Survival #10: Laboratory

88 3 2
                                    

Tulala ako habang iniisip ang nangyari kanina. After that scene, iniwan ako ni Marco sa kwarto ko at sinabing magpahinga na lang. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya. He's so mysterious and all.

Ano ba kasi ang meron sa amin? Are we in a relationship? Pero itinanggi niyang boyfriend ko siya!

Kanina pa ako nandito, parang ayaw pang lumabas dahil sa hiya. Ano na kayang nasa isip ng mga tao ngayon dito? Lalo pa ang mga lalaki kanina! Sobrang nakakahiya iyon! Baka isipin nilang sinasadya ko pa!

Hell, I don't even know na banyo pala 'yon ng mga lalaki! At bakit doon naman kasi?

Inihatid na ang pagkain ko kanina at kahit walang gana ay kumain pa rin dahil sobrang gutom. Napatingin ako sa relo na nakasabit sa dingding, at gabi na pala. Kinuha ang pinagkainan ko pero nanatili ako sa loob.

Nandoon lang akong nakatulala nang marinig ang katok sa pinto. Nang bumukas iyon ay nakita ko si Yuri na pumasok. Sa gulat at saya ko ay tumakbo ako palapit sakanya.

"Bakit ngayon ka lang?! At saan ka galing? Makakabalik na ba tayo?"

"Woah, woah, woah. Wait lang, mahina ang kalaban. Isa isa lang, Tine."

Umupo siya sa sofa at sumunod ako. She looks calm and relaxed. Hindi tulad ko na nag-aalala, nahihiya, at problemado. She's still wearing her coat and all. She looked at me.

"Marami ang kailangang pag-aralan sa lab kaya ngayon lang ako. Kasama ko ang mga kapwa scientists doon. And, about your third question. I still don't know."

"What? You should know! Mapapahamak natin sila dito kapag hindi pa tayo bumalik!"

Still, she remained calm while I'm almost hysterical.

"You just have to learn all the things here. Inaaral at inaalam ko, kaya ganoon din ang gawin mo. Nahihirapan din ako pero wala na tayong magagawa. Isa tayo sa mga inaasahan dito. Lalo kana," kalmado niyang sabi.

"Iyon na nga eh! Ako! Lalo na ako! My job here isn't that easy! May mga buhay ba nakasalalay sa kamay ko! Yuri, we need to find a way back!"

I held her hand to convince her more. I looked at her eyes, pleading. But she's still not moved by it! Kalmado pa rin siya!

"It's same with me. Inaasahan din nilang makakahanap kami ng gamot sa sakit na kumakalat. They need us here, we won't go back."

"Yuri naman!''

Lumayo ako sakanya at huminga ng malalim. She didn't get me! Hindi madali para sa amin ito dahil kulang pa kami sa kaalaman! Hindi porket inaaral niya ay sapat na!

"Pristine, this is the answer we are finding! Nandito na ang hinahanap natin! Bakit pa tayo babalik? Isn't this is want we want? Ngayong nandito na tayo at may kakayahan ng makatulong, ngayon pa ba tayo aatras?"

"Ang punto ko, we are not yet-"

"Kaya nga aaralin natin diba? Pagsikapan natin! Besides, may mga tao ng pwedeng tumulong sa atin! We can do it, right? Trust yourself, you can do it."

Umiling ako. "No, Yuri. It's better if we go back. Mapapahamak ang mga nandito kung hindi tayo babalik. Hindi dapat tayo nandito."

Yumuko siya, tila sumusuko na sa akin. Nang mag-angat siya ng tingin ay determinado talaga siyang hindi bumalik. Buo na ang desisyon niyang mag-stay dito. Hinding hindi ko na siya mapipilit pa.

"Hay, Tine. Aren't you happy? Kasi ako? Masaya ako na napunta tayo dito! This is my dream-"

"Then how about me?"

Natahimik siya sa sinabi kong iyon. Nag-iwas ako ng tingin dahil sa nagbabadyang luha. I didn't want to be like this. Sure, I know some things but I don't want this! Gusto ko rin maging katulad niya! Hindi ganito!

Operation: Last SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon