Third Person's POV
Hayysss.... Pag-ibig nga naman. Ang daming natatamaan nang dahil lang dyan. Kapag natamaan ka, wala ka nang takas. Si kupido ang may desisyon nyan kaya wag ka nang gumawa ng plano para hindi ka tamaan ni kupido o 'di kaya'y takasan siya. Ganyan naman talaga diba?
"Huy. Tulala ka dyan. Naintindihan mo ba 'yung discussion ni Ma'am Fajardo kanina?" Dave.
Eto kasing si Reil... Tsk. Parang tanga na nakatulala lang sa isang tabi at parang nababaliw. Huy, Reil! Gising gising din pag may time! Wag lang puro tulala dyan.
"Ha? Anong sabi mo?" Reil.
Hay naku po, Reil! May tama ka ba ngayong araw na 'to? Ano ba ang kinain mo? O baka naman hindi ka kumain kaya ka ganyan. Pasensya nalang kay Reil. Medyo nabaliw lang, kakalabas kasi sa mental. Joke!
"Sabi ko, bakit ka nakatulala dyan?" Dave.
"Gusto ko siyang iwasan." Reil.
"And by you mean "siya" eh si "siya"? Si "siya" na a---" Dave.
"Uh-huh." Reil.
"You already told her to wait. Pero sinabi mo ba kung ano ang dahilan?"
"Di mas lalong magiging complicated."
"In what way?"
"Magtataka siya, Dave. Bakit ko sasabihin sa kanya yun?"
"Sige. Ikaw naman ang may desisyon nyan eh hindi ako."
"Pero, Dave nahihirapan na ako eh. Parang ang hirap nang lumayo sa kanya."
"I think it's for the best. Diba ayaw mo siyang masaktan kapag nalaman niya na may nililigawan ka nang bago at may nararamdaman ka na talaga para sa kanya." Dave.
"Pero, parang may part sa sarili ko na ayaw siyang layuan." Reil.
Natahimik silang dalawa. Anyare kay Dave? Words of wisdom lang kanina ah. Tapos ngayon, tulaley ang peg ni Dave. Palit nga tayo ng pwesto Dave! Akong kakausap dyan sa kaibigan mo! Joke lang! Ikaw nalang pala.
"Reil, alam mo ang nararamdaman niya para sa'yo. Hindi ba napaka-unfair mo na kapag nilalapitan mo pa rin siya na parang pinaparamdam mo sa kanya na special siya tapos may nililigawan ka pa. Naging unfair ka na sa kanya 'nung nalaman mo na crush ka niya tapos sinasakyan mo pa 'yung pang-aasar namin sa kanya noon. Nasasaktan din siya, Reil. At kahit sa gagawin mong ito, masasaktan din siya." Dave.
"Ayaw kong wala kaming communication, Dave! Ayaw ko siyang magalit sa akin! Nalilito ako! Hindi ko alam kung ano ang susundin ko!" Reil.
"Damn it, Reil! Wag mo munang isipin ang sarili mo! Isipin mo muna kung ano ang mararamdaman ni Aya! You don't even know what she feels!" Dave.
Kung alam mo lang Reil kung ano ang nararamdaman ni Aya. Hindi mo kasi alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ni Aya.
"Maybe you're right, Dave. Hindi ko nga talaga alam ang nararamdaman niya. All I care about is myself. Ni hindi ko man lang inisip si Aya." Reil
"I think you should to talk to her." Dave.
Hindi na nag-dalawang isip pa si Reil kaya lumabas siya ng classroom nila at pumunta sa Gingrich Hidden Garden. 'Yun kasi ang place na palaging pinupuntahan ni Aya tuwing lunch nila.
"Thank God. She's here. Aya!" Reil.
Lumingon si Aya kung saan nanggaling 'yung boses and she was surprised. Pero kahit nasurpresa siya sa pagdating ni Reil, she waved hi and kept her face because she was blushing. Hayyysss...... Kayo na may lovelife. Tss. Kinikilig nanaman.
"Ummm.... Aya? Can we talk?" Reil.
"Yeah. No prob. Tungkol ba ito doon sa kahapon? Reil, what do you mean by that?" Aya.
"I'm sorry. I truly am. Sana maintindihan mo ako, Aya. Ayoko nang masaktan ka pa." Reil.
"Please tell me why are you saying sorry to me! " Aya.
"Just please, Aya. Please. Let me think."
"Think about what? Akala ko ba friends na tayo?"
"Akala ko rin, Aya."
"Reil, what do you mean?"
"Goodbye." Reil.
And with that he left Aya confused.
"Mas maganda siguro kung hindi nalang alam ni Aya kung ano ang dahilan." - Reil thought.
Sana nga Reil. Sana maintindihan ni Aya kung bakit mo 'to gagawin. Hayyysss...... Bakit ba ganito ang love? Susme. Napaka-complicated. It makes you go like so much katangahan.
BINABASA MO ANG
The Last Moment of Us
ChickLit"And when I held your hand, I swear, I felt like you were the one for me. Like we were meant to be, destined to meet each other and fall in love together. I love you, Aya." His words that made me feel so loved and protected. I couldn't ask for more.