Aish! Nakakainis talaga si Tyson! Hipon nga naman! Nakakainis siya! Back to zero nanaman ako! Hmph! Takte!
"Hi, insan." Darwin.
"Hi, future sis." Francis.
"Yeah, hi."
"Iwan ko muna kayo ni Francis dyan. Bilhan ko kayo ng magnum gold sa cafeteria." Darwin.
Umalis si Darwin sa Field ng Gingrich at pumunta sa cafeteria. Hayyysss..... Ang hirap kalimutin ang nangyari kahapon. Pero, nangyari na ang nangyari eh. At 'yun ang 'nangyari' kahapon. Naintindihan niyo po ba ako?
"Hey. How are you?" Francis.
"Doin' fine."
"Serious?"
"Yes."
"Ang sweet niyo kahapon ni Reil ah. Muntik ko pero siyang upakan 'nung nakita ko siyang nakapatong sa'yo at sobrang lapit ng distansya niyo eh."
"Che! Pinaalala mo pa! Status ko na nga lang ay moving on, hindi mo pa ako tulungan!"
"Sorry po. Peace lang."
Niyakap niya ako at napaiyak naman ako. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Parang ang sikip ng puso ko ngayon. Anong nangyayari?
"Aya, tama na. Kung hindi mo na kaya, just accept Lolo's offer. Diba 'yun naman ang gusto mo? An escape from all of your problems."
"Hindi ko yata kaya."
"Well, may 1 month ka pa. This upcoming November, right? Kapag natapos ang November, dapat alam na ni Lolo desisyon mo.
"Opo. Alam ko po."
>>> Faculty Extension <<<
Andito lahat ng mga journalists sa The Gingrich Times para mag-meeting sa upcoming Seminar/Writeshop sa November 3-4 at para na rin sa DSPC sa November 12-13.
"Okay ba, writers? Naintindihan niyo?" Sir Lopez.
"Yes, sir." Writers.
Umalis si Sir Lopez para kumuha ng listahan. Hayyysss... Nandito siya. Kilala niyo naman na siguro tinutukoy ko noh? Wag niyo nang alamin pangalan niya. Masakit lang.
"Ayos ka lang?" Massie.
"Yesh posh."
"Anong field mo, ateng?" Sophie.
"Editorial Filipino, ateng."
"Huy! Reil! Ikaw! Mag-hanap ka na ng members mo! Wala ka pang members ng Broadcasting English. Sa Grade 9 humanap ka doon! Gamitin mo charms mo!" Ma'am Garcia.
"Yes, ma'am." Reil.
"Aya, mag-hi daw ako sabi niya." Reil. Tinuro niya si Mommy Samantha.
"Yeah, right. Hi din daw sabi niya."
"Ang sungit mo naman."
"Siya nga 'yung nag-sabi. Ako ba? Diba, Massie?"
"Ahhh.... O-opo." Massie.
"Sali ka nga sa broadcasting."
"Huy, Massie. Sagutin mo naman. Mamya mabasag lang siya ni Darwin."
"Ikaw ang tinutukoy ko, Aya."
"Ahhh... Ako ba?"
"Hindi. Siya. Si Massie siguro."
"Massie daw kasi. Pansinin mo naman. Kanina ka pa kinakausap eh."
"Ikaw nga kasi, Aya. Ganito na nga lang. Aya, sali ka naman sa broadcasting."
"Paano kung ayaw ko?"
"Masyado ka naman. Sali ka lang. Sige na."
"Ayoko. Nakakatamad kayang mag-salita. Alam mo 'yun? Daldal ka lang ng daldal pero wala pa ring namamansin sa'yo. Parang sa love, papansin ka ng papansin pero wala pa rin."
"May pinaghuhugutan ngay kasi." Mommy Samantha.
"Pamangkin ko, hugutin mo lang ah." Melissa.
"I feel you, Ayala!" Bianca.
"Hugot na hugot, cous!" Darwin.
"Grabe ah. Lakas ng hugot mo. Sali ka na?" Reil.
"May pinaghuhugutan kasi ako. Haha!! Ayokong sumali!"
"Doon lang siya sa Editorial Filipino diba, anak?" Ma'am Garcia.
"Of course, mader. Ayokong kasama si Reil. Masyadong makulit."
"Baka naman..... Mas lalo ka lang ma-in love." Dave.
"Wala. Hinding-hindi."
"Hinding-hindi daw siya ma-iin love kasi..... SOBRA NA PALA SIYANG NAHULOG!" Dave.
"Papansin! Hindi ah!"
Ngumiti nalang si Reil at tumawa. Aish! Walang ganyanan, Reil! Wag kang ngingiti nang ganyan dahil mahuhulog ako! Inlababo nanaman ako sa'yo! Tama na 'yan! Aish! Reil naman! Break muna please. Tapos gusto mo pa akong isali sa group mo. Ayyyy..... Taena. Wala namang ganyanan!
BINABASA MO ANG
The Last Moment of Us
ChickLit"And when I held your hand, I swear, I felt like you were the one for me. Like we were meant to be, destined to meet each other and fall in love together. I love you, Aya." His words that made me feel so loved and protected. I couldn't ask for more.