Chapter 10 - The Break-up News!

119 2 0
                                    

Weeks passed at dumating na rin ang competition namin para sa Buwan ng Wika. Mag-kakalaban ang mga Grade 9 and Grade 10 at ang Grade 7 and 8 naman ang magkakalaban. Huhubells! Kalaban ko si crush!

"Uyyyy...... Aya! May nabalitaan ako!"

Grabe! Parang nasa kabilang bundok lang ako kung maka-sigaw 'tong si Drianna! Dinig na dinig hanggang elementary department!

"Ano naman 'yun?"

"Break na daw si Sianne at si labidabs mo."

"Sinong labidabs? Diba iyon 'yung ginagamit kapag nalulunod ka, labidabs!"

"Corny mo! Atsaka hindi 'yun labidabs! Salbabida 'yun, boplaks."

"Sorry. Sino ba kasi?"

"Si Reil at Sianne break na. Sabi nga ni Kurt nag-GM dawsa kanya si Reil, sabi daw "Trying to forget someone you love like trying to remember someone you've never met." May pinaghuhugutan si Kuya! Tapos binura na rin daw ni Sianne lahat ng pictures nila ni Reil."

My mouth dropped. What? They broke up? Why?

"Ha? Bakit naman daw?"

"Yiiieeee!!! Gustong-gusto mo naman!"

"Huy! Hindi ah! Hindi porket nag-break sila eh kailangan ko nang mag-saya! Mahal pa rin niya si Sianne kahit nag-break na sila noh! Atsaka kahit anong mangyari, hinding-hindi ako magiging masaya dahil nag-break sila! Ano ako? Tanga?"

"Alam ko naman 'yun eh."

"Alam mo naman pala."

"Nakita ko pala siya kanina. Mukha siyang matamlay para nga siyang lantang gulay eh. Naaawa ako."

"Bakit kaya sila nag-break? Mukhang maganda naman ang takbo ng relationship nila, right?"

"I dunno. When I opened my FB account last night, tinignan ko 'yung FB account ni Sianne. Then, I started to search for pictures na kasama niya si Reil pero dinelete niya na eh. Pati nga profile pic niya, siya nalang mag-isa. Dati silang dalawa ni Reil 'yun eh."

"Nanghihinayang ako sa relationship nila. I feel bad for Sianne and Reil."

"Reil! Ano ba!? Mag-hintay ka naman! Dahan-dahan lang!"

Nakita ko si Dave na hinahabol si Reil dahil mukhang nag-mamadali si Reil. Naka-poker face ang mukha ni Reil at halatang nag-aalala si Dave kay Reil.

"Reil! Reil! Pare! Saglit lang!"

"Dave! Saglit!"

Tumakbo na si Reil at tumigil naman si Dave para kausapin kami.

"Bakit si Reil?"

"Hindi mo ba alam?"

"Ano?"

"Break na sila ni Sianne."

"Sabi sa'yo eh."

"Bakit daw?"

"Sorry, Aya. Ayaw ipasabi ni Reil ang dahilan eh. Pero, kanina pa siya tahimik sa room. Minsan lang mag-sasalita tapos matamlay siya. Halos ayaw na ngang gumalaw eh. Problemadong-problemado siya."

"Sige, Dave. Sundan mo na siya. Baka kung ano pa ang gawin niya sa sarili niya eh."

Umalis si Dave at ako eto..... Nag-sisink in palang lahat ng sinabi sa akin ni Drianna at ni Dave.

"Mahal mo talaga siya noh? Kahit gaano ka pa masaktan basta para lang sa kanya. Kahit alam mong iba ang mahal niya. At ngayon, nasasaktan ka dahil nasasaktan din siya. Paano mo nakakayanan ang lahat ng 'to, Aya?"

"Sa totoo lang, hindi ko din alam. Siguro nagpapakatanga lang talaga ako."

>>> At the Gym <<<

Eto na! Magsisimula na 'yung program! At eto ako ngayon nakatingin kay Reil na parang naiiyak na hindi maipinta ang mukha. Halata nga na heartbroken siya.

"Friend, look at Reil oh! He seems to be heartbroken!" Tiara.

"Kaya nga. Anyare? Binasted mo siguro noh?" Lexie.

"Or.... You didn't respond in his text to you." Massie.

"Baliw! Break na sila ni Sianne, kaya ganyan itsura niya."

"Oh!"

"My!"

"Gosh!"

"Are you serious!?"

"Mukha ba akong nag-bibiro?"

"Shete! Seryoso ka ba?"

"Taena. Hindi nga ako nag-bibiro eh!"

"Aya, that's not a joke."

"Tanong niyo pa kasi sa kanya. Nag-break na nga sila!"

"You know guys, I guess Aya's right. I mean, look at him. He's not like that."

"Tiara, hindi natin alam ang reason kung bakit."

"Break na nga kasi sila. Kahapon sila nag-break."

Biglang nanlaki ang mga mata nila at tinignan ko 'yung nasa likod ko.... Shete! Si....

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Reil!

Dejk. Si Darwin lang naman. Masyado naman ako kung maka-react wagas!

"Oo, break na sila. Ang kulit!" Darwin.

"Hay nako! MMJ!" Tiara.

"Anong MMJ?"

"Mimijoin! Slow!"

"So ako p---"

"Chill! Easy!"

"So break na nga sila?"

"Yes. Kahapon lang nga eh."

At nag-kwentuhan sila. Break na sila? Bakit naman? Hindi pa rin talaga mawala sa isip ko na break na sila.

The Last Moment of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon