"Aya! Mamimiss kita! Naiiyak na ako! Anubayan! Hindi naman ako ganito eh. Pero, wala akong magagawa.... Aalis ka na kasi. Kainis ka! Ingatan mo sarili mo doon. Wala na kami para alagaan ka, wala na si Reil para alagaan ka. Just stating the truth here. Pero, wag ka nang malungkot. Andito pa naman siya para mahalin ka. Basta, I love you very much and I hope bumalik ka dito as soon as possible. I'll miss you so much, Ayalabells." Speech ni Tricia dito sa airport. Yup. Aalis na nga si Aya, aalis na ang mahal ko. Iiwan na niya ako. Sandali ko nga lang siya nakasama eh tapos aalis na agad siya.
"I'm so glad that you made the right decision, Aya. Sana bumalik ka kapag kaya mo nang i-handle ang company niyo. The barkada will miss you, I'll miss you, your parents will miss you, your family and relatives will miss you and most of all.... Reil will totally miss you. Hay, tama na nga. Kanina pa namin inaasar si Reil eh, baka umiyak haha. Anyways, take care of yourself. Enjoy, have a safe trip, I love you very much. Pasensya daw at hindi nakapunta yung iba. Alam mo naman na na yung project natin. Hindi pa daw kasi nila natatapos na gawin at ipapass na sa Friday kaya nagmamadali na silang tapusin. Pero pinapasabi nila na mag-iingat ka daw at mahal na mahal ka daw nila." Yasmin.
"Ayalabells my daughterbells. I will totally miss you! Baka makahanap ka doon ng bago mong mommy! Hay! Humanda lang siya sa akin! Haha. Joke! Anyways, anak.... Susunod ako sa'yo doon, magaaral ako doon. Kaya don't be sad, okay? Smile. Wag ka nang mag-dradrama doon! Anak, mahal na mahal na mahal na mahal ka namin ni Martin. Sobra. Alam mo kahapon nagdadrama na ang daddy mo. Kung anu-ano pa ang sinasabi sa akin. Lahat nalang ikukumpara niya sa pag alis mo. Haha. Pero alam mo nak? Nalulungkot kami sa pag-aalis mo eh. Hindi pumunta si Martin kasi hindi ka niya kayang makita na aalis. Sabi niya pero sa akin, *ahem* Samantha, sabihin mo kay Aya pasensya kung hindi ako makakapunta. Hindi ko kasi talaga kayang makita siyang umalis, napalapit na kasi yung loob niya sa akin eh. Parang mas iiyak pa yata ako kesa kina tita kaya mas pinili ko nalang dumito nalang sa bonding place naming dalawa ni Aya at dito nalang umiyak. Pakisabi na mahal na mahal na mahal na mahal ko siya kahit gaano pa siya kakulit. Sabihin mo din na ingatan niya sarili niya. Mamimiss ko yung batang yun. Hay. And please, pakiyakap siya para sa akin. *ahem* Ingatan mo sarili mo, anak. Kumain ka ng three times a day, mag-toothbrush ka three times a day, uminom ka ng 8-10 glasses of water, mag-excercise ka tuwing umaga or ikaw bahala kung hapon o gabi, wag na wag kang mag-lalasing (whispers) ulit, matulog ng maaga, sundin mo ang sinasabi nila doon, okay ba? I love you, anak. I'll miss you so much! Pasensya na sa speech ko. Tita, masyado pong mahaba sorry." Tumawa naman kami at tumingin ako kay Aya. Umiiyak siya habang tumatawa.
BINABASA MO ANG
The Last Moment of Us
Chick-Lit"And when I held your hand, I swear, I felt like you were the one for me. Like we were meant to be, destined to meet each other and fall in love together. I love you, Aya." His words that made me feel so loved and protected. I couldn't ask for more.