Chapter 13 - First day of Intramurals | Badtrip

108 2 0
                                    

Aya's POV

Yehey! Intramurals na! Nakaka-excite naman! Kung gusto niyong malaman 'yung nangyari kahapon, wag na! Dejk. Syempre ikwekwento ko sa inyo.

>>> Flashback <<<

'Nung umalis ako sa chapel dumiretso ako sa Gingrich Zandre Tree. Nagmuni-muni ako at napaiyak ng unti. Ang sakit pala. Sobra.

"Aya, wag mong sayangin ang mga luha mo nang dahil sa kanya."

Tinignan ko 'yung nag-salita, to my surprise it's JK.

"Masakit, JK."

"Stop it, Aya. Stop hurting yourself."

"Bakit ba all of a sudden may pakialam ka na sa akin?"

"Dahil alam ko na mapapahiya ka sa mga kalokohan na ginagawa mo."

"Hindi kalokohan ang mahalin si Reil."

"Pero, kalokohan ang pananakit sa sarili mo."

"Pwede ba, JK? Tama na."

"Ikaw na nga 'tong inaalala, ikaw pa 'tong nag-iinarte. Ewan ko sa'yo, Aya. Ang hirap sa'yo, hindi ka marunong makaintindi ng isang salita. Pasaway na nga, tanga na, manhid pa."

At umalis siya. Ano ba'ng problema mo, JK? Bakit ka nagkakaganyan?

>>> End of Flashback <<<

"Sige, anak. Ipagpatuloy mo lang 'yang pag-dedaydream mo ah." Mommy Samantha.

"May naalala lang po ako kahapon."

"Halika na. Tayo na ang mag-peperform."

Tumayo na ako at pumunta na kami sa stage. Ano ba 'yan? Nanlalamig 'yung mga kamay ko, tapos kinakabahan ako. Shete! Bakit kailangan nandito siya sa harapan ko--- este 'dun pala sa may harap ni Mommy Samantha na nakikita ko pa ang buong mala-anghel na mukha niya.

Nag-simula na kaming kumanta pero ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. Hindi naman siguro ito sasali sa mga nag-dadrums noh? Grabe. Bakit ka kasi nandyan Reil? Tapos pagkatapos mong i-strum 'yung isang chord titingin ka dito. Taena. Walang ganyanan tadhana.

Buti naman at natapos na kaming kumanta. Hindi ko na kasi nakayanan 'yung mga tingin niya eh.

>>> Afternoon <<<

"Hi, Aya!" Lexie.

"Musta ka na?" Massie.

"Enjoy?" Tiara.

Ano kaya ang mga problema ng tatlong 'to? Kanina iniwan nila ako dito sa field tapos biglang ganito ang mga pinagsasabi.

"Ano ba kasi ang ginawa niyo? Bakit niyo ako iniwan?"

"Wala. Hintayin mo nalang."

"Yeah. Massie's right."

"Agree ako kay Massie at Tiara. Tara, punta tayo sa lobby."

Takte! May nangyayari na hindi ko alam eh! Meron na talaga! Pumunta kami sa lobby at nanuod ng table tennis. Psh. Ang boring dito. Mas intense sa field, discuss throw sa boys.

"Hi, ading. Ikaw si Aya diba?" Ate Roa.

"Bakit po, Ate Roa?"

"Na-chain ka ading."

Ha? Anong na-chain? Tinignan ko sina Lexie.....

"We love you, Aya!" Sigaw nilang tatlo at tumakbo.

So na-chain ako? Kanino naman kaya?

"Ate, kanino po?"

"Kay Tyson."

Fuuuuuudddddddggggggggeeeeeeee!!!!!!!! Fudge! Fudge! Fudge! Fudge! Sa dinami-dami ng lalaki sa NWGH kay Tyson pa talaga! Ang taena naman! Shete fudge! I hate it! Damn it!

"Seryoso, Ate?"

"Ito na nga siya oh."

"Ilang minutes po?"

"10 minutes."

Bwiset! Sasayangin ko ang 10 minutes ko sa hito na 'to?! Fudge! Hindi ba nila alam na time is gold? Shete! Sayang 10 minutes ko kung siya lang din pala ang kasama kong naglilibot dito! Buti sana kung si Reil!

"Siya? Siya ang ka-chain ko?"

"Wag ka na ngang mag-inarte, Tyson."

"Hindi ko 'yan kilala."

"Mas lalong hindi ko din kilala 'yang bulok mong pagmumukha."

"May sinasabi ka?"

"Wala. Sabi ko hindi kita kilala."

>>> 2 minutes passed <<<

"Darwin! Darwin! I need your effin' help."

Hinanap kasi namin si Darwin. Ayoko kasi talagang kasama 'tong hito na 'to. Masyadong mabigat ang kamay! Torture sa kamay ko!

"Hahahaha!!! Shete! Tyson and Aya? Fudge! Hahahaha!!! Anong kailangan mo, my dear cousin?"

"Kailangan ko ng gunting para ma-cut ito."

"Sige na, Darwin. Nakakaimbyerna 'tong pinsan mo. Mana sa'yo."

"Do me a favor first, Aya."

"What do you want?"

"Libre mo ako ng Magnum Gold sa cafeteria."

"That's all?"

"Lilinisan mo 'yung kwarto ko after this three-day Intramurals."

"Oo na. Oo na."

"Okay. Hoy! Sinong may gunting?!"

Aba't! Nang-hiram lang pala ng gunting! Dapat si Ate ang bibigyan ng Magnum eh siya naman nakinabang. 'Nung natanggal 'yung chain..... Thank you, Lord! Freedom po! I love you! Araw ng kalayaan!

"A deal is a deal."

"Oo na, Darwin. Ito pera. Balik mo nalang mamaya 'yung sukli."

>>> Basketball Court <<<

"Ano? Musta 'yung chain niyo ni Tyson?" Massie.

"Taena mo."

"Uyyyy..... Hindi ako, I mean hindi kami. Bibilhan ka sana namin ng tubig kaso tinawag kami ni Tricia. Sabi niya open na daw 'yung Chain Booth tapos sabi niya ipapa-chain niya daw kayong dalawa ni Reil. Kaso sabi nila, bawal ang SSG officers kapag busy sila. Eh nagkataon na busy siya, kaya si Tyson nalang."

"Bwiset 'yun. Nakaka----"

"This song is dedicated to Sianne Dalia Dela Vega. I still love you. From Reil Billy Fuentabella."

And there I got stabbed in the heart a thousand times. I can't take this anymore. Ang sakit na! Sobra!

"Hey, okay ka lang?"

"Ahhh... Oo. Okay lang ako. As I was saying, nakakabad trip si Tyson."

Nakakabad trip nga talaga 'tong araw na 'to.

The Last Moment of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon