Chapter 18 - Asaran with Tyson | Weird Look

92 2 0
                                    

Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala sa isipan ko si Christella.

Jusme! Aya, tantanan mo na 'yang kakaisip mo dyan! Hindi mo tuloy na-enjoy ang kwentuhan niyo nina Tita Jade at ang mom mo!

Hindi lang talaga siya mawala sa isip ko, subconscious.

"Aya! Good morning!" Lexie.

"Good morning."

"Problem?"

"Wala."

"Weh? Di nga? Alam ko na may problema ka."

"Eh di hulaan mo kung ano. Hahaha. Alam mo naman pala na meron di malalaman mo rin kung ano."

At bigla ba naman niya akong sinapak. Hahaha. HB much?

"Hmph. Bahala ka nga sa buhay mo."

"Syempre joke lang yun, bes. Ito naman di mabiro."

"Whatever. Hinahanap ka pala ni Darwin kahapon. Sabi ko umuwi ka na."

Hala. Ba't naman ako hahanapin ni insan? Hindi niya man lang ako naisipang itext o kaya tawagan man lang.

"Ahhh.... Bakit daw?"

"Hindi naman niya sinabi. Pero, look oh! Pinapabigay ni Dustin. Pasalubong daw niya sa'yo."

"Ang bait naman ni Dustin."

"Hindi katul---"

"Lexie! Tawag ka ni Ma'am Guevarra!"

"Nandyan na po!"

Umalis si Lexie at dumating si Massie.

"Hi, Aya."

"Hello."

"Ikaw ah! Ang dami mong utang sa akin!"

"Utang?"

"Utang na kwento! Anong nangyari doon sa chain niyo ni Cupcake?"

Yup. Cupcake ang codename naming dalawa ni Massie kay Reil. Ang codename naman namin ni Lexie ay Flirt. Kami naman ni Tiara ay Puppy. Weird, right?

"Wala. Nanuod lang naman kami ng soccer. 'Yun lang."

"Yun lang? Sigurado kang yun lang o meron pa?"

"Pumunta lang naman kami sa canteen, bumili ng tubig, naglakad, huminga, pumikit hahaha. Yun lang. Nothing special."

"Sus. Nothing special ka dyan. If I know sobrang kilig ka na nung na-chain kayo eh. Hahaha. Pulang-pula ka kaya nung tinawag ka ni Kuya Reil. Ayiiee."

Seriously? Tinawag ako ni Reil? Shete fudge! Paano kaya ang pagtawag niya sa akin?


"Oo tinawag ka nya, fren. Sabi pa nga niya eh, "Aya! Wait up!" Hihihi. Kilig much! With tumatakbo effect pa yun ah."

"Ayy o? Talaga? Hahaha. Stressing. Na-iimagine ko palang ngay kinikilig na ako. Ayy. Scratch that galit pala ako sa kumag na yun."

"Huh? Baliw ka talaga. Eh how about 'yung doon sa Kulitan Moment niyo? Hindi kasi ma-ikwento ng matino nina Tiara at Lexie eh. Tawa sila ng tawa tas kinikilig pa silang dalawa. Ang naintindihan ko nga lang eh yung part na may binigay daw si Reil sayo na folded paper eh."

"Anyare sa'yo, Massie? Akala ko mahinhin ka?"

"Let's say na may sumapi sa akin na unting spirit mo kaya ako ganito."

"Hayyysss..... Nag-kukulitan lang naman kami eh. Inaasar ko siya ng mahan----"

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Aya!"

Tumingin kami ni Massie sa door at nakita namin si Darwin kasama si...... REIL. Why o' why?

"Ang aga mo namang umuwi kahapon, cous. May ibibigay pa sana si Reil."

"Sorry. Nakita ko agad yung sundo ko kaya umuwi na ako."

"Anyways, ito na pala 'yung pasalubong mo." Reil.

"Ahhh... Thanks. Paki-sabi nalang din kay Dustin na thank you sa pasalubong."

"Okay. You're welcome."

"Sino pala si Christella?"

Shoot! Aya naman eh! Bakit?! Bakit mo tinanong?! Are you nuts?! Ang tanga mo naman eh! Imbes na hindi na magkagulo eh tinanong mo pa! Bigla siyang napatingin sa akin at parang nagtataka siya kung bakit yun ang tanong ko.

"Christella sa Newton? Ahhh.... Pinsan ko 'yun. Bakit?"

Pinsan lang naman pala. Akala ko kung ano na! Kainis ah! Pinagpuyatan ko rin 'yang si Christella!

"Ahhh..... Wala. Thank you ulit."

"Wala ba talaga?" Sabat ni Darwin.

"Oo nga eh wala. Hahaha. Pero seriously, salamat dito."

"Welcome." And he smiled at me before they left our room.

Ayyyyyiiiiiiieeeeeee!!!!!! May pasalubong si crush sa akin! Friends na kaya kami? Sana nga! :">

>>> At the Faculty Extension <<<

"Hoy! Ang ingay mo, Aya." Tyson.

"Wow. Ako pa talaga ang maingay. Ikaw nga 'tong tawa ng tawa eh."

"Ikaw kaya. Magising dyan si Ma'am Fajardo ah."

"Che! Papansin."

Nandito kasi kami sa Faculty Extension. Kasama ko sina Tricia, mag-memeeting kami para sa Living Rosary. October Month na kasi eh. Sakto, nandito din sina Tyson, Reil at iba pa. Kakausapin din sila ni Sir Castro para sa Math Festival.

"Hay nako! Ang ingay mo, Tyson." Ma'am Fajardo.

Tumayo na si Ma'am Fajardo at pumasok sa Faculty Room. Binelatan ko si Tyson at tumawa.

"Kasi ang ingay 'nung isa dyan."

"Mas maingay ka."

"Mas maingay ka ah. Ikaw pinagalitan ni Ma'am Fajardo."

"Wala. Hindi ka lang kilala ni Ma'am."

"Baliw. Teacher namin siya ng Biology."

Tapos napatingin ako kay Reil. Bakit kaya ito? Ang sama ng tingin kay Tyson. Parang makakapatay ng tao 'yung tingin niya. Weird.

The Last Moment of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon