Chapter 8 - Si manliligaw ko

118 2 0
                                    

Nakakainis naman oh! Aish! Bakit kaya napaka-kulit ng hambog na 'to?! Ilang beses ko nang binasted eh!

"Aya, bakit ba ayaw mo sa akin? Hindi ba ako gwapo?"

Hindi ka nga kasi gwapo, hambog ka at hindi ikaw si Reil! Taena naman! Ang kulit!

"Hindi ko lang kasi talaga pwedeng ibigay sa'yo ang hinihiling mo. Hanggang friends lang talaga tayo, Jeff."

"Huy, Jeff! Wag mo na kasing kinukulit ang anak ko! Tignan mo nagagalit na tuloy sa'yo!"

That's my so-called "Dadeeehhhyyy", Kuya Martin or Dadeeehhhyyy Martin. At si Jeff naman, siya 'yung manliligaw ko. Siya 'yung tinutukoy ni Darwin.

"Eh fut---"

"Wag kang feeling! Hindi ikaw ang future son-in-law ko!"

"Oo na. Sige. Pero, paano naman kasi kami makakapag-usap ng maayos kung andyan kayong dalawa ni Aldwin na bantay niya?"

"Mommy's orders. Sabi niya kailangan daw akong samahan ni Dadeeehhhyyy at ni Kuya Aldwin."

At ang so-called Mommy ko naman ay si, Mommy Samantha..... The beautiful. Siya lang naman ang pinaka-mamahal ni Dadeeehhhyyy Martin.

"Kaya wag ka nang reklamador dyan dahil may remaining 1 minute ka pa para kausapin si Aya."

3 minutes lang kasi ang binigay sa kanya ni Aldwin at ni Dadeeehhhyyy. Wawa naman si hambog :)

"Grabe! Extension naman ng 5 minutes!"

"45 seconds!"

"Aldwin naman!"

"30 seconds!"

"Hala! 5 minutes na nga lang ang hinihiling ko! Hindi niyo pa ako pag-bigyan!"

"15 seconds!"

"Aldwin! 5 minutes na kasi! Sige na!"

"10,9,8,7,6,5,4,3,2,1! Times up! Shupi na! Alis na dyan!"

"Alis na, Jeff! Bukas nalang ulit!"

"Mamaya naman!"

"1 minute lang ang ibibigay ko!"

"Sige, bukas na nga! Basta, Aya! Hindi ako susuko!"

Eh 'di wag. Paki ko? Dejk. Ayaw ko lang talagang tanggapin ang panliligaw niya kasi nga ayaw kong may pinapaasa ako. I don't want some issues.

"Anak, wala ba talagang pag-asa si Jeff sa'yo?"

"Dad, wala nga po kasi. Walang-wala."

Nakita ko si JM na tumatakbo papunta sa amin at may hawak na..... Ano 'yun? Paso? Papel? Libro? Bote? Baka naman sapatos.

"Uyyy.... Si JM oh! May dalang bouquet!"

Ang layo naman pala ng sapatos sa bouquet! Jusme, Aya! Ang tanga mo talaga!

"Haaaayyyyy...... Hhhhiiiii..... Haaaaa..... Hhooooo....... A-aya, pinapabigay ni Jeff. H-hindi daw siya susuko, p-para sa'yo.... M-magpapakatanga daw siya sa'yo. G-ganun ka d-daw niya k-kamahal."

Kinuha ko 'yung bouquet at may nakalagay doon na "I won't give up." Hayyyssss..... Hanggang kailan mo ba 'to gagawin Jeff? Itatapon ko na sana ng biglang...

"Halaka naman, anak. Ang bad mo." Hay, Dadeeehhhyyy.

"O sige po. Para hindi masayang ang bulaklak, ibigay niyo nalang po kay Mommy Samantha." He shook his head no and put his right arm in my shoulder.

"Anak, itago mo nalang kaya 'yan?" I gave him an are-you-serious look.

"Dadeeehhhyyyy, ayoko nga po kasi. Sa inyo na nga lang po, Kuya Aldwin." Inabot ko kay Kuya Aldwin at ngumiti naman siya.

"Ibibigay ko kay Reil?" Bago pa man siya maka-alis ay hinablot ko na yung bulaklak. Baliw talaga. Ibigay daw ba kay Reil.

"O ba't mo kinuha? Para hindi na nga masayang yung bulaklak eh. Sasabihin ko na galing sa'yo." Sheesh.

"Hindi nalang. Iuuwi ko nalang sa bahay at ilalagay ko nalang sa vase para naman masurprise ko naman si mommy. Atsaka Kuya Aldwin, baliw ka ba? Ibibigay mo 'tong bulaklak sa kanya tapos sasabihin mo na galing sa akin? Susme. Mas mabuti pang itago ko nalang kaysa ibigay mo pa kay Reil at sabihin mo na galing sa akin."

"Hay, anak. Ikaw nga ang baliw dyan eh. Lahat ng manliligaw mo binabasted mo para lang kay Reil."

"Kung kinakailangan kong i-basted lahat ng manliligaw ko, gagawin ko. Kung mahal mo, lahat posible." 😪

The Last Moment of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon