Chapter 52 - My Life without HER || New secretary?!

65 2 0
                                    

>>> After 7 years <<<

Reil's POV

"Bro, sigurado ka?" Nag-aalanganing tanong ni Dave sa akin.

"Oo naman, bro. 7 years na siyang wala. Kailangan ko na din namang gumawa ng move. Paano ba yan, bro? Una na ako ha? Mahuli pa ako." Pinat ko ang balikat ni Dave at niyakap siya.

"Ingat ka, Reil. Sasabihin ko nalang sa barkada. Bye." Sabi ni Dave sa akin.

"Bye din, bro." Umalis na ako at ngumiti.

>>> Flashback <<<

Kakagising ko palang nang biglang nag-ring ang phone ko. Ang aga namang mang-istorbo nito. 7:30 am palang. Sus.

"Hello? Ang aga-aga palang. Wag munang mang-istorbo. Mamaya ka nalang ulit tumawag, pwede ba? Kulang tulog ko eh." Tumawa yung nasa kabilang linya. Teka... Aya? She's the only one who has that signature laugh.

"Good morning, sleepyhead! Rise and shine! Sorry kung na-istorbo kita. I just wanted to say Happy Monthsary! 1 month na tayo, G pen. Sorry talaga ha? Wag ka nang hihiga ulit. Tumayo ka na dyan. Kanina ko lang nakita yung message mo kasi busy ako kahapon, alam mo naman na. Late na pala akong bumati sa'yo. Please understand my situation right now ha? I miss you. I love you, Reil. Forever and for always. I'll try to attend at your graduation day." Akala ko hindi na niya nabasa yung letter ko. Busy pala si girlfriend ko.

"Good evening to you. Akala ko si Tyson nanaman na kukulitin ako about doon sa project namin. Haha. Happy Monthsary din sa'yo, blueberry Alie. Wag kang mag-alala. Hindi ka naman naka-istorbo sa akin, ikaw pa. Kahit gisingin mo pa ako in the middle of the night, I will never get mad at you. And of course, I understand your situation. Alie, kung hindi mo kayang umuwi sa graduation day, it's fine with me. Ayos lang yun. Basta maka-uwi ka lang kapag natapos ka na dyan, sapat na sa akin yun. I love you too. Forever and for always. I miss you din." Sabi ko with a smile.

The Last Moment of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon