffee dito at may free wifi.

Siyempre alangan namang nakatunganga ako doon, edi ako ang waiter para sa ngayon, lakad dito, lakad doon, hindi ako , matigil sa kakalakad.

Kinuha ko ang isang tray na may laman na sandwich, inayos ko muna iyon at naglalakad na ako, tumunog ang chimes sa pinto ng coffee shop pero hindi ko na tiningnan kung sino ang pumasok. Naglalakad na ako palapit sa customer ng bigla akong mabangga sa isang lalaki, hindi naman malakas ang pag kakabangga ko at nagsorry ako, patingin na ako sakanya para malaman kung sino siya at pagtingin ko, nagulat ako dahil ang nabunggo ko ay si.......

Angelo's P.O.V.

Natapos na ang klase sa buong araw na ito, yayayain ko sana si Shayne na mag date kami ngayon, kaso, nagpaalam siya saakin na hindi siya sasabay kaya hindi ko na nasabi ang plano ko.

Sumakay na ako ng kotse at aalis na, on the way na kami pauwi, pero naisipan kong sundan si shayne para malaman kung saan siya pupunta, sinabi ko sa driver ko na sundan namin si shayne, at lumiko na siya, nakita ko na si Shayne, naglalakd siya, pumasok siya sa isang coffee shop, nagtaka ako kung bakit siya nagpunta doon.

Biglang may nag text saakin, si Claire, mahaba ang text niya pero nonsense naman, kaya matagal ko ring binasa ang text niya.

Tumingin ulit ako sa coffee shop, at nakita ko si Shayne na nag seserve sa mga customers, pinapanood ko siya habang nag seserve siya hanggang sa naisipan ko ng bumaba ng kotse, bumaba ako at pumasok sa coffee shop, tumunog ang chimes ng coffee shop dahil nga binuksan ko ang pinto, busy talaga siya dahil hindi manlang niya tiningnan kung sino ang pumasok.

Naglalakad siya habang nakatayo lang ako, tapos bigla niya akong nagbangga, nag sorry siya saakin at iaangat na niya ang ulo niya para makita ako at na gulat siya, ewan ko kung bakit gulat na gulat siya.

Shayne: bakit ka nandito?

Angelo: bibili ako ng coffee, ikaw? Bakit ka nandito?

Shayne: ah, eh.....

Angelo: waitress ka dito?

Shayne: hindi ah! Ano tingin mo saakin? Nag papart time job lang ako

Angelo: eh ano ba yang ginagawa mo? Nag seserve ka diba? Edi parang waitress ka na rin

Shayne: oo na!

Angelo: bakit naiinis ka? Tsaka, bakit ka nag papart time job

Shayne: nag tatrabaho ako, mamaya na tayo mag usap

Pumunta na siya sa isang customer at nag serve

Umupo ako sa isang table at tinawag ko siya

Sabi niya

Shayne: mamaya na angelo, nandito ako para magtrabaho

Angelo: oorder ako! (Nakangisi ako)

Shayne: ah ok, ano po order niyo

Angelo: kung ano ang pinakamahal na coffee dito

Shayne: ano pa po?

Angelo: atsaka 30 minutes na pakikipag usap kay shayne villanueva....bale, magkano yun?

Shayne: ah, tigilan mo nga ako angelo hidalgo, mamaya na tayo mag usap, kita kong. Nagtatrabaho yung tao eh

Parang naiinis siya pero halata namang kinikilig siya...

Binigay na niya ang order ko, pero yung coffee lang,

Pinapanood ko siyang mag serve sa customers habang nag co coffee ako, hanggang sa matapos na siya , 6:00pm na, wala na gaanong customer at nagpaalam siya sa amo niya.

Palabas na siya ng coffee shop at hinawakan ko siya, sabi ko ihahatid ko siya, tumango naman siya, halatang kilig na kilig siya, siguro dahil spnag effort ako na mag stay sa coffee shop para lang makita siya, hahhaha

To be continued.....

Ang Bestfriend kong FeelingeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon