Chapter 54 - Past meets Present

70 2 0
                                    

Aya's POV

>>> A year passed <<<

"Reil, punta lang ako sa labas sandali ah? Anong time yung meet-up natin with the Event Coordinator?" Mag-cocoffee lang kasi ako at ayaw pang lumabas ni Reil. Tinatamad pa siyang lumabas. Haha. Ang cute niyang natutulog. 😍

"Uhhh... Damn. Inaantok pa talaga ako blueberry kaya hindi kita masamahan. Hmmm.... 2:30 pm pa. Ingat ka. Babawi ako I promise. I love you, Aya." He hugged me and went back to sleep.

I kissed his forehead and put the comforter in him. I watched hm sleep peacefully and when I was satisfied, I got downstairs.

"Manang Fe, tulog pa po si Reil sa taas. Kapag wala pa po ako pag gising na siya, sabihin niyo po mag-brunch na po siya. Una na po ako ha?"

"Hija, mag-iingat ka. May meeting pala kayo ni, Reil. Umuwi ka ng maaga ha?"

"Opo, Manang Fe. Bye po." I left our house and walked. Maglalakad nalang ako papunta ng Haven Café.

>>> At Haven's Café <<<

"Ikaw ba si Aya?" I looked at the girl and smiled a little bit. Don't talk to strangers nga diba?

"Ummm.... Yes. Have we met before?" I asked politely.

"Ako, kilala kita. Siguro ako kilala mo rin. I hope so. I'm Sianne Dalia Dela Vega." Right. She was Reil's ex-girlfriend.

"Uhh... Hi? I-uhh... Mean- Hi. Hi. Yes, hi." I faked a smile. Whoosh. This is an awkward situation.

"Ikaw nga pala talaga ang ipinagpalit sa akin ni Reil." She sat at the opposite side of the table. So kailangan ipamukha sa akin na siya ang mas nauna kay Reil ganun?

"Yeah."

"I thought mas maganda ka pa sa akin. Well, as what I am seeing now... Si Reil talaga. Medyo mababa ang standards noh?" Iniinsulto ba ako nito? Tapunan ko kaya 'to ng kape?! Bastos eh.

Calm down, Aya. Temper lang.

Bastos eh!

Aya, tama na. Hinga ka lang ng malalim. Control your temper.

"Haha. Ako nga rin eh. Akala ko mas maganda ang first girlfriend ni Reil pero.... Tama nga sila. Maraming namamatay sa maling akala." I plastered a sweet smile and she just rolled her eyes.

"I heard engaged na daw kayo, wow. TALAGANG PINANINDIGAN MO ANG RELATIONSHIP NIYO NI REIL. Sa tingin mo ikaw lang ang mahal niya?" Unting-unti nalang talaga mai-bubuhos ko na ang kape ko dito sa babaeng 'to. Nakakainis na eh! Makapang-lait akala mo naman! Hmph! The nerve!

"Bakit, ikaw? Minahal mo nga ba noon si Reil? Bakit kayo nag-break? Dahil sa Long Distance Relationship? C'mon, Sianne. Kung mahal niyo nga talaga ang isa't-isa eh di hindi mo sana siya brineak. Ang totoong nagmamahal, marunong mag-hintay."

"Don't be so stupid, Aya. Sa tingin mo mahal na mahal ka na talaga ni Reil? Akala mo ba wala na siyang nararamdaman para sa akin? Damn, Aya! I never knew na may babae pa palang magpapaka-martir para lang sa lalakeng mahal na mahal niya! By the way, nung nag-paalam sa'yo si Reil na makikipag-meet lang siya kay Tyson, hindi si Tyson ang kinita niya! Ako, Aya! Ako ang kasama niya nung araw na yun!" This girl is really pathetic.

"Have pity on yourself, Sianne! Ako na ang mahal ni Reil! Kami na! Ako ang papakasalan niya sa ayaw at sa gusto mo!" I was about to stand up but she said something.

"Sabi sa akin ni Reil may nararamdaman pa raw siya para sa akin. Here. Listen." Nilabas niya ang phone niya at pinarinig sa akin ang boses ni Reil.

It broke me into pieces nung narinig ko ang sinabi ni Reil. "I still love you, Sianne." A tear escaped from my eye and wiped it away.

"Did you hear that? Poor little princess. Aww." I left her there and started walking while there were tears streaming down my face.

I still love you, Sianne.

I still love you, Sianne.

I never knew na may babae pa palang magpapaka-martir para lang sa lalakeng mahal na mahal niya!

I never knew na may babae pa palang magpapaka-martir para lang sa lalakeng mahal na mahal niya!

It hurts. Parang bumalik lahat ng masasakit na alaala ko nung nagpaka-tanga ako sa kanya. Umiyak ako. Hanggang ngayon nagpapakatanga pa ako? Bakit ko ba 'to nagagawa? Bakit ba napakatanga pag dating kay Reil? But there's still a side of me na sinasabing "Kilala mo si Reil. Alam mong mahal ka niya diba? Nangako siya sa'yo. And remember what he said nung umalis ka? Aya, remember those promises."

Bakit ba ang hirap? Mahirap paniwalaan ang sinasabi ni Kianne and at the same time nahihirapan din akong paniwalaan ang sinasabi ng utak ko. Oo, mali ang paniwalaan ang isang bagay na walang pruweba pero aish! Nalilito na ako! Umiyak nalang ako ng umiyak hanggang sa makarating ako sa bahay.

"Hija, umiiyak ka ba? Anong nangyari? May problema ka ba?" Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa likod ko.

"Po? Haha. Hindi po ako umiiyak, Manang Fe. Atsaka wala rin po akong problema." I wiped my faced and was about to go upstairs but a hug caught me. He is now back-hugging me while I stare at the floor.

"Hi, blueberry. Good morning."

"Morning. Akyat muna ako. Just call me kapag nandyan na yung Event Coordinator."

"Galit ka ba? What's with the face? May nasabi ba akong masama?" Meron, Reil. Meron. And you know what, ex mo pa ang nagsabi sa akin! Pero hindi ko nalang yun sinabi and I just smiled weakly.

"Masama kasi pakiramdam ko. Una na muna ako sa taas. Kain ka na." He turned me to face him.

"Ang blueberry ko. Want me to take care of you?" Take care? Big word. Take care pala ha?

"It's fine, Reil. Baka mawala rin 'to." Umakyat na ako bago niya pa ako ulit kulitin. I'm not yet ready to deal with him.

Reil's POV

"It's fine, Reil. Baka mawala rin 'to." She went upstairs and Manang Fe looked at me.

"Kanina lang nung bumaba siya nakangiti pa siya. Sobrang saya niya nung bumaba siya. Pero ngayong bumalik siya, naging malungkot. Siguro may nangyari. Huli ko siyang nakitang ganyan eh noon pa nung Grade 9 siya. Heartbroken. Hindi naman kayo nag-away?"

"Hindi po, Manang Fe. Baka naman po nagtatampo siya kasi hindi ko po nasamahan."

"Reil, suyuin mo yun ng sobra. Ngayon ko lang kasi ulit nakita yung mukha niya na ganun kalungkot. Kutob ko, may narinig siya o may nanakit sa kanya ng sobra kaya ganyan siya ngayon. Sana nga hindi ikaw ang dahilan eh."

"Sige po, Manang Fe." Kapag nalaman ko lang kung sino ang nanakit kay Aya humanda siya. Ano kaya ang nangyari kay Aya? Napansin ko nga rin yung sinabi ni Manang Fe kanina eh. Masaya nga naman siya nung gumising siya tapos bigla nalang siyang lumungkot nung dumating siya dito.

"Hijo, napansin ko nga pala. Para siyang umiiyak nung dumating siya dito."

Hay. Never namang naglihim sa akin si Aya sa mga problema niya. Ano naman kaya ang nangyari? Hindi naman sila nag-aaway nina Mama at ni Papa. Nagtatawanan pa nga sila ni Francis nung tumawag siya nung Saturday eh. Kahit din naman si Darwin. Ano ba ang problema mo Aya? Bakit ayaw mong sabihin sa akin? Sana naman hindi 'to tungkol sa relationship natin. Kasi kung tungkol man ito doon, hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag nawala ka sa akin.

The Last Moment of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon