Chapter 16 - He's going in Baguio?! | Kulitan Moment

107 2 0
                                    

Hayyy.... Tapos na ang Intramurals. Nakakalungkot :( Pero masaya naman 'yung last day diba? Kinilig pa nga ko doon eh. As in super!

"Aya, have you heard the news?" Tiara.

"Na ano? Naging kamukha na ni Vice Ganda si Angelina Jolie?"

"Baliw! Hindi! Pupunta ang Picasso class sa Baguio ngayon! Retreat nila!" Lexie.

"Say what?"

"Aalis si Reil!"

"He's going in Baguio?!"

"Ay hindi! He's going in Hollywood siguro." Massie

"Bakit hindi ako na-inform ni Darwin dyan?"

"Kasi ayokong mag-wala ka sa bahay kapag nalaman mong aalis kami ngayon." Darwin.

"Darwin, bakit? Bakit hindi mo sinabi sa akin?! Eh 'di sana pina-extend ko 'yung chain namin kahapon! Darwin naman eh!"

"Sabi ko na nga ba eh. Magwawala ka! 2 days and 1 night lang naman kami mawawala!"

"2 days?! 2 days?! Hindi mo ba alam na parang mawawalan ako ng buhay sa 2 days na 'yun?! Huhuhuhuhu......."

Aalis sila ngayon! 2 days siyang mawawala! Ano na ang mangyayari sa akin?!

"Tumigil ka nga dyan! 2 days lang! Hindi 2 decades!"

"Basta pasalubong ko!"

"Ang takaw mo talaga!"

"Pasalubong lang!"

"Kami din Darwin ah! Pasalubong namin!"

"Oo na! Pasalamat kayo at mahal ko kayo!"

"Ingat ka! Baka mawala ka sa Baguio!"

Sinamahan namin siya sa lobby at nakita ko si Mommy Samantha na nag-aayos ng buhok niya. Linapitan ko siya at niyakap.

"Mommy, maganda ka na. Pasalubong ah."

"Binola mo na nga ako, nanghingi ka pa ng pasalubong!"

"I love you, mommy. Take care."

"Alagaan mo ang tatay mo. 2 days akong mawawala."

"Basta may pasalubong."

"Syempre naman, anak. Ingat ka."

"Ikaw din, mommy."

"Awww.... Ang mag-ina ko."

Feel na feel ni Dadeeehhhyyy debaaahhh?! Mag-ina talaga! Push mo 'yan, Dadeeehhhyyy! Kaya mo 'yan! Lakas ng trip niya eh.

"Feel na feel mo naman."

"Ingat ka, papakasalan pa kita."

Sila na sweet. Inggit ako. Kung pwede lang kasing sabihin 'yan kay Reil, matagal ko ng sinabi eh. Kaso hindi pwede. Ako 'yung babae tapos sasabihan ko siya ng ganun? Weird.

"May nilalanggam!" Melissa.

"Ayyyiiiieee!! Ang sweet!" Jane.

"Wag kang mag-alala, Martin. Aalagaan namin si Samantha para sa'yo." Darwin.

"Para maikasal pa kayo." Dave.

At nag-tawanan kami sa sinabi nila. Biglang dumating si Reil at napatalikod nalang ako.

"Basta ingat ka mommy ah."

"Eh si Reil? Wala ka bang sasabihin sa kanya?" Dave.

"Hindi mo man lang ba sasabihan ng take care, 'cause I care?" Tyson.

"Hindi mo ba ireremind na wag siyang lumingon sa ibang babae habang nasa Baguio siya?" Jane.

"O baka naman nag-LQ kayo kaya ganyan? Walang imikan." Darwin.

"O baka naman nakapag-usap na kayo 'nung na-chain kayong dalawa?" Melissa.

Bakit kaya ganito ang mga sinasabi nila? Parang nababaliw! Close ba kami para sabihan ko siya na mag-ingat siya?

"Kaya nga. Wala ka bang sasabihin sa akin?"

Taena mo! Saluhan mo lang sila sa pang-aasar sa akin. Ipagpatuloy mo 'yan! Para mapahiya lang ako! Kakainis na siya ah! Ang sarap nang ingud-ngud sa pader! Banas 'to!

"Have a safe trip, EVERYONE! Mag-iingat KAYONG LAHAT. 'Yung pasalubong ko ah, wag NIYONG kakalimutan. Enjoy the trip! Balik din KAYO dito bukas! Babye! Mamimiss ko KAYONG LAHAT! Lalo na 'yung PINSAN ko."

Inemphasize ko lang naman kasi para malaman niya na hindi lang siya ang mamimiss ko! Pero, siya lang naman ang sobra kong mamimiss eh.

"IKAW din. Mag-iingat KA palagi. Take care of YOURSELF. Mawawala AKO ng 2 days. Baka magwala KA dyan." Reil.

"Wag KA naman masyadong MAHANGIN. Hindi naman AKO magwawala. Masyadong KANG exagge!"

"Oh! Tumigil na KAYONG DALAWA dyan. Mamaya, mag-LQ pa kayo eh." Dave.

"Hmph! Umalis ka na nga lang, Dave. Hahaha!! Joke lang!"

At tinawanan nila kami. Pinat ni Dave 'yung ulo ko. Hindi naman siguro ako aso, Dave. Lumapit sa akin si Reil at....

"Hindi ko kakalimutan 'yung pasalubong mo."

"Che! Mauna ka na ngang lumayas! Alis na!"

"Grabe, kung makapag-paalis wagas!"

"Yeah. Wagas talaga. Kaya umalis ka na. Sige na. Babye."

"Mamimiss mo ako noh? Ikaw talaga. Wag ka ngang mag-alala. Ako rin naman eh. Mamimiss kita."

At bigla ba naman akong kinindatan ng loko. Wag kang ganyan, Reil! Kinikilig ako. Hihihi :''>

"Grabe! Ang hangin!"

"Umamin ka na kasi."

"Anong aaminin ko?"

"Na mamimiss mo ako. Sige na."

"Gosh! Ang lamig! Alam mo, kapag pumunta ka sa Baguio, mas lalong lalamig."

"Sige na nga. Aalis na ako. Bye, Aya."

Bago siya umalis, nag-bigay siya sa akin ng folded paper at sumakay sa bus. Tinignan ko 'yung folded paper and I read it.

"Thanks for the great time noong last day of Intramurals. Kahit naiilang ka, you tried your best to be comfortable around me. Sobrang thank you talaga. :) - Reil"

Kaya pala kinukulit ako eh. Pero, kinikilig ako :"> Ang sweet mo talaga, crush.

The Last Moment of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon