Shayne's P.O.V.
Sabi ni mama ay papapuntahin niya daw si Bernadeth sa school at si Bernadeth nakang ang mag aayos sa babayaran.
Pumasok na ako, nakita ko si angelo at nag selfie ulit kami
Pumasok na kami sa classroom namin at nagsimula na ang klase,
Nag bell na, reccess na,inayos ko muna yung locker ko tapos bumaba ako para tingnan kung nasa ok na yung tuition ko, pag baba ko, nakita ko si Bernadeth na palakad na palabas ng campus, kinausap ko siya
Shayne: Bernadeth, bayad na ba ako? Nagawan na ba ni mama ng paraan?
Bernadeth: oo, binayaran na ni Angelo ang tuition mo, sige mauna na ako, marami pa akong gagawin eh, bye!
Lumapit ako kay angelo, at niyakap ko siya
Nag thank you ako, akala ko libre, pero ayun pala, utang, kaya nag isip na ako ng pwede kong sideline.
Uwian na, nag paalam ako kay angelo na uuwi na ako, sabi niya sabay daw kami, pero sabi ko, may pupuntahan pa ako, ayokong malaman niya na mag tatrabaho pa ako para kang mabayaran ang utang ko sakanya.
Nakita ko ang isang bakery, tinanong ko kung tumatanggap ba sila ng part time job,
Sabi ng babaeng tindera na pagka kapal kapal ng kilay, hindi daw nila kailangan, inirapan pa niya ako! Aba , edi inirapan ko rin, hindi niya kilala ang kausap niya, ako ang future wife ni Angelo Hidalgo, charot, hahahaa, so ayun, naglakad na ulit ako.
Habang naglalakad ako, may nakita akong karinderya, tinanong ko kung kailangan nila ng tindera, sabi nila, hindi daw, lalo na at bata pa ako. Kaya naglakad nalang ako, may nakita akong isang coffee shop, dun, pumasok ako at nagtanong kung pwede mag apply ng part time job, sabi nila, sakto daw dahil kailangan nila ng katulong sa mga gawain doon, mag se serve, deliver, at tagakuha ng order incase na busy ang lahat, at ayun tanggap na ako, humingi lang sila ng konting impormasyon saakin, tinanong nila ako kung kailan ako magsisimula, sabi ko bukas na mismo, tinanong ko kung magkano ang sweldo ko, sabi niya, 150 pesos a day, tutal part time lang naman, ang oras ng trabaho ko doon ay 4:00pm - 6:00pm, bale dalawang oras yun, at naisip kong mayroon pa akong oras para maghanap ng isa oang part time job, kahit na yung mga trabahong sa bahay lang, at naisip ko na tanungin si Bernadeth kung ano yung trabahon niya, yung pa online online lang tapos may sweldo na, pero syempre, tinanong ko kung legal yun, alam niyo na, yung iba kung ano ano na ang ginagawa sa internet, at ayun, legal naman daw yun,kami daw ang gagawa ng mga sites, recommendation, , at kung ano ano pa , madali lang daw yun, paclick click lang, tinanong ko kung magkano ang kinikita niya sa isang buwan, nasa 3.000 pesos daw, so, pwede na, kasi 2 pras kang daw yun kada araw, so tinanong ko na siya kung paano mag apply at sisimulan ko na ang pag tatrabaho sa coffee shop at pag o online bukas na bukas.
May trabaho na ako! Sigurading malaking tulong ito kay mama at papa, kaya naman napaka saya ko, mababayaran ko rin agad si Angelo, dahil nga 3,000 isang buwan ang kita sa pag oonline at 150 naman kada araw so sa isang buwan sa coffe shop, ang kita ko ay....4,500! Malaki pala! Hahaha, at part time job yan, siguro dahil mayaman yung may ari ng coffee shop.
Ang binayaran ni angelo sa school ay 9,450, so mahigit 1 buwan ako mag tatrabaho para mabayaran na siya, sandali lang ang isang buwan! Excited na akong masimula bukas sa trabaho ko! Sana naman at walang iistorbo saakin sa trabaho ko.
To be Continued,,...
BINABASA MO ANG
Ang Bestfriend kong Feelingera
RomanceShayne Villanueva Hello sa inyo! Ako nga pala ang pinaka magandang 4th year student sa campus namin, ako ang tinatawag nilang dyosa, reyna, diwata at kung ano ano pa, dahil nga sobrang ganda ko.. At dahil sa kagandahan ko, nabighani saakin si Angelo...