Chapter 7 - Visitor?!

146 3 0
                                    

Ang boring naman ng buhay ko.... Andito lang kasi ako sa Gingrich Zandre Tree na naka-tingin kay Bea at EJ na nagkukulitan sa lobby. Remember Bea kahapon? Yes, girlfriend siya ni EJ Lopez na Grade 10-Lamarck.

Buti pa sila ang sweet samantalang ako napaka-bitter na nga, nag-iisa at na---

"Hoy! Ako nanaman ang iniisip mo dyan! Ang gwapo ko talaga!"

T-teka.... Si Gio ba 'yung nag-salita? Impossible. Nasa Riverdale siya ngayon! Tinignan ko 'yung napaka-hambog na sumigaw at si.... Gio nga!

"Gio?! Napaka-hambog mo pa rin!"

"Wow! 'Yan talaga ang pambati mo sa akin ah!"

"I missed you!"

"Yeah. Yeah. Miss din kita."

"Awwww...... Ang tagal mong hindi dumalaw sa akin ah."

"Don't be so melodramatic! It's so creepin' me out!"

"I'm not being melodramatic! I'm stating the truth!"

"Okay. Eto nga pala oh! Pinapadala nina Trixie, Leryl at Nuelle. Miss na miss ka na daw 'nung mga bespren mo!"

"Graham? Yehey! My favorite! Sakto! Hindi pa ako nakakakain! Well, bakit ka pala nandito?"

Si Gio Peralta ang so-called "Kuya" ko. Siya 'yung inaasar sa akin ni Leryl noong nag-usap kami. Crush ko daw 'yan. Sa pangit niyang 'yan?! Dejk. May itsura naman ng kahit konti lang.

"Wala kasi kaming pasok ngayon at saktong pinapunta ako ni Nuelle sa bahay nila tapos nandun sina Leryl, Trixie, Ethan, Marwin, DJ, at si Jade. Sabi ko sa kanila dadalawin kita, hindi kasi sila nakasama kasi umuwi ng maaga 'yung iba, si Nuelle naman hindi siya pinayagan ni Tito Fred."

"Ganun ba? Well, kapag may pasok na kayo bukas.... Sabihin mo sa kanila, miss na miss ko na sila ng sobra-sobra."

"Pati si Matt? Gusto mo text ko siya ngayon?"

"Baliw! Bakit mamimiss ko ngarud 'yung baboy na mukhang isda na 'yun?"

"Ha? Kelan pa naging mukhang isda ang baboy?"

"Simula 'nung nag-exist si Matt sa mundong 'to!"

"Baliw ka pa din! Musta na 'yung crush mong snob? Pangit pa rin? Hahaha!! Joke!"

"Huy! Hindi pangit at snob si crush ah!"

"Weh? Pinagtatanggol mo lang naman siya. Sabi ni Kuya Darwin umiiyak ka nga daw nung minsan dahil sa kanya eh! Nasaan siya at nang maupakan ko?!" Hay. Simula nung naging so-called "Kuya" ko siya napaka-over protective ng asungot n 'yan. 😂

"Daldalero talaga yung uguk na 'yun. Nakakainis! Makapag-daldal wagas! Huy! Hindi ko siya pinagtatanggol! Sinasbi ko lang!"

"Anyare kasi sa inyong dalawa? Naging close na ba kayo? Pinansin ka na ba niya? Ano? Tell me! Huy!" Kabaliwan nga naman. 😣

"Minsan lang kami nag-usap."

"Kelan naman?"

"Kahapon during our badminton training. Ang caring pa nga niya kahapon eh. Gusto ko nga ganun nalang kami palagi."

"Hay nako, Aya. Aasa ka nanaman tapos masasaktan ka? Alam mo namang mahina 'yan eh."

"Minsan ko lang naman maranasan ang ganito, kuya. Ngayon lang. Kaya sana hayaan mo akong mag-decide for myself."

"I just don't want seeing you getting hurt, Aya. Alam mo naman 'yun diba?"

"I know, I know. But, please just let me."

"Basta wag mo lang hahayaan ang puso mo na masaktan, Aya. Mahina kasi 'yan eh."

"Hoy! Hoy! Bawal ang outsider dito! Nag-paalam ka ba kay Ma'am Grande?!"

Panira talaga si Kuya Tyson! Ang sarap batukan! Alam na nga lang na may nag-uusap kailangan pa talagang sirain eh! Sirain ko pa pagmumukha ng hito na 'to!

"Aya, sino 'yang mukhang hito na 'yan?"

"Si Kuya Tyson."

"Siya ba 'yung hito na kinukwento mo?"

"Yes."

"Hoy! Aya, nag-paalam ba 'yan kay Ma'am?"

"Kaya nga may visitor's pass eh diba? Paano ko ngarud siya makaka-usap kung walang visitor's pass?"

"Reil! May visitor's pass naman pala eh!"

Reil nanaman? Taena naman oh! Reil nanaman ang nandito! Ano ba ang problema ni tadhana kay Reil?

"Ha? Bakit si Reil?" Me.

"Siya ang nakakita dyan sa bisita mo." Tyson.

"Oh tapos?" Me.

"Sinumbong niya sa akin. Masama na ba ng pag-susumbong sa akin ngayon, Aya Nathalie Castañeda?" Tyson.

"Wala naman akong sinasabi na masama ang pag-susumbong Tyson Dominguez. What I mean is that, sana nilapitan nalang niya kami para matanong kung nakapag-paalam ba ang bisita ko kay Ma'am. Imbes na nag-uusap kasi kami dito ng matino ng bisita ko eh sinira niyong dalawa." Me.

"Bakit? Boyfriend mo?" Tyson.

"Bakit kasi kung binibisita ko lang yung girlfriend ko? Namimiss ko na ngarud siya." The look on their faces when Gio said it. It was priceless!

"Girlfriend mo siya?!" Reil.

"You got a problem with that?" Hahahaha!!!

"Wala. Girlfriend mo naman pala eh! Hindi mo naman kasi nililinaw!" Tyson.

"Masyadong seryoso? Joke lang yun hahaha!!! Kung nakita niyo lang sana yung mga mukha niyo! It was priceless hahaha!!" At sumama ang tingin ni Tyson kay Gio.

"Bahala na nga lang kayo dyan! Halika na, Reil! Iwan na natin silang dalawa! Pabayaan mo na kasi!"

At umalis sina Tyson at Reil. Kaloka talaga 'yung mga kumag na 'yun!

"Akala ko 'yung Tyson na 'yun ang crush mo."

"Shete! Kadiri! Itsura nyang yun? Hahaha!!! Pero mabait siya.... Ang kaso nga lang hindi ko siya gusto! Pasensya siya!" At nagtawanan kaming dalawa ni Gio.

"Well, kung sabagay hindi ka nga talaga magkaka-gusto sa kanya."

"Buti naman at alam mo. Kung hindi, humanda ka sa akin! Sasabihin ko kay Lyca na crush mo siya!"

Si Lyca kasi yung kaklase namin noon na nagkakandarapa kay Gio. Crush na crush niya si Gio eh eto namang si Gio susme! Ayaw niya kay Lyca kasi daw mukhang siyang Africana na pinadala dito sa Pilipinas para magpaganda daw sa kanya. Sabi pa nga ni Gio kahit daw i-magic siya eh hindi daw tatalab haha!!

"Kadiri ka! Nasapian ka ba? Susme! Mag-hunos dili ka naman dyan! Atsaka, kilala talaga kita noh!"

"Weh? Di nga?"

"I know you too well, dear sister."

"Weh?"

"Oo nga eh."

"Then, prove it."

"Favorite band, 5sos and One Direction. Favorite song, Steal My Girl and Half a Heart. All-time favorite movie, When in Rome. Favorite ice cream flavor, Cookies n' cream. Favo---"

"Okay. I heard enough. You know me too well, dear brother."

"Told ya."

"I missed this."

"Me too."

Na-miss ko ang mga times na kasama ko siya at nag-aasaran kami, nag-tatawanan, nagkwekwentuhan....... I missed the old times. Balik nalang kaya ako sa Riverdale? Dejk. Bakit naman ako babalik doon? Mamimiss ko ang mga nandito. Pero, kahit ang mga naiwan ko sa Riverdale namimiss ko din.

The Last Moment of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon