Survival #6: Blood

106 5 0
                                    

Amoy ng kemikal, sunog na mga materyales, at goma ang naaamoy sa buong lugar. Halos ilagay ko sa ulo ko ang dalawa kong kamay dahil parang babagsak talaga sa amin ang bubong dito.

Walang mga natirang gamit, lahat natupok ng apoy. Kung meron man, siguro ay mga tira-tira lang. Pagpasok ay unang bumungad sa amin ang isang kwartong wala ng laman. Sa bandang dulo ay may pinto na sira rin.

Everytime I step, the floor would creek with anything that's burned. Mga abo o 'di kaya'y mga nawasak na gamit dahil sa sunog. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. And suddenly, may kakaiba akong naramdaman.

It feels like, I've been here. It feels like, napuntahan ko na ito? Déjà vu? I don't know. Parang nagsitaasan ang mga balahibo ko ng pumasok ang hangin sa nakabukas na bintana.

The corners of the room is so familiar to me. Panigurado akong hindi ko pa ito napupuntahan noon pa man, but, why do I have this feeling? Feeling that I think nanggaling na ako dito?

"Pristine! Come here! You must see this!"

Napatingin ako sa pinto sa dulo dahil doon nanggaling ang tinig ni Yuri. Ilang sandali pa akong nanatili sa kwartong iyon hanggang sa naglakad na ako papunta sakanya.

Ang pintong iyon ay dinala ako sa isa pang kwarto. And I think, this is the laboratory. Ang kanina ay kwarto lamang? Siguro nga. Pumasok na ako palapit sakanya ngunit hindi nakatakas sa paningin ang mga nandito.

The metal shelves didn't burned. Nasa mga pader iyon, ngunit ang mga nakalagay doon ay ang mga natirang bote o ano pa. Sa gitna ay may metal ding lamesa na mga sunog ding lab equipments pero maa-identify pa naman. Ngunit wala ng iba pang natira kundi iyon lang.

Nakita ko na may pintuan ulit sa gilid at nandoon si Yuri. Naglakad ako palapit sakanya dahil abala siyang nakatalikod. Ang kwarto namang iyon ay puno ng mga gamit! Bakit hindi ito nasunog? Talaga bang sinunog na lang at hindi na tinignan kung may natira?

Sa pagkakaalam ko, ilang taon na ito dito. Sa sobrang tagal, wala man lang nag-abala na pasukin ito? The government perhaps? Baka nasa kustodiya nila ang mga gamit dito? And the things here must be unbreakable! Hindi man lang nasunog?

"Wow! Ano kaya 'to? Ngayon lang ako nakakita ng ganito!"

Tuluyan na akong lumapit kay Yuri at tinignan din ang kanina niya pa sinasabi. And there, nakahilera ang mga hindi ko alam kung ano. They're in circle shape, line with a neon blue in it's edge. And it has a disk-like in the center. Lima iyon na nasa sahig lang.

Luminga ako sa buong kwarto at may iba pa! Some are big capsule-like! Sa tingin ko ay kakasya pa ako doon? What the hell is that? Sa mga metal shelves ay mga iba't ibang uri ng scopes.

"Pentagon Corporation? Huh?"

Napalingon ulit ako kay Yuri. "Ano?"

"Look! Nakalagay diyan oh! Pentagon Corporation!"

Lumapit pa ako lalo sa bagay na iyon at nabasa nga ang sinasabi niya. It is written in bold blue font. At sa baba nito ay nakasulat ang isang salita sa mas maliliit na letra.

"Mendoza," basa ko doon.

"Huh? Ako nga!"

Umusog ako at si Yuri naman ang tumingin. Binasa niya din ang nakasulat. Nagkatitigan kami at parehong kunot ang noo. Sa tingin pa lang, animo'y nag-uusap na kami. Umiling ako.

"Don't. Hindi natin alam kung ano 'yan Yuri."

"Try lang natin! Patong lang tayo!"

"No-"

Ang makulit na Yuri ay hindi na nakinig at agad na umapak sa isa sa mga iyon! Hihilahin ko na sana siya pero agad siyang nawala! The hell?!

"Y-Yuri? Yuri, where the hell did you go? Yuri!"

Operation: Last SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon