Chapter 26 - Wrong Expectation

106 2 0
                                    

Lord! Salamat po at natapos rin ng exams namin! Yes! Pwede ko nang mahawakan ang aking precious IPad! Yes! Makakapagbasa na ako sa Wattpad! Hayyy..... Thank you po talaga, Lord!

"Huy! Tara! Libutin natin 'yung Gingrich." Tricia.

"Sige ba."

Naglakad-lakad kami sa Gingrich Highschool Building at natapat sa classroom ng St. Bernadette. Nakita namin si Ma'am Sarmiento at ngumiti kami.

"Hi, Ma'am." Me and Tricia.

"Hello. Aya, nabalitaan mo na 'yung kay Reil?"

"Ma'am?"

Alam kasi ni Ma'am na crush ko si Reil. Haha. Medyo close kasi kami.

"May nililigawan siya. Taga-Eastern Oakridge High. Hindi ko nga gusto para sa kanya eh. Mas gusto pa kita para sa kanya."

BAM! There goes my heart! Shattered into pieces again. And I don't know if it's going to go back into it's original shape again. I felt tears forming into my eyes. Jusko! Aya, wag kang iiyak dito. Don't you dare cry here. Blink back your tears. Blink back your tears.

"Si Ma'am talaga. Masyado pa po akong bata para dyan."

"Hala kayo, Ma'am. Pinapaiyak niyo." Tricia.

"Sus. Ma'am, wag niyo siyang paniwalaan. Sige po, Ma'am. Una na po kami ni Tricia. Bye, Ma'am."

Niyakap ako ni Ma'am at ngumiti naman ako. Fake smile actually. Masakit eh. Nadurog siya. Durog na durog. Pumunta kami ni Tricia sa chapel at doon na ako napaiyak. Ano ba ang ginawa ko? Bakit ang sakit?

Sinabi ko na kasi sa'yo na wag kang umasa, diba?

Sinubukan ko namang hindi umasa eh.

"Iiyak mo lang 'yan, Aya. Let it out."

"Ang sakit, Tricia."

Gumuho na ang mundo ko.

Aya, hindi siya ang mundo mo. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Wag ka ngang mag-drama dyan.

Bakit ganun? Siya ang una kong pinakamasaklap na heartbreak.

Kasi sa kanya mo lang ipinadama ang salitang SOBRA AT TOTOONG PAGMAMAHAL kaya ka nasasaktan ngayon. Sinabi na kasing mag-tira ka ng pagmamahal para sa sarili mo eh. Anong ginawa mo? Hindi ka nakinig.

Masama bang magmahal ng totoo at sobra?

Totoo? Ang totoong pagmamahal, ibibigay mo lang 'yan doon sa taong nararapat at susuklian ka din niya gaya ng totoong pagmamahal na ibinigay mo sa kanya. Sobra? Ang sobrang pagmamahal, 'yan dapat ang kay THE ONE. Ibinibigay 'yan sa taong nararapat din at sobra din ang pagmamahal sa'yo. Kapag nagmahal ka ng totoo at sobra siguraduhin mo na siya na talaga iyon at mag-tira ka ng pagmamahal para sa sarili mo. Magtira ka ng para sa sarili mo dahil sa huli, 'yan lang din talaga ang tunay na mag-mamahal sa'yo.

"Aya, one tip. He's not woth your tears. Hindi siya ang lalaki na nararapat mong pinagbubuhusan ng iyak. Tama na. Tahan na."

"Tricia, ayoko na. Suko na ako."

"Ikaw bahala, Aya. Alam kong maraming beses mo na siyang pinaglaban at ni minsan hindi ka man lang niya pinaglaban."

"Bakit naman niya ako ipaglalaban? Ano ba kami? Diba nga walang kami?"

"Aya. Stop that. Wag mong kaawaan ang sarili mo."

"Ang tanga ko kasi eh. Ang tanga-tanga ko. Ako pa 'tong umasa. Tanga na nga. Umasa pa. Alam ko na nga lang na wala akong pag-asa sa kanya kaso eto...... SOBRANG TANGA ko pa rin. Nagpapakamartir ako. Kunwari masaya 'yun pala deep imside nasasaktan na. Durog na durog na ang puso."

"Hindi ka tanga. Hindi ka tanga. Nag-mahal ka lang ng isang tao na hindi sinuklian ang pagmamahal mo. Tama na, Aya. Be strong. Wag ka nang umiyak."

"Itutuloy ko na talaga 'yung desisyon ko. Tama sina Tiara. Para sa akin 'tong gagawin ko. Itutuloy ko na talaga."

"Ha? Aya? Anong itutuloy? Anong desisyon?"

"Kailangan kong ituloy, Tricia. Gusto ko nang makalayo kay Reil! Ayoko muna siyang alalahanin! Kailangan ko na talagang ituloy. Kaialngan kong sabihin kay Lolo Rodrigo na itutuloy ko na."

"Ha? Bakit? Anong itutuloy mo, Aya? Bakit si Uncle Rodrigo?"

"Pasensya na, Tricia. Malalaman mo rin sa tamang panahon. For now, hindi pa. Basta kailangan kong ituloy. Kailang ko nang asdfghjkl zxcvbnm."

"Anong sinasabi mo?"

"Sorry. Bye na, Tricia. Thanks for comforting me."

Niyakap ko siya at umalis sa chapel. Hindi mo muna ito kailangang malaman, Tricia. Sorry. Tama nga sina Tiara kahapon, dapat kong isipin ang sarili ko kaysa sa LOVE na 'yan. Kailangan kong mag-move on na kay Reil.

The Last Moment of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon