Angelo's P.O.V.
Nilapitan ko na nga siya at tinanong ko kung bakit siya umiiyak
Angelo: bakit ka umiiyak shayne? May problema ba?
Shayne: Nandiyan ka pala, wala naman, naiiyak lang ako kasi malapit na ang quarterly test at hindi pa ako nagbabayad ng fee.
Angelo: weh? Ano nga ang problema, sa totoo lang, alam ko na yata kung bakit ka umiiyak, dahil ba sa Rumor? Na pinagkalat ng kung sinong walang hiya na gustong siraan ka, wag ka mag alala, ipapa D.O. Natin yung mga yun
Shayne: wag na, hindi na kailangan, ang importante, alam ko na ang tunay na kulay nila
Angelo: bakit? Sino ba ang naninira saiyo?
Shayne: si.....Matilda at Hermione
Angelo: kakakilala mo palang sakanila kahapon ha?
Shayne: oo nga eh, akala ko mabait sila, pero, mali ako
Angelo: nga pala, next week na pala ang quarterly, bayad ka na ba?
Shayne: ewan ko sa mama ko, ang alam ko, gagamitin nila yung 10,000 pesos discount
Angelo: ah, ako bukas na ako mag babayad
Biglang nag bell, hudyat na oras na ng klase, nag paalam na ako kay shayne at bumalik na sa room.
At nag dismissal time na rin, umuwi na ako, hindi nagpahatid saakin si shayne dahil may gagawin pa sila, umuwi ako at nag dinner at kumain na
Nakatulog naman agad ako
Pagkagising ko ay tinext ko si shayne kung susunduin ko siya, ang reply niya ay wag na daw muna, maya maya pa daw siya papasok
Kaya dumiretso na ako sa campus
Nagkita kami at as usual nag selfie, nakatingin si Matilda saamin at parang may masamang balak.
Reccess na, bumaba ako sa finance office para bayaran ang fee ko, nakita ko doon ang isang babaeng nagmamakaawa sa finance
"Please po, hindi ko po ba gamitin yung 10,000 discount ngayon, hindi po kayang bayaran ng parents niya yun ngayon"
Pamilyar saakin ang itsura ng babae, tama, siya si Bernadeth, yung na ka chat ko sa facebook, ang nag sabi saakin na crush ako ni shayne
Tinawag ko siya
Angelo: Bernadeth?
Bernadeth: bakit po? (Sabay harap saakin) wait, ikaw ba si.....
Angelo: Angelo Hidalgo, nice to meet you, bernadeth
Bernadeth: nice to meet you, Angelo Hidalgo
Angelo: bakit ka nandito?
Bernadeth: eh, kasi, gagamitin ko sana yung 10,000 pesos discount ni shayne, kaso, bawal pa daw yun i avail ngayon, next quarter pa daw
Angelo: oh, just a second.
Kinausap ko ang finance at sinabi kong ako na ang mag babayad ng tuition ni shayne for this quarter, tapos humarap na ako kay bernadeth
Angelo: okay na yung kay shayne, ako na ang nag bayad
Bernadeth: talaga po Mr.Hidalgo, maraming salamat po, sasabihin ko ito sa parents niya. Maraming salamat po talaga.
Angelo: wag mo akong tawaging Mr.Hidalgo, halos magkasing edad lang tayo eh, angelo nalang ang itawag mo saakin
Bernadeth: mauuna na ako Angelo, at, maraming salamat ulit
Biglang dumating si Shayne, tinanong niya si Bernadeth kung bayad na ba siya,
Bernadeth: oo, binayaran ni angelo ang tuition mo for this quarter, sige, mauna na ako, marami oa akong gagawin eh, bye.
Napatingin saakin si Shayne, nagulat yata siya dahil ako ang nag bayad ng tuition niya,
Bigla niya akong niyakap ng mahigpit
Shayne: salamat angelo
Angelo: bakit ka nagpapasalamat, sino ba nag sabing libre ko yun, babayaran mo yun noh! Edi kung nalaman ng parents ko na ako nagbayad ng tuition mo, edi patay ako, kaya utang yun, utang!
Shayne: sabi ko na nga ba eh,, hahaha, pero thank you padin
Sabay hug niya saakin
To be Continued....
BINABASA MO ANG
Ang Bestfriend kong Feelingera
RomanceShayne Villanueva Hello sa inyo! Ako nga pala ang pinaka magandang 4th year student sa campus namin, ako ang tinatawag nilang dyosa, reyna, diwata at kung ano ano pa, dahil nga sobrang ganda ko.. At dahil sa kagandahan ko, nabighani saakin si Angelo...