Chapter 50 - Watching the sunset

61 3 0
                                    

"Good morning po, tita." Kinakabahan ako dito. Actually, 5th time ko nang ma-meet ang mommmy ni Aya pero kabado pa rin ako eh. Na-cancel 'yung flight ni Aya sa New York, next week nalang daw kasi may inaayos pa sa papers niya.

"Good morning din sa'yo, hijo. Saglit lang ha? Ipapahanda kita ng juice at ng cookies. Manang Fe, patulong naman po ako." Niyakap ako ni tita. Akala ko galit siya sa akin 'nung last na nag-meet kami. Buti nalang hindi.

"Tita, ayos lang po ako."

"Reil, boyfriend ka ng anak ko kaya parang anak na rin kita. Malay mo in the near future kayo talaga ang destined sa isa't-isa." Kinikilig naman daw ako sa mga sinasabi ni tita.

"Salamat po, tita." Inabot niya sa akin ang juice at cookies at pinatong ko na,an jto sa table nila. Ang laki din ng bahay nina Aya, mayaman nga talaga.

"Wag nang tita. Mommy or mom or mama or ma nalang ang itawag mo sa akin." Bigla akong may narinig na footsteps sa hagdan nila at bigla naman akong tumayo at tumingin. Parang familiar yung face.... Ahh.... Oo nga pala ikakasal si Mama kay Papa. Daddy ni Francis si Papa kaya half brother na ni Aya si Francis. Haha. Excited lang?

"Good morning, Sir. Reil Billy Fuentabella po, boyfriend po ni Aya. Na-meet niyo na po ako 'nung Saturday, sir. Ako po yung pinakilala noon ni Aya. Nice to see you po, sir." Tuloy-tuloy kong sabi. Kinakabahan kasi ako. Pinat naman ni tito ang shoulder ko at ngumiti.

"Masyado kang pormal, hijo. Papa nalang ang itawag mo sa akin. Hinihintay mo ba si Aya? Sabi kasi niya pupunta daw kayo sa resort na pagmamay-ari ng family mo. Fuentabella, right?" Kinabahan naman daw ako kay Papa. 😀

"Ayyy... Opo, si-- papa."

"Kilala ko sila. Mahal, sina Cassandra naalala mo?" Ang sweet naman ng tawagan.

"Yes, mahal. In-invite ko din sila sa wedding. Actually, cord and veil silang dalawa ni Enrique." Napatingin ako sa may hagdan at nakita ko si Aya na parang kanina pa nakatayo doon.

"Good morning po." Lumapit siya kina Mama at Papa at sabay halik sa cheeks.

"Good morning, anak. Ingat doon ha? Four days lang. I love you. Reil, be a good boy. Alam mo na." Sabi ni Mama kay Aya at sa akin sabay hug sa aming dalawa ni Aya.

"Good morning din, anak. Listen to mommy ha? Reil, alagaan mo ang princess namin. Ikaw naman, Aya, seize the moment. Enjoy this moment with him, and I mean.... Enjoy. Not too much. I love you." Niyakap din kami ni Papa.

"Of course naman po, mama, papa. I love you din po!"

"Syempre po. Aalagaan ko po yung prinsesa niyo. Ingat din po kayo."

"Ingat sa pagmamaneho, hijo. Ihatid na namin kayo sa labas."

At lumabas kami kasama ang parents ni Aya. We all bid our goodbyes at pinagbuksan ko siya ng pintuan ng sasakyan ko.

"Ilang kilong asukal nilaklak mo? Reil ah. Kung hindi drugs, asukal. Ikaw ah." Bakit ba may tama 'tong girlfriend ko? 😍☺️ Na-iistress ako ah.

"Blueberry, wag ka namang ganyan. Gentleman lang talaga ako." Ngumanga lang siya at natawa.

"Ikaw? Gentleman? Sigurado ka ba dyan?" Tinalikuran ko siya at akmang aalis na sa at ipapaandar yung kotse ko, nang bigla niya akong binack hug. Sus. Magtatampo nga muna ako dito 😂

"Hindi ka naman mabiro eh. Alam ko namang gentleman ka." Wala. May pagka-sarcastic pa rin siya eh.

"Wala. Sarcastic pa rin." 😂

"Masyadong demanding! Oo na po. Gentleman ka na, kaya nga kita mahal eh." Humarap ako sa kanya and I hugged her. I'm so happy and lucky that I have her as my girlfriend. Mas sweet pa kasi kaysa sa akin.

"Well, I love you too, blueberry. Forever and for always." I kissed her forehead at pumasok na kami sa sasakyan.

"Blueberry, mind if I ask you something?" Gusto ko lang sanang malaman kung ano yung pangalan nung lalaki na naging crush niya bago ako. Curious lang.

"Yeah. No prob, G pen." She looked at me and waited for my question.

"Ano nga pala ang pangalan 'nung crush mo noon bago pa man ako?" Napatawa siya ng konti. Ano naman kaya ang nakakatawa sa tanong ko?

"Yiiieeeee!!! Selos siya! Ano ka ba?! Past is past, G pen. What matters to me now is that you and me are together and we'll live happily ever after." Imbes na ako yung bumabanat, siya yung bumabanat. Ako tuloy 'tong kinikilig ☺️

"I know, blueberry. It's just that I'm afraid to loose you and I'm uhhh..... Jealous. Even though you don't have any feelings for him anymore, I'm still jealous. But don't worry because I know that you really love me and you know that I love you more than you could ever imagine." She smiled at me and I held her hand.

"I love you too, G pen."

>>> 3 hours passed <<<

Makakarating sana kami ni Aya ng maaga dito sa Tagaytay pero naabutan kasi kami ng traffic. Tinignan ko si Aya who's happily playing in the pool. Lumapit siya sa akin at tumabi sa tabi ko.

"G pen, ba't hindi mo man lang ako samahan?" She asked with her pouty lips. Sheez. Ang cute talaga ng girlfriend ko. Pinisil ko ang pisngi niya at hinalikan iyon.

"Sige na po. Sasama na po ako." Tumayo na kaming dalawa at naglaro na sa pool. Binack hug ko siya at ipinatong ang ulo ko sa shoulder niya.

"Reil, malapit na ang alis ko. Sigurado ka ba na itutuloy natin ang Long Distance Relationship?"

"Aya, kaya natin 'to. Mahal kita, mahal mo ako. Why should we ruin our relationship just because of the distance between us? Aya, ilang years lang 'to. Kakayanin natin 'to."

"I love you, Reil. Forever and for always."

"I love you too, Aya. Forever and for always."

"Look at the sunset. It's amazing and beautiful."

"Not as beautiful as you." And there I watched the sunset with the girl I truly loved.

----------------------

Ano guys? Musta na ang lovelife? Charot! Haha. Kakakilig naman sina Aya at Reil noh? Ayiieee!! Sorry for the late update! Busy masyado si author 😂 Kakatapos lang po kasi ng final exams namin. Don't worry po, promise na po talaga. Magiging madalas na po ang update ko 😃😃 I love you all! Keep supporting po! 😍

------ Purplebaby 😘

The Last Moment of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon